Enjoy reading~!!
~~~~Ako lang ba? Ako lang ba yung tao na lilingon sa likod kapag tinawag ka? Ako kasi lagi-lagi, araw-araw. Sabi nila abnormal na daw ako hahahaha! (≧◡≦)
Pero never pa akong lumingon sa likod kapag tinatawag ako ni mahal/crush or tawagin na lang natin sa pangalang Adrian Gulliermo.
Grabe! So gwapo niya sa personal medyo may pagka-famous kasi yun dito sa school namin, sa fb, instagram, twitter, etc! Basta name it, kahit saan famous siya kaya maraming akong karibal sa Earth. At take note mahal ko sya ah! He is mine!!
Ako nga pala si Zeyn Nathalie Cruz. Isang magaling na singer dito sa school namin at medyo famous na parang 10% lang ng school ang may kilala sakin. Simula grade 1 to grade 5, top 1 akesh! Hahaha talino ko no?? Joke lang, wag magalit! :P
By the way, Grade 6 palang kami at malapait nang grumaduate! Excited na me!! (*˘︶˘*)
"Hoy! Bessy nagde-day dreaming ka nanaman dyan! Si mam nakaalis na sa room at lahat-lahat tungangey ka pa rin!" Sambit niya na may kasamang irap.
"Huh? Bessy ako ba yung kausap mo?" Tanong ko sabay lingon sa likod.
"Hello!! Earth to Zeyn! Ganyan na ba yung pagka-alog niyang brainy mo at parang naka-drugs ka lagi kapag tinatawag!" Sabi ulit ni bessy. Siya pala si Ana Felis Dizon ang pinakamaldita pero bestfriend ko sa school. Love ko yan mga bes!
"Omyghad bessy! Si bebe Adrian mo dumaan sa pinto natin! Kyaaah~!!" Nakakarinding tili ni Ana. Hays! Sakit ng buhay ng tenga ko lagi..
"Huh? Hala! Bilis, sundan natin! Malapit naman na yung uwian eh! Gorabels na tayo bessy!" Tili ko din pagkatapos marinig yung sinabi ni bessy Ana.
Sinundan ko si Adrian hanggang canteen, wala akong pake kung nakasunod ba si bessy o hindi basta ang mahalaga masundan ko lang si Adrian.
Nagtaka ako nung bigla siyang huminto sa paglalakad at hinarap ako. Gulat na gulat ako mga bes! Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko. Para naman hindi masyadong awkward ako ang naunang lumapit.
"Hi Adrian! Ako si Zeyn Nath..." Hindi ko na naituloy yung sasabihin ko dahil tinalikuran niya na ako at may sinabing kataga na hindi ko makakalimutan...
"Sa susunod hindi na ikaw ang unang lalapit Ze-Zeyn," ay litsi! Sino ba'ng hindi kikiligin sa kanya?? Sasapakin ko yung nagsabi na hindi! Haha!
~~~
Nakalipas na ang tatlong araw at ngayon na ang panahon kung saan pi-picturan na kami ng may toga at churba-chuchu. Nakamove-on na rin akesh sa nangyari pero slight lang..
"Next!" Sigaw ng photographer na nasa harapan naming lahat.
Kitang-kita ko kung paano siya ngumiti sa camera! Huhu why so swerte ni kuyang photographer?? Kung nagtataka kayo kung sino ang tinutukoy ko... Aba! Syempre si bebe Adrian ko! ;-)
"Next!!!" Lalo pang lumakas yung boses ni kuyang photographer! Tinalo pa ako sa pagkanta eh!
"Huy! Ikaw na yung next bessy!" Sigaw sakin ni Ana na tinutulak-tulak pa ako sa harap.
Nagpunta na ako sa harap at ngumiti ng pagkatamis-tamis sa camera para dyosa ang kalalabasan ng pic ko!
~~~
Natapos na ang pagpi-picture samin ni kuyang photographer at ngayon ay papuntang canteen na kami nila bessy and classmates.
"Zeyn! Zeyn! Mahal na mahal kita, dati pa!" Teka boses yun ni Adrian ah?
Humarap ako sa kanya bago lumingon sa likod upang kumpirmahin kung ako talaga iyon.
"Bakit ka lumingon? Bakit ka lumingon kung saan namang mahal na din kita.." Sambit niya bago sinipa ang katabing table at tumakbo palabas.
What was that???
Tahimik ang buong canteen sa nangyari. Lahat ay di makapaniwala sa ginawa ni Adrian, maging ako ay hindi rin makapaniwala.
"Lumingon ako para kumpirmahing ako talaga ang tinutukoy mo.." Bulong ko sa hangin.
"Bessy may sasabihin ako.." Sambit ni bessy Ana.
"Ano yun?" Takang tanong ko sa kanya.
"Basta huwag kang lalayo sakin pagkatapos kong sabihin lahat."
~~~To be continued~~~
BINABASA MO ANG
Bakit Ka Lumingon
Short StoryNakasanayan ko na ang paglingon sa likod kapag may tumawag sa pangalan ko. Paano kung dahil pala sa iisang galaw ay mawala lahat ng nasa iyo. Highest Rank: #888 in Short Story My first short story.