(M5) 34

1.4K 51 8
                                        

JELLA POV

Pumunta ako ng table tennis training. Nabored ako sa private office ko eh.

Lahat ng kaibigan ko nasa training tapos ako nag iisa sa office feeling ko aamagin ako pag nagtagal pako dun.

"nakakatampo kung Saan di ka namin kasama sa laro dun ka magtetraining"

Napakapout na sabi ni Janica. Ay jusko. Kanina payan paulit ulit. nakasalubong ko kasi silang dalawa ni rhealaine. tapos biglang sumama sakin. gusto daw kasi nila akong mapanuod mglaro nun.

"edi maglaro din kayo nun para kasama niyo ako sa laro!"

"HINDI NGA KAMI MARUNONG NUN!!!""

sabay nilang sigaw sakin. Letche talaga.
paulit ulit nilang sasabihin na itong laro lang ang itetraining ko kasi daw wala sila.
tapos nung sinabi kong sumali ayaw naman nila.

yung totoo? Abnormal ba sila.

Nang makarating kami. Sinalubong ako ni coach magie

"Oy queen buti nandito ka!"

Sabi niya sakin. Queen tawag nila sakin lahat ng player ng table tennis. Ewan ko lang kung bakit.

" hindi ako reyna!" Sabi ko sakanya.

"Ah basta queen ka parin namin" masiglang sabi niya. Napairap nalang ako.

si coach magie kasing edad ko lang siya. pero coach na siya nang table tennis. siya ang tunay na queen ng  table tennis.sobrang galing niyan.

Umupo muna ako at nanuod ng laban ng mga nagtetraining. Nakakabored letche.

"JellA maglaro kana!" Sabi ni Rhealaine.
Tumango ako at hinamon si coach magie na Mag one on one. Pumayag naman siya.

Pumunta ako sa locker ko para kunin ang padle ko. Oo may locker ang player ng table tennis dito.

Pagka open ko una kong napansin ang Bola ng football. Kinuha ko to at tinignan.

Never ko pang nagamit to. Ayaw ko kasi magasgasan ang bola na to. Hindi dahil sa mahal siya. Pero kasi mahalaga yung taong nagbigay sakin nito.

Siguro akala niya tinapon ko to. Itinibi ko lang to. Kung saan walang makakita o makakagamit. Ewan ko ba kung bakit naisipan kung itago to sa locker ko.

Iniikot ko ang bola at nakita ko ang pangalan ko at pangalan niya.

Jella~April

napangiti ako ng maalala ko siya. huling kita namin ay ung nag champion kami nun sa isang laban. matagal nayon may 4months na ata.

Binalik ko ng maingat ang bola sa locker at pinagmasdan ko ang raketa ko ng tennis,badminton,at table tennis. Nandito rin lahat ng naging uniform ko sa laban. Pati ang mga spikeshoes ko.

Mamaya iuuwi ko lahat ng gamitt ko dito  sa mansion at ipe-FRAME ko lahat ng uniform ko.

Iisang number lang ginagamit ko sa laban. yun ay number 13 favorite number ko.

Kinuha ko na ang padle ko at nilock ko ulit ang locker ko. Nandun narin si coach magie nakapwesto na sa kabilang side ng table.

"Sis peram phone"

Kinuha ko sa bulsa ko ang phone ko at hinagis sakanya. nasambot naman niya.

"ready queen?" Tanong sakin ni coach magie. tumango naman ako kaya sinerve niya na.

Pinaluan ko naman siya at tumama yun sa leeg niyan tinignan ko lang ito at kita ko na namantal ito.

"Chill queen"

Ms.Maldita Meet Mr.MahanginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon