Chapter 7 : Rebelasyon

375 18 5
                                    

Isagani's POV: 

"T-teka anong nagyari sa anak ko ? pauline ? anong nangyari sa kanya tsaka sino ka ?"

Nandito ako ngayon sa bahay ni Pauline . Sinabi na sya yung nakita ko eh pero bakit hindi nya ko makilala . alam kong may mali e pero ano yun ? Nakita ko wallet ni Pauline at nakita ko sa isang ID nya na dito sya nakatira. 

" Sandali, Isagani ikaw ba yan ?"

Binuksan ni tita ang gate at pinapasok kami. Karga ko si Pauline ngayon ( Bride style )

"Ikaw nga Isagani. Anong nangyari ?"

"ahm. tita mamaya ko na lang po sasabihin . Saan ko po ba pwede pahigain sa Pau ?"

"Pwede bang ihatid mo muna sya sa kwarto nya ?"

"Sige po "

Tinuro ni tita ang kwarto ni Pauline . nilapag ko na sya sa kama at hinawi ang mga buhok na nakatakip  sa maganda nyang mukha.

" Na miss kita. bakit ganon ? Hanggang ngayon Mahal na mahal pa din kita ?" Maayos ang lahat . sabi ko sa sarili ko

Hinalikan ko ang noo nya at pumunta kay tita. ( mama ni pauline)

"Tita, Pwede ko po ba kayong makausap?"

"O sige, gusto ko rin kasi kitang makausap tungkol kay pauline . Ano bang nangyari sa kanya ?"

"Nakita ko po kasi sya sa isang bar kanina tapos parang lasing na sya nung lalapit sana ko sa kanya eh may mga lalaking bigla syang binastos tapos nung nahila ko na sya bigla syang nawalan ng malay pero wag po kayong magalala sa tingin ko eh epekto lang yun ng ininum nya. Di sya sanay sa ganon katapang na inumin. Mukha pa naman syang may problema."

" Siguro sa nangyari kanina." Pabulong pero narinig ko na sabi ni tita

Hindi ko na lang pinansin mukha kasing privat eh.

"ahm. Tita, May gusto lang po akong itanong ?"

"O sige. Ano yun ?"

"Bakit hindi po ako makilala ni Pauline?"

"Ang totoo kasi nyan hijo. Noong pumunta kami dito sa maynila para maipagamot ang mata ni pauline . Naaksidente yung sinasakyan naming kotse at aksidenteng naapektuhan ang ulo nya. Sinabi ng doctor na nagkaroon sya ng  retograde amnesia (a/n: gawa gawa ko lang yan :P) na dahilan ng pagkalimot nya sa buhay nya noon pero sinabi ng doctor na pwedeng bumalik ang alaala nya kung may mga bagay o tao na pwedeng magpabalik sa alaala nya sa nakaraan. Kaya simula nung na-operahan sya sa mata at naka kita ay hindi nya alam ang nakaraan nya ."

...

..

.

...

.

....

.

A-ano ? Teka lang . Di pa rin pumapasok yung sinabi sa kin ni tita ?

"T-tita Hindi nyo po b a'alam ang t-tungkol sa a-amin ni p-pauline dati ?" Shit. ako na nauutal. 

"Hindi. Ano ba yun ?"

"T-tita nung oras na umalis kayo at pumuntang maynila k-kami na po ni p-pauline nun. S-Sinabi nya sa akin na babalik sya kaya naghintay ako. tatlong taon akong naghintay pero hindi sya bumalik"  Di ko na napigilan ang luha ko. ang bading lang pero di ko mapigilan ang emosyon ko sa nangyayari ngayon.

" A-Ano ?! " Nagulat ako ng nakita ko si Pauline. Narinig nya ?

"I-Ibig sabihin totoo yung mga naririnig ko palagi ?"

"Anong ibig mong sabihin anak ?" -Tita

"T-tuwing gabi may mga naririnig akong pag uusap namin ng isang lalaking hindi ko naman kilala tapos all this time time totoo palang nangyari yun ? all this time ikaw yun ?"

Pauline's POV

 Unti unti akong lumapit  sa kanya at hinaplos ang mukha nya. Bakit ganon ? Nung nalaman ko . oo nasaktan ako pero bakit parang may part sa puso ko na na kumpleto. 

"Hindi mo ba ako natatandaan ?" Tanong ni Isagani

Imbis na sagutin ay niyakap ko sya . Ewan ko ba kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Malala na to.

----------------------------------------

A/n: Hello po :) Eto na yata ang pinaka mahabang UD na nagawa ko. pasensya na talaga kung sobrang bagal ko mag update ha ?  busy lang talaga sa school pero hahabaan ko pa sa susunod. maraming maraming salamat sa mga patuloy na nagababa sa pa. sana tangkilikin nyo pa. Libre ang Votes and comments para ganahan ako. haha :) 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 29, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Kahit Nasa Villa Quintana ka man [ JuliElmo Fiction ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon