PLASTIK NA LUMIPAD SA LUPA

31 1 0
                                    

Paano natin malalaman ang totoo kung hindi
naman tayo nakikinig?

~~~

"Ano yun?" Tanong ko ulit sa kanya ngunit ni isang "ha" o "ho" wala siyang sinasabi.

"Ahh, siguro idol mo na ako! Hahaha, ako lumilingon sa likod at ikaw naman tatahi--," naputol ang pagsasalita ko nang magsabi siya ng mga katagang hindi ko inaasahan na sa kanya pa manggaling.

"Zeyn, mahal ko si Adrian. Naging boyfriend ko siya nung time na Grade 4 palang tayo. Sorry na nilihim ko ito sayo," matapang niyang sabi na parang ipinagyayabang pa na ang taong mahal ko ay naging boyfriend niya.

Shit lang na lahat pa ng kilig-kilig genes ko ay pinakita ko sa kanya yun pala mahal niya. Ang masaklap nagmukha pa akong "Third Party" amputs talaga!!

"Bakit hindi mo sinabi sakin agad?" Nanggagalaiti kong tanong.

"Hindi ko nam--," hindi ko na siya pinatapos.

"Hindi mo alam?! Eh bakit nung nalaman mo na mahal ko din siya, anong ginawa mo?! Siguro minu-mura mo na ako sa isip mo! Ano ba ang  ginawa ko at nagsinungaling ka?!" Hindi ko na mapigil ang galit na nararamdaman ko. Pinipigilan na ako ng aking mga kaklase pero hindi ako nagpapigil.

"Never kong naisip yan! Kahit nung nalaman ko na mahal mo siya, wala akong ginawa. Sinuportahan kita kahit..." Hindi na niya natapos ang sasabihin dahil bigla na lang siyang nahimatay sa harapan ko.

Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko samantalang halos lahat ng tao ay tinutulungan siyang makapunta sa clinic.

Kahit na ganun pa ang sinabi niya, hindi ako maniniwala dahil dakilang plastik siya na imbes lumipad sa langit ay dapat sa lupa ang bagsak.


~~~


Second year highshool na kaming tatlo nila Ana, ako, at si Adrian. Oo, sabay-sabay kaming nag-graduate at sabay-saby din kaming tumungtong sa highschool.

Masakit isipin ang mga nangyari bago ang aming graduation. Hanggang ngayon hindi kami nagpa-pansinang tatlo


Hindi ko na alam ang gagawin dahil sa isang lingon, lahat ng minamahal ko ay nawawala sa piling ko.

"Aalis ka na ba Zeyn?" Tanong ni John Baylon a.k.a JB, classmate ko sa isang subject.

Lumingon muna ako sa likod upang kumpirmahin na ako talaga iyon.


"Hmm.. Hindi pa naman, may naiwan pa kasing gawain si Miss Pres." Seryoso kong sabi. May mga naririnig akong tsismis na crush daw ako nitong si JB. Ayaw ko namang patulan dahil may girlfriend siya; si Joy, in-short nangangaliwa siya.


"Pwede ba na dito muna ako at tulungan kita sa paggugupit ng mga pang-decorate sa classroom para naman may maitulong ako kay Miss Pres." Pagpapaalam niya na agad ko namang tinanguan kaya kumuha siya ng gunting at gumawa ng maliliit na heart na gawa sa papel. Para ito sa Hart-Hart Day or Valentines Day.


"Hindi mo ba alam na pinapapunta ka ni Adrian sa parking lot nitong school natin." Sambit ni JB ng hindi tumitingin sa akin.


"Huh? Wala naman kaming komunikasyon ni Adrian dati pa," nagtatakang tanong ko.


"Edi pumunta kana para malaman mo kung gaano siya nasaktan. Mas masakit pa sa naramdaman mo ang nararamdaman ni Adrian. Kaysa tumunganga ka na lang diyan pumunta ka na dun bago ka pa mawala ng tuluyan sa puso niya," sabi ni JB bago ako tuluyang tumakbo papunta sa parking lot.


Bago ako makapunta sa dulo ng hallway may humarang sa akin...

Si Adrian lang naman ang nagharang sa dapat na dadaan ko.

~~~To be continued~~~

Bakit Ka LumingonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon