S.A 2: Old Man

116 17 0
                                    


{Sa kwarto ko}

*KRRIIIINGGGGGG!!!* alarm clock.


"aHHHh! SAYANG!!!" Aking angal sa umaga. Paano ba naman, kung kailan naman matatalo ko na yung higanteng asong lobo tsaka naman tumunog yung alarm clock ko.

Ending, diko na naman natalo yung halimaw. Sayang diba. Andun na eh!! Malapit na eh!!

*FLASHBACK*   {panaginip}

Mahigit isang oras nakong nakikipag laban dito sa higanteng asong lobo. Isang asong lobo na may 10 feet ang taas, kulang itim at may linya linyang kulay violet sa katawan, ang kanyang balahibo ay naka tayo sa sobrang galit, at mayroon itong kuryente na nilalabas at pumapalibot sa kanyang buong katawan.


LIGHTING DEVIL WOLF.


Yan ang aking kalaban kanina pa, medyo nahiran na nga ako dahil sobrang lakas ng halimaw na ito, at may angkin din na sobrang bilis gaya ng isang kidlat.



Patuloy na tumatagas ang dugo sa aking kaliwang braso dulot ng kalmot ng Lobo, may sugat din ako sa tagiliran, tiyan, binti at mga pisngi sanhi ng iba't ibang [lighting attack] nito.



Kung ako ay sugatan, ang itsura naman ng lobo ay mas malala sakin, ang kanyang buong katawan ay napapa libutan ng sugat, ang kanyang dugo ay umaagos sa ibat ibang parte ng kanyang katawan, ang kanyang malalim na pag hinga ay nangangahulugang ito'y nanghihina na, at kaunti nalang na lakas ang natitira.



Itinaas ko ang aking dalawang palad sa langit.


"Divias holix ligtia, atckus SIVVIRRIEE!!!"


Agad akong nagbitaw ng engkantasyon. Ito na ang aking huling atake, binuhos ko na ang lahat ng aking enerhiya. Gusto ko ng tapusin to parekoy.



Nahihiwagahan na talaga ko kung ano bang mangyayari pag natapos ko to.



Sa ibabaw ng higanteng lobo at may puting ulap ang namuo dito. Ulap na sobrang liwanag na nakaka silaw, at sa gintang bahagi ng ulap ay kay namumuong enerhiya.




Bigla nalang naging kulay itim ang buong mata ng higanteng lobo, binuka nito ang kanyang bibig, at ilang sandali pa ay may namumuong bilog na enerhiyang gawa sa kidlat.



"Kulang pa ang enerhiya sa ulap. Hindi pa ito sapat" Patuloy ako sa pag salin ng enerhiya sa ulap.




Ang bolang enerhiya sa bibig ng higanteng lobo ay palaki ang palaki. Kung kanina ay kasing laki lang ito ng isang kamao, Ngayon ay kasing laki na ito ng bola ng basketball




"Kulang pa din"




Palakas ng palakas ang liwanag sa ulap



"ANO?? PAANNOOO?" Laking gulat ko, sapagkat ang bolang kidlat ng lobo ay mas malaki na sa tao,sobrang bilis naman yata.



Ang nakaka takot ay patuloy pa ito sa pag laki.



"Hindi pwede ito, HHAAAAAAHHHH" binigay ko na ang buong lakas ko, sagad na.



Lumiwanag ng husto ang liwanag sa ulap, ngunit hindi pa ito sapat.



Patuloy sa pag laki ang bolang kidlat


Paliwanag din ng paliwanag ang ulap. KONTI NALANG. KONTING-KONTI NALANG


Ng biglang, ang kulay itim na mata ng lobo at nag kulay pula. Na ngangahulugang ang pag ipon nito ng enerhiya sa bolang kidlat ay tapos na!





Summoner's AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon