Chapter 4

70 0 0
                                    


"Rebecca's POV"(mom of Gerhea)

Flashback

"Mahal na reyna!!   Tumakas na po kayo...  Kami na pong bahala dito..
Kailangan po ninyong iligtas ang mahal na prinsesa.. " mabilis at hinihingal kong sabi sa mahal na reyna na dala-dala ang sanggol na mahal na prinsesa..

Lalo namang lumakas ang mga putok at sigawan ng mga serena at sereno sa labas..

Napatigil naman ang mahal na reyna..

"H-hindi..
Ang tunay na reyna ay hindi makasarili..
Lalaban ako hanggang kamatayan..
Hindi ko sila tatalikuran.. "
Maluha-luha at nanginginig na tugon ng mahal na reyna..

"Mawalang-galang na po,  pero kailangan pong maligtas ang mahal na prinsesa...  Dahil kung ano mang mangyari ngayon..
Siya nalang po ang tanging susi upang bumalik sa normal ang lahat.. "
Pangungumbinsi ko sa kanya.

Bigla naman siyang tumitig sa akin..

"R-rebecca,  lubos kung ipinagpapasalamat na ikaw ay naging matapat sa iyong panunungkulan sa akin..
P-pero hindi ko kayang iwan ang kaharian ng nasa ganitong kalagayan..
Kailangan nila ako dito..
K-kaya.. (iniabot ang sanggol kay Rebecca) 
Bilang isang reyna,  sayo ko ipinagkakatiwala ang aking kaisa-isang anak..
Ipangako mo sa aking aalagaan mo siya at ilalayo sa lahat ng kapahamakan.. Sa tingin ko'y mas ligtas kayo sa mundo ng mga tao..
(inabot naman ito ni Rebecca at tinitigan ang inosenteng mukha ng sanggol na tila ba'y ngumingiti sa kanya..Bigla namang pumikit ang mahal na reyna at itinapat ang kamay
sa noo ng sanggol)

Sa ngalan ng lahat ng nilalang ,enerhiya at kapangyarihan ng karagatan..
Ako bilang reyna ay sinusumpa ang sanggol na ito na matakpan ang kanyang natatanging kapangyarihan sa loob ng labing walong taon..
Sa pagsapit ng tamang panahon ay unti-unting manunumbalik ang kanyang kapangyarihan na aking hinarangan.. ..
(bigla na lamang may nabuong liwanag sa kamay ng reyna at agad itong dumaloy sa noo ng sanggol hanggang sa buo nitong katawan..
Pagkatapos nito'y itinapat naman ng reyna ang kamay sa isang sulok.. At may nabubuong portal..)

(Hinalikan naman ng reyna ang noo ng sanggol..)

Umalis na kayo Rebecca.. 
Bilis na ,ikaw ng bahala sa kanya..

(Tumango naman si Rebecca at agad ng pumasok sa portal..)

(Ilang sandali lamang ay nasa isang kagubatan na sila.. )

(Ngunit kakaiba ang pakiramdam niya..
Alam niyang hindi ito mundo ng mga tao dahil sa kakaibang aura ng lugar..Nagkaroon na. siya ng mga paa.

Minsan siyang nakapunta sa mundo ng mga mortal dahil minsan na siyang nagkaroon ng misyon doon.. )

A-ano tong lugar na to?

Inilibot ko ang aking paningin sa kinalalagyan ko ngayon..  Andito kami sa isang gubat at tanging sinag ng buwan lamang ang tanging tanglaw..
Tila din umaaso ang paligid na nakakadagdag sa pagkamisteryoso ng  lugar.
May mga kakaibang huni din ng ibon at  kakaiba ang lamig ..

*shhhrlkkk.. Shhhrkkk. *

Bigla naman akong naalarma dahil sa kaluskos na aking narinig.. Tila ito'y tunog ng tuyong dahon na inaapakan..
Ngunit wala naman akong maaninag na tao o kaya'y hayop.

Nanatili akong alerto at pinakiramdaman ang paligid..

*shhhrrkkk. *

"Anong ginagawa mo dito? "

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 12, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Great HeiressWhere stories live. Discover now