T. E. G. 6 [Sonder Eternity]

200 6 0
                                    

[A/N] SORRY FOR THE LONG WAIT. BUSY LANG TALAGA. ENJOY THE STORY AND SEND ME YOUR FEEDBACKS.

Follow me on ⬇
IG: @itsmicay_


Author's POV






"And lastly ito ang school garden, also known as Sonder Eternity. "- sabi ni Baekhee sabay upo sa isang bench na nasa ilalim ng isang puno.






"Sonder Eternity? Ang peculiar ng tawag. "- sabi ni Chanyeol at umupo sa tabi ni Baekhee pagkatapos pagpagan ang bench.






"Indeed. Pero may story behind that cognomen. "






Nabalot sila ng saglit na katahimikan ngunit hindi ito nakakailang. Naging isang nakakapagod at mahabang araw ito para sa kanila lalo pa at kailangan ma-familiarize ang dalawang transferee sa pasikot-sikot ng paaralan.






Magaaya na sanang umuwi ang tour guide nang maramdaman niya ang ulo ng kasamang lalaki sa kanyang balikat. Alas-5 na ng hapon pero kanina pang 4:30pm natapos ang klase nila at inabot ng 30 minuto ang pagiikot ikot nila.






Hindi na pinansin ni Baek ang pagkakadantay ng ulo ni Chanyeol sa balikat niya. Naalala niya bigla ang kaibigang buhay pa kaya dahil kasama nito si Jongin. Halong pag-aalala at natatawa ang nararamdaman niya ngayon, gusto sana niyang makita ang itsura ngayon ng kaibigan.






Naiinis naman siya kay Lulu na hindi man lang sila sinamahan sa pag tu-tour sa mga transferee at malamang ay kasama ngayon ang bagong kaibigang si Sehun.






Sasabunutan niya daw si Lulu sa oras na lumapit ito sa kaniya.






Biglang humangin ng malakas kaya napapikit siya. Ang banayad sa pakiramdam ng hangin na para bang hinehele siya.






Hindi niya na nilabanan ang antok at unti-unting nagpalamon dito. Nakatulog sila sa ilalim ng puno sa Sonder Eternity dahil sa pagod at banayad na paghaplos ng hangin sa kanila.





Hindi alam ng dalawang natutulog na dumating sa garden ang mga kaibigan nila na ang huling destinasyon ay sa hardin rin.






Gugulatin sana sila ni Jongin pero pinigilan ang sarili nang mapansin niya na mahimbing ang tulog ng dalawa. Napatawa siya ng mahina at umupo sa bench katabi nila.






Ang kasama naman niya ay nakatayo lang at nakatitig sa kaibigan niya; bakas sa mukha ang pagkabigla at pagkamangha.





Inilabas niya ang cellphone at vinideohan ang dalawang natutulog habang ang ulo ni Baekhee ay umiikot ikot na parang naghahanap ng madadantayan.






"Hihihihi. "- mahinang hagikgik ni Kyungie dahil ang cute daw ng dalawang taong tulog nasa harap niya.






"Send those to me later. "- biglang sabi ni Jongin kaya napakunot ang noo ni Kyungie.






"Sige. "- matipid na sagot nito.






"Pangba-blackmail mo rin ba 'to? "- may halong hagikgik na tanong ni Kyungie na ngayon ay kumukuha ng mga litrato.






"Paano mo nalaman? "- tanong ni Jongin at nilabas ang cellphone niya.






"Kasi ayun din ang gagawin ko? Hahahaha. "- inosenteng sagot ni Kyungie at iniabot ang cellphone niya kay Jongin.






Dinadama niya ang hangin habang nagpapasa ng mga litrato at video si Kai. Nakataas pa sa ere ang mga kamay niya at nakapikit dahil sa lamig ng hangin.






"Hey Kyung, phone mo oh. Uwi na tayo 5:27  pm na. "- pang-aaya ni Kai.






"Tayo lang? Eh paano sila? "- nag-aalalang tanong niya.





"Kaya na nila 'yan. Sabihin nalang natin sa guard para hindi sila pagsarhan. "- pagkasabi nito ay hinila niya si Kyung paalis sa Sonder Eternity. Hindi na nagprotesta si Kyung at nakatitig lang sa kamay nilang magkahawak. Iniisip niya na parang noong nakaraan lang ay masama ang timpla ng binata sa kanya pero ngayon ay magkahawak kamay na sila.






Ibinilin nga nila sa guard na nasa garden pa ang mga kaibigan nila. Hindi naman nagtanong ang bantay kaya umalis narin sila agad.












Nakaramdam ng ngalay si Chanyeol sa leeg niya kaya dahan-dahan niyang minulat ang mata at inalis ang pagkakadantay sa balikat ni Baekhee. Napangiti siya ng makita ang mukha ng kasama niya. Nilabas niya ang cellphone niya at kinuhaan ng picture si Baekhee.






"Baekhee! Gising na. "- paggising niya kay Baek.






Napapitlag ito at dahan-dahang bumukas ang mata. Para pa siya bata ng kuskusim niya ang mata gamit ang likod ng kamay niya.






"Umuwi na tayo. Nagtext si Jongin, nasa inyo daw si Kyungie. Hinatid niya. "- napakunot naman ang noo niya, pagkakaalam niya ay dala ni Kyungie ang kotse niya.






Tumayo na lang siya at pinagpagan ang sarili. Nagunat-unat narin siya dahil sa ngalay na nararamdaman sa pang-upo niya at balikat.









[ T. E. G. Sonder Eternity ]
[EDITED]


Say ni otor! :
Sorry for the long wait! Sorry kung masyadong lame.
Vote. Comment. Support

Thankisses~❤❤

[ONHOLD] This Eyeliner Girl [ Tagalog ]Where stories live. Discover now