ENTRY 1

7 1 0
                                    

***

ARA'S POV:

Malawak na plaza agad ang umagaw sa atensyon ko nang makapasok na ako sa bagong paaralan na papasukan ko. 

Kitang-kita ang pagiging sosyalin ng paaralang ito base sa mga estudyanteng nandito.  Hindi basta basta..  mga anak ng mga bigatin at kilalang mga tao ang nandidito. 

"Girl, look..  bago yung bag ko.  And mind you, sinadya pa tong bilhin ni mommy sa States.  Ang ganda diba? "-Girl 1

"Yung akin rin, galing pang Canada.  'Di to makikita sa Pilipinas.  Limited Edition pa.  "-Girl 2

Hayyy..  ano ba yan?  Kaya nga ayokong mag-aral dito ehh..  Puro pakikipagyabangan lang ang alam ng mga estudyante.  Masyadong mahangin. Tsk.. tsk..

Nagpatuloy pa rin ako sa paglalakad sa hallway hanggang sa mapadaan na naman ako sa mga lalaking estudyante na nag-uusap sa tabi. 

Hui!  Hindi ako chismosa ah?  Sadyang malakas lang talaga sila kung magsalita. 

"Dude, alam mo bang natalo ako sa pustahan kagabi?  Tsk.  Walang hiyang Car race yun.  "

"Ilan ba yung ipinusta mo? "

"Kalahating milyon lang naman.. "

"Tsss..Kunti lang naman pala ehh..  Ako nga yung Condominium ko.  "

"Hahaha..  di bale.  May susunod pa namang pustahan eh. "

Halos mabilaukan ako habang naririnig ko yung usapan nila. 

Kalahating  milyon?  Condominium?  Nawala na lang dahil sa pustahan?  Anong klaseng laro yun?  Punyemas..  akala naman ng mga to, sariling pera nila yung ginagastos, ehh.. galing naman yun sa mga magulang nila..  Tskk..  tsk..  tsk..  naku nga naman. 

"Aray ko po!! "-sambit ko nang bigla akong tumilapon sa sahig. 

Sino ba naman kasi ang hindi kung mabanggaan ka ng tumatakbong tao.  Sa kakalinga niya di na niya namalayan na andito ako!  Arrgghhh!

"Uhhh..  sorry!  Pasensya na. Nagmamadali kasi talaga ako eh.  "-sabi niya habang pinupulot yung mga gamit ko. 

"Ako na.  Okey lang.  Naiintindihan ko.  "-ako

Nang sinabi ko yun saka pa lang siya tumayo hawak yung mga gamit ko tsaka inabot niya yung kamay niya. 

Nagulat ako sa inasta niya. 

Pero mas nagulat ako ng mapansing nakatingin pala siya sa akin habang nakangiti. 

Pero mas pinakanagulat ako nang abutin ko yung kamay niya. 

Shemayyy!! 

"Uhhh..  may masakit ba sayo? "

Parang nahihiya niya pang tanong sa akin.

"Uhmm..  w-wala na.  Sige mauna na ako sayo.  "-sabi ko sabay talikod sa kanya. 

Shocckkss..  I hate Drugs!

"Ako nga pala si Seungcheol! "-sigaw niya sa akin kaya napalingon uli ako sa kanya. "Pakitandaan ah..  "*wink* 

Pagkatapos nun ay umalis na siya kasabay ng pagsisigawan ng mga estudyanteng nadadaraanan niya.

Oh my momay! Anong ibig sabihin nun? 

Tsaka,sino siya? 

Bakit sila nagkakandarapa sa kanya?





Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 08, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Dating An IdolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon