Chapter 5: Family Problem

218 2 2
                                    

                                                         CHAPTER 5

"Osha! Sige na. Uuw---" 'di pa ako nakakatapos magsalita. May biglang nagsalita galing dun sa may eskinitang madilim.

"Cassandra? Ikaw ba yan? Sinong kasama mo?" tapos papalapit siya nang papalait sa akin. Hanggang sa masinagan ng mga ilaw ng poste.

"Ma? Bakit nandito ka po?" si mama pala. Hilig niya akong sinusundo. Kasi daw babae ako. At madilim papunta sa bahay namin.

"Oo. Bakit ngayun ka lang? Sino ba tong ba--" napatigil siya at sabay sabing...

"Ay! Ikaw pala Terrence. Kamusta ka na? Ngayun na lang ulit kita nakita dito ha?" feeling close naman 'to si mama. Pero actually close naman talaga sila. Pero hindi close na close.

"Ay. Goodevening po Ate Josie" sabay nag-mano siya. Ay! Magalang na bata.

"Hindi ba't sabi ko sayo. Hangga't maaari tawagin mo na lang akong tita?" sabay hawak sa ulo ni Tj.

"Ahh. Sige po." tapos ngumiti siya kay mama.

"Oh? Cassandra? Halika na. Gabi na. At ikaw naman Tj umuwi ka na din. Gabi na. Hindi naman porket lalaki ka ay pwede ka nang magpagabi sa kalye. Umuwi ka na. Baka hinahanap ka na din ng mommy at daddy mo." pag-aalalang sabi ni mama  kay Tj

"Ah sige po. Sige po . Sige Cassandra una na ako. Salamat sa pag-sama sa akin ha?" with matching cute smile

"A-ah. Sige. Salamat din ha?"

"O-oh sige na hijo. Bukas na lang ulit kayo mag-usap kung nandito ka pa bukas?" aba! Si mama. Pinapauwi na niya tapos dadaldalin niya naman? Tss. Ang gulo talaga ni mama.

Umalis na si Tj. Tapos pumunta na kami sa bahay. Nung nasa loob na kami ng bahay.

"Cassandra? May problema nanaman tayo." kinabahan at nalungkot ako nung narinig ko ito.

"A-ano po yun ma?" tanung ko sa kaniya. Napansin niya ata na medyo kinabahan ako.

"Grabe ka naman mag-react. Kalma ka lang 'nak. Hindi naman ito ganung ka-seryoso."

"Eh grabi ka naman po kasi mag-balita na may problema tayo eh."

"Kasi 'nak. Baka lumipat na tayo ng bahay. BAKA palang naman. Tska, yung isa pa nating problema. Ay.. Baka maputulan tayo ngayung buwan ng ilaw." 'Di kasi tayo nakabayad eh." sa akin ok lang naman yung maputulan kami ng ilaw. Pero yung lilipat? Ayoko ko. Bukod kasi sa madami akong kaibigan dito sa lugar namin ay may something akong ayaw iwanan. Hindi ko alam kung ano yun.

Complicated LoveWhere stories live. Discover now