enjoy reading
Chapter 2
Sebastian POV
Limang araw na ang nakakaraan simula ng umalis ang magaling kong asawa. Oo magaling talaga dahil kahit ang magtext tumawag ay wala man lang akong naririnig sa kanya, at saka ko lang naalalang wala nga pala kaming pakialaman sa isat isa. ''bakit ko ba iniisip ang babaeng yun?''
sa loob ng limang araw wala akong ginawang pagbabago, katulad pa din nung dati, nung bago pa ako ikasal sa napaka galing kong asawa. Gabi gabi bago ng bago ang mga babaeng inuuwi ko sa bahay. Patuloy pa din ang buhay ko. Sa loob ng mga araw na may trabaho kailangang mag focus. Sempre para mag pakitang gilas sa dad ko. Sa laki ng kasalanan ko sa kanya hindi pa sapat ang magpakasal ako sa babaeng napili nya para sa akin. Alam kong balang araw ay mapapatawad nya din ako. Hindi naman ngayon ,bukas o sa susunod pang bukas, handa kong gawin kung ano man ang gusto nya.
Siguro nagtataka na kayo kung anong kasalanan ko at handa kong sayangin ang isang taon ko, sa ngayon ay sikreto muna, darating tayo dyan. Sa ngayon ay hindi ko pa kayang sabihin sa inyo.
Dahil walang pasok bukas dahil araw ng sabado, may panahon kaming magkakaibigan na magkita kita ngayong gabe. At sempre umuulan na naman ng magaganda at sexing babae sa Vistro. Matapos ang ilang oras kong pag oover time sa opisina tinawagan ko na si Zacky my friend ang pinaka siraulo kong kaibigan.
''Zacky pare" masaya kong bati sa kanya,
" bro its Zack, why you always calling me Zacky nag mumukha akong bakla sayo eh" ayaw nya talagang tinatawag naming syang Zacky, hahaha..palagi nyang sinasabi na nag mumukha syang bakla..pero yung totoo hindi naman talaga yun ang totoong dahilan. Kung bakit ba naman kasi nagpapaniwala sya kay kupido ayan tuloy isa sya sa mga nabiktima ng mapaglarong pagibig na yan.mabuti nalang ako hindi nagpapaloko sa kupidong yan.
''sus muka mo! Pwede ba pre wag kang magdahilan dyan ng kung ano-ano, alam naman natin kung bakit ayaw mong tinatawag kang ganyan" mapang asar sya talaga pero sempre hindi ako magpapatalo sa lalaking to.
"alam mo naman pala eh, eh bakit gustong gusto mo pa" hahahaha napipikon na sya.
"wala naman, nangaasar lang" hahahahaha...may pagkapikon din kasi kung minsan. Kaya kapag pikon na sya kailangan ng tigilan ang pangaasar, baka bigla umiyak eh. Magbigti pa hahha,
''fine!! On the na ako sa Vistro magkita nalang tayo don, humanda ka sakin. Babawian kita" sabay naputol ang linya. Hahahha. Kung magkaharap man kami ngayon nun may batok na ako sa kanya. Asa pa syang makakabawi sya sa akin.
Mabilis akong nakarating sa Vistro at ang mga loko andon na, at katulad ng inaasahan may mga kasama ng babae maliban nalang sa napaka bait naming si Liam. Sya talaga ang hindi mahilig sa mga babae,katwiran nya kasi kaya nyang maging masaya na walang kasamang babae sa kama.sa umpisa akala mo boring syang kasama, maliban sa tahimik ito eh palaging libro ang hawak kaya maiilang kang kausapin, kung baga may sarili syang mundo na sya lang ang nakakaalam.
"pre ang bilis mo ah," bati sa akin ni Zacky
'' sempre naman excited ako palagi eh."
'' kuya andyan si Jenny nakita mo ba? Hinahanap ka nya kanina eh" si Ethan yan.. minsan kuya ang tawag nya sa amin kapag may kalaro syang ibang babae yan ang pinaka role nya.
" Who's Jenny" may pagtataka sa muka ko. Hindi ko kasi matandaan sa dami ba naman nila diba.
" si Jenny yung kasama mo lang kagabe, inuwi mo pa nga yun, ayun sya oh sa may counter'' sabay turo sa akin ni Ethan sa isang babaeng morena, na mahaba ang buhok, maganda naman sya. Naalala ko, sya yung inuwi ko kagabe sa pad ko. Hindi ko talaga ,matandaa ang mga babae ko. Saka bawal nga kasing umulit. kaya nga ang mga name nila ay hindi ko na matandaan.
YOU ARE READING
My Ice Queen
RomanceAko yung tipo ng lalaking hindi naniniwala sa tunay na pagibig, Kahit ang marinig o mapagu sapan ay ayoko, Para sa akin ang pag ibig ay responsibiladad at obligasyon lamang, Hanggang sa makilala ko ang isang babaeng magpapakita sa akin ng tuna...