My Ice Queen

27 1 0
                                    


ang kwentong ito a pawang likhang isip lamang ang mga tauhan na nabanggit ay walang kinalaman sa kahit na sinong kapanganlan.

Enjoy reading



Chapter 1

Sebastian POV

'' I do"

'' and now pronounce you , husband and wife'' hindi ako makapaniwalang sumipot ako sa sapilitang kasal na ito, alam kong hindi ako mabuting anak sa mga magulang ko. Hindi ako yung tipo ng tao na basta nalang susunod sa lahat ng gusto ng mga taong nakapaligid sa akin. Pero dahil sa mga nagawa kong kamalian, ito ang tanging paraan para makabawi sa kanila. At sempre makuha ko ulit ang tiwala ng dad ko na.

Hindi ko din akalaing ganitong babae ang papakasalan ko, isang babaeng hindi ata uso sa kanya ang ngumiti man lang, bago ang kasal dalawang beses palang kaming nagkita at ito ang pangatlo, oo tama kayo ng iniisip naipit ako sa arrange marriage na ito, sa isang babaeng hindi ko man lang kilala,

Unang beses naming magkita nung pinakilala kame ng mga magulang namin nung nakaraang buwan lang.Naalala ko pang late syang dumating ng araw na yun. Ang simpleng lunch ay nauwi sa maagang dinner. Ganun katagal ang pinaghintay namen. Hindi ko alam ang tunay na dahilan kung bakit kame kailanggang magpakasal ang tanging paliwanag lang sa akin i mommy eh matalik na kaibigan ni daddy ang tatay ng babeng nasa harapan ko ngayon at nagsumpaan ang dalawa na kapag nagkaanak sila ay ipakakasal ang mga ito. Nung una ay hindi talaga ako pumayag sa kasunduan nila. Sino bang matinong tao ang magpapakasal sa isang taong hindi mo kilala at ni hindi mo pa nakikita.pero dahil sa kagustuhan kong makabawi sa mga magulang ko ay pumayag ako. Pero sempre may kasunduan kame ng babaeng ito.

Nang pangalawang beses naming magkita late na naman sya. Sinadya kong kausapin sya lingid sa kaalaman ng mga magulang naming dalawa.para pagusapan namen ang mga rules and regulation sa pagsasama naming dalawa. Late sya ng sampung minuto ng araw na yon. Sa lahat pa man din ng ayaw ko ay yong pinag hihintay ako. Nang dumating sya ay parang wala lang sa kanya.

Sa totoo lang hindi sya maganda sa paningin ko. Isang tipikal na babaeng palaging naka hoody jacket na may naka salampak ng ear phone sa magkabilang tenga nya, walang pakialam sa paligid nya. Anong klaseng trip yon diba.pinagusapan namen ng araw na yun ang mga rules para sa aming dalawa. O dapat kong sabihin na rules ko lang. oo ako lang dahil sabi nya ayaw nyang sayangin ang brain cells nya sa mga walang katuturang rules na yan. Simple lang naman ang rules na gusto ko.

Rules:

1. don't do sweet things

2. don't invade my privacy, specially my room ayoko ng may ibang taong pumapasok sa kwarto na walang pahintulot ko. Maliban sa mga kaibigan ko.

3. don't interfere our private life,/ ayoko ng pinapakialaman ako tungkol sa mga ayaw at gusto kong gawin.

4. dont ask/ ayoko ng tinataonong ako sa mga ginawa ko.

5. we file annulment after 1 year/ pinagbigyan ko lang ang mga magulang ko.at matapos ang isang taon ay maghihiwalay kaming dalawa sa ayaw at sa gusto nya.

6. don't dare fall in love with me./ ayoko ng komplikadong buhay at para madali sa amen ang paghihiwalay.

Matapos kong ibigay sa kanya ang rules ko binasa nya ito at bahayang tumango sa akin. Senyales na pumapayag sya. Samantalang nung kukunin ko na yung sa kanya isang blankong papel lang ang ibigay nya sa akin sabay sabing'" gawin mo ang gusto mo at gagawin ko ang sa akin, sasabihin ko ang rules na gusto ko kapag may mga bagay kang gingawa na hindi ko nagugustuhan, base sa mga rules walang problema sa akin.'Sabay tayo at walang sabi sabing umalis sa harap ko. Ni hindi man lang ako nakapagsalita.ang weird lang .

My Ice QueenWhere stories live. Discover now