Lica POV
*ring*
*ring*
Umaga nanaman. Bagong araw. At babalik na ulit kami sa school. Boring naman mag aral. Parang ayaw kong pumasok. Pero mapapa galitan naman ako ni kuya. Pag hindi ako pumasok. Sasabihin nanaman kasi nung mga bwisit kong empleyado sa University kay kuya na hindi ako pumasok. Tss, alam ko na 'yun. Saulo ko na sila. Ano pa bang iba? Sa tuwing a absent na lang naman ako ganun ang nangyayari. Dapat kasi ako na lang 'yung namatay hindi si Freyah. Mas magaling s'ya sa'kin. Oo alam kong magaling ako, pero mas magaling s'ya sa'kin.
"Kenneth Joshua gising na."inuyog uyog ko pa s'ya.
Pero tinapik lang n'ya 'yung kamay ko at inalis. Medyo napa lakas 'yung tapik n'ya kaya napa aray naman ako.
"Aray!"sigaw ko. Hindi kaya ako napi pitpit sa kamay nina mommy. Sermon lang.
Nagising naman s'ya nung napa sigaw ako.
"Huh?! Bakit anong nangyari sa'yo?! Ano 'yung masakit?! Bakit ka uma aray?!"nagpa panic na tanong n'ya.
Naka tanggap naman s'ya ng batok galing sa'kin. Ang sakit talaga. Pula kaya 'yung kamay ko. Nakita naman n'ya na naka tingin ako dun at hini hipan ito. Kaya kinuha n'ya 'yun.
"Ayy, sorry. Napa lakas pala 'yung tapik ko. Wag mo kasi ako tapikin pag natutulog pa ako."ahh. So ayaw n'ya na gigisingin ko s'ya pwes hinding hindi ko na s'ya gigisingin! Gumising s'ya ng kanya!
"Ahh, ganun ayaw mong magpa gising kapag natutulog ka pa?"tumango s'ya"Okay, mabait ako. Kaya sige hinding hindi na kita gigisingin ulit. Bahala kang ma late."
Umalis na ako sa pagkaka upo ko sa kama. Pero hinila n'ya ako at may tinanong.
"Masakit pa ba 'yung kamay mo? Akin na hihipan ko."
"Hindi na sige na. Mauuna na ako."sabi ko. Meaning ng mauuna na ako is..... Mauunang lumigo. Alangan namang papunta sa school. Eh hindi pa nga ako nakakapag ligo naka pantulog pa pati ako. Mamaya na ako magluluto.
***
Allyza POV
Ugh! Kagabi pa ako hindi maka tulog. Kulang na kulang pa 'yung tulog ko. Dapat 8-10 hours ang tamang oras ng pag tulog diba? Eh, ako one minute lang yata 'yung nai tulog ko, dahil sa lalaking 'to eh.
"Ivan Ice Smith! Hindi ako maka hinga!"sigaw ko.
Gumising s'ya at bumangon, umupo sa kama. Kinusot kusot ang mata.
Aba! Nakuha pa talaga n'yang magkusot kusot ng mata. Palibhasa s'ya ang sarap sarap ng tulog. Eh ako?
"Ano ba 'yan? Kitang natutulog pa 'yung tao oh!"wow ha. S'ya nga 'tong may kasalanan kung bakit ako nainis, s'ya pa may ganang mang sigaw. Kapal lang ah.
"Hanep ah. Ang kapal. Ikaw na nga 'yung may kasalanan kung bakit hindi ako naka tulog kagabi kaya inis na inis ako ngayon. Tapos ikaw pa may ganang magalit."sabi ko.
***
Danica POV
Maaga akong gumising ngayon, para magluto ng breakfast ko. Yeah, breakfast ko lang. At 'yung Joseph na 'yun? Hmm..... bahala s'ya. Magluto s'ya ng sarili n'yang breakfast. Ano akala n'ya? Porque fiancee ko s'ya ipag luluto ko na s'ya. Magiging señorito na s'ya. Huh. Asa naman s'ya.
Nagluto lang ako ng bacon, hotdog, fried egg at kanton. Hindi ako kuma kain ng kanina tuwing umaga. Nagsusuka ako.
Sa kalagitnaan ng pagkain ko ay may pumasok sa kitchen. Tiningnan ko kung sino. Tss, si asungot lang naman pala.
BINABASA MO ANG
The Bully Girl Getting Married To The School Heartrob
RomanceTungkol sa apat na bully na babae at sa mga lalaking hahadlang at pipigil sa kanila sa pangbu bully nila.