Chapter 28

6 2 0
                                    

Lica POV

Naglalakad ako habang kumakain ng burger nang biglang tumunog ang phone ko.

Maaari bang malaman ko ang.....

Tsk, sino ba 'to? Istorbo sarap sarap ng kain ko habang naglalakad eh.

Walang tingin tingin ay sinagot ko ito.

(Hello?) Bati ko.

(Angelica Fate.) Psh. Problema nanaman nito ni kuya?

(Problema mo?) Tanong ko.

(Bisaya ka ba?) Tanong n'ya.

(Of, course not. Hindi nga ako maalam magsalita ng salita nila eh.) Sabi ko.

(Ehh, bakit hindi ka man lang nangopo kuya mo ako Lica ah. Oo spoiled kita pero gumalang ka naman kahit minsan.) Reklamo ni kuya.

(Psh. Okay, po. Ano ba po ang sasabihin n'yo?) Oh, diba ang galang ko?

(Pumunta ka dito sa office ngayon din isama mo si Ken.) What?! Bakit kailangan pa isama 'yun?!

(Bakit kailangan ko pa isama 'yun?) Tanong ko.

( Sumunod kana lang Lica.) Inend ko na 'yung call at pumunta sa room sa next subject namin para sunduin si Yoo.

"Your late Ms. Evans. Hindi porque ikaw ang may ari nito ay pwede mo ng gawin lahat ng gusto mo ah. Baka gusto mong isumbong kita kay Sir Calvin." Tinaasan ko lang s'ya ng kilay.

"Go." Mataray at matapang na sabi tsaka hinila si Ken sa upuan n'ya.

"At, saan ka pupunta ms. Evans? At, isasama mo pa talaga si Mr. Yoo." Sabi n'ya.

"Ano? Tatawagan mo si kuya? Go. Ikaw rin naman ang mapapahiya." Sabi ko.

At, hinila ko na si Ken paalis sa bwisit na lugar na 'yun.

"Saan tayo pupunta?" Tanong n'ya.

***

Ken POV

"Saan tayo pupunta?" Tanong ko.

Tumingin s'ya sa akin bago sumagot.

"Pinapatawag tayo ni kuya. Kailangan daw nating pumunta sa office n'ya." At pumasok na s'ya sa kotse n'ya.

Pumwesto ako sa likod, tinaasan naman n'ya ako ng kilay.

"Ang ganda ko naman yatang driver." Taas kilay n'yang sabi.

Kumamot ako sa batok ko. Eh, nandiyan kana kasi naka pwesto eh."

"'Yun lang naman pala eh." Lumipat s'ya.

"Ano?" Tanong ko.

"Go na." Sabi n'ya.

On Calvin's office.....

"Good morning po Ms. Angelica and Mr. Kenneth." Bati ng guard sa amin. Si Lica naman walang pakialam kaya ako na lang ang bumati.

"Good morning din po." Ngiting sabi ko tapos hinila na agad ako ni Lica.

Habang daan ay binabati kami ng bawat empleyado dito pero ini-snob lang sila ni Lica. Kaya ako eto.

Ako 'yung bumabati sa kanila. Nakakahiya naman diba? Binabati ka tapos hindi mo man lang gagantihan miski ngiti.

Puro bulungan rin lang ang mga naririnig namin habang daan.

'uy girl. 'Yan na ba 'yung fiancee ni Ms. Angel? In fairness ang pogi n'ya ah.'

'sana ako na lang si Ms. Angel.'

Nabwisit yata si Lica kaya lumapit na s'ya dun sa mga babae. At doon ko rin lang napansin na hawak pala ni Lica ang kamay ko simula pa kanina nung hinila n'ya ako paalis sa harap nung guard nila dito.

"Ehem." Pagpaparamdam ni Lica.

"M-ms. Angel?" Gulat na tanong nung mga empleyado na nagbubulungan.

"Sa pagkakatanda ko pumapasok kayo dito sa kumpanya para magtrabaho hindi para mag chismisan." Sabi ni Lica.

"S-sorry po Miss. Angel hindi na po mauulit." Pagpapaumanhin n'ya.

"You're lucky. Dahil si kuya pa ang may hawak nitong kumpanya. Pero kung ako na..." Pinutol n'ya pa ang sasabihin n'ya.

"I will fired the all of you ngayon din." Sabay turo n'ya dun sa mga nag-uusap na mga babae.

"Lica let's go." Para gusto na kasing umiyak nung mga empleyado ehh.

"I'm sorry about that." Pagpapaumanhin ko.

"No need po sir. Sanay na po kami kay Ms. Angel." Sagot nung isa.

"Kahit na basta sorry pa rin. Una na ako ha." Sabi ko at tumakbo na paalis.

Naka school uniform pa nga pala kami.

"Why did you say sorry to them?" Mataray na tanong ni Lica.

"My loves naman. Masama ba 'yun?" Tanong ko.

"Psh."

"Wag ka na ngang maging bully my loves." Sabi ko.

"Your not my husband your just my fiancee." Sagot n'ya.

'Yun na nga eh. Fiancee na n'ya ako may karapatan na rin akong makialam sa kanya.

"'Yun na nga Lica eh! Fiancee na kita. Oo hindi pa tayo kasal pero fiancee. FIANCEE. Kaya may-" Pinutol n'ya ang sinasabi ko.

"Kaya may karapatan ka ng pakialaman ako?" Sabay diretsyo sa loob.

Hindi ko na napigilan ang pagtaasan s'ya ng boses kanina.

Calvin POV

"Sir nandito na po sila." Sabi ng secretary ko.

Lalaki ang secretary ko ayaw kasi ni Lica ng babae malalandi daw. Sinasabunutan nga nung batang 'yun ang mga babaeng naging secretary ko dati kapag nagpapa cute sa akin.

"We're here kuya." Bored na sagot ni Lica.

"What do you need?" Dugtong pa n'ya.

"Mom said pupunta daw kayo ng South Korea ni Ken." Nagulat yata s'ya sa sinabi ko kaya hindi nakapag react agad.

"What?! Hell no! Ako na lang ang pupunta dun mag isa!" Sigaw n'ya maya maya.

Sakto namang pumasok si Ken at lumabas ang secretary ko.

"Anong sasabihin mo kuya Calvin?" Tanong ni Ken sa akin.

"You and Lica need to go to South Korea." Sabi ko habang may binabasang mga files.

"Kuya." Seryosong sabi ni Lica.

"What?" Tanong ko.

"Kuya Kendrick is here." Sabi n'ya.

"What?! Ano, sinabi n'yo na ba sa kanya 'yung totoo? 'Yung totoo na hindi kayo kila Prince ikakasal?" Sunod sunod na tanong ko kay Lica, dahil sa pagkabigla.

"Kuya Kendrick? Diba sila 'yung sumundo sa inyo kanina?" Tanong naman ni Ken.

"Yeah." Sagot ni Lica.

"Aish, paano s'ya nakabalik dito? Pinadala na nga s'ya sa ibang bansa para hindi na makagulo sa kasal n'yo." Bulong ko.

"Anong sabi mo kuya?" Tanong ni Lica.

"Ahh, wala wala. Uuna na ako may meeting pa ako ngayon" Ang totoo wala na akong meeting. I'll go home.

Kailangang malaman nina mommy na nakauwi dito si Kendrick ng hindi namin alam. Alam kasi namin na hindi papayag si Kendrick na ipakasal sa iba sila Lica. Kaya pinadala s'ya sa ibang bansa.

Alam ko ang lahat. Alam naming lahat except lang dun sa mga couple's.

The Bully Girl Getting Married To The School HeartrobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon