Chapter 1

68 0 0
                                    

"Gerhea's POV"

Nagising ako sa isang mala-paraisong lugar..

Pag mulat ko'y agad na bumungad sa akin ang nagkikislapang dahon ng mga malalagong puno..

Tila ba napakagaan ng aking pakiramdam.

Bumangon ako't mas nasilayan ko ang ganda ng lugar na aking kinalalagyan ngayon.  Bukod sa nagkikislapang mga puno ay makikita mo ang lawak ng lugar at mga bulaklak na animo'y parang isang inedit na larawan lamang. Napakabango ng simoy ng hangin.

May mga nagliliparang umiilaw na paru-paro.

Tumayo ako at nilapitan ang napakalawak na harden..

Ngunit ng makalapit ako'y napasinghap ako ng mapagtanto kong hindi pala iyon paru parong umiilaw lamang kung hindi ay mga maliliit na babaeng may pakpak.. 

"Fairies! " Bulalas ko..

Lumingon silang lahat sa akin..  At napasinghap din sila..

Lahat sila'y yumokod, tila ba nagbibigay galang sa mas nakakataas sa kanila.

"Maligayang araw sa iyo mahal na prinsesa. " sabay-sabay nilang sabi.

Napamaang naman ako.

"Prinsesa?  T-Teka..  Totoo ba to?
May fairies?  Tsaka nasan ako?  Bakit ako nandito? "

Bigla namang lumipad palapit sa akin ang isang fairy na may dalang "wand"?

Napaatras naman ako.

"Wag kang matakot. Hindi ka namin sasaktan.  Lumingon po kayo kamahalan at makikita niyo ang iyong tirahan. " pahayag nito sa maliit na boses.

Kaya unti-unti naman akong lumingon.
Ngunit mas lalong napalaki ang mata ko ng isang makinang at napakalaking kastilyo ang bumungad sa akin..

"Wow... " Iyon na lamang ang nasambit ko.

Mas malawak pa ang lupaing ito kesa sa inakala ko.

Lumakad naman ako patungo sa kastilyo..  Ilang metro pa ang layo ko at tanaw na tanaw mo ang kabuuan ng kastilyo..

Ilang hakbang pa lamang ang nagawa ko ay may nagsalita na sa aking likuran kaya't napatigil ako sa gulat.

"Saan ka pupunta? "  Lalaki..  Ngunit nakakatakot ang boses nito...

Paglingon ko'y ilang pulgada na lamang ang pagitan ng aming mukha..

"ahhhh!!!! " napahiyaw naman ako ng makita ko ang hindi maipaliwanag nitong mukha..  napaatras naman ako..

My gosssh!  Nakakawala ng moment!

Mas masahol pa to sa mga fess ng  mga cannivals sa Wrong turn ehh..  !

Ngumisi naman ito ng malademonyo at inilabas ang mala paniki niyang pakpak...  Pati narin ang pangil niya at nagtutulisang mga koko...

Juskopormeyo!!!!

"Hindi ka na dapat pang nag balik!
Mas pinapadali mo lamang ang pagharap ng iyong kamatayan!  Hahahahaha!  "  umalingawngaw sa buong paligid ang nakakakilabot na halakhak nito...  Halakhak ng demonyo.

"H-hindi ko ginusto ang mapunta dito...
Ibalik niyo na ako sa amin...  " naluluha kong sambit..

"Hindi mo ako mapipigilan sa mga gagawin ko!  Mapapasa akin din ang buong mundo!  Bwahahahaha!!  "

The Great HeiressWhere stories live. Discover now