T. E. G. 10

131 6 2
                                    

#Sabaw#
Sorry for the long wait. Nagfocus muna talaga ako sa tungkulin ko sa church at sa acads ko mwehehe. Not sure kelan ulit ako makakapag update, naka save lang sa draft ko 'tong chapter hihihi. I'm open for suggestions or chapter entry, just pm me through this account or my insta account. ♡♡♡



Baekhee's POV

It has been a month since nag-transfer sila Park dito. One month narin ang nakalipas nang simulang lingkisin ng evil twins yung dalawa. And so far okay pa naman kaming tatlo nila Lulu at Kyungie. Mas naging close pa kami kay Sehun, in fact lagi na namin siyang kasabay kumain at umuwi; parang fourth member na ng squad.

Isang buwan naring laging nag-aaway si Jongin at Kyungie, tuwing magkakasama kaming anim. Wala naman kaming magawa dahil kaibigan ni Sehun yung dalawang ugok kaya minsan anim kaming sabay-sabay sa lunch.

As for me and Chanyeol, ang masasabi ko lang ay ang clingy niya. Parang may pagka bipolar ata siya kasi kapag malapit siya saakin parang linta pero kapag hindi naman parang nag-aalburoto ang mukha.

Medyo close narin ako kay Jongin sa lumipas na buwan. Ang kulit nilang kasama, totoo 'yun. Dati kasi pinag-awayan pa namin yung pangalan niya.

* FLASHBACK *

"KAI nga kasi ang itawag mo sakin! "- nanggagalaiting sabi ni Jongin sakin.

"At bakit? Kim Jongin ang pangalan mo, sa pagkakatanda ko. "- taas kilay kong sagot. Nasa Sonder Eternity kami ngayon, free time namin.

"ARGH nakakainis kang babae ka! How dare you not to call me 'Kai'? Kayong tatlo nila Kyungie at Lulu lang ang mga babaeng tumatawag sakin by my first name. "- pagra-rant niya kaya napatawa kaming lahat. Oo kaming anim narito sa garden. Actually kanina pa kami nagtatalo sa pangalang itatawag sa kanya, napaka-arte kasi eh feeling nag-Silka. Hahahaha!

"Kasi special kami. "

"Oo tama ka, "- sabi niya habang tumatango, "mga special child. "

Ang epic ng mukha ni Jongin parang magta-tantrums na ang loko.

"Tara na nga girls, baka umiyak na yung bata diyan. "- sabi ko habang pinipigilang tumawa. Nagsitayuan namin ang dalawa, pupunta kaming canteen nagutom ako kakadada.

"Bye bye na sa inyo, if you want sunod nalang kayo sa canteen Se. Patahanin niyo muna yung maitim na bata diyan. Hahahaha. "- pagbaling ko kay Sehun.

Binalingan ko naman si Chanyeol na nakadikwatro, "Bibilhan ko nalang ng ice cream si Jongin pagpunta niyo sa canteen. Sigurado nagtatampo yung ugok. "

[ONHOLD] This Eyeliner Girl [ Tagalog ]Where stories live. Discover now