August 3, 20xx
Dear diary,
Medyo hindi pa kami gaanong busy ngayon kasi ang dinidiscuss lang samin ng mga professors namin is mga lesson plan lang for 1st semester. Medyo enjoy naman ako sa iba kong mga kaklase sa ibang subject, kasi di naman lahat ng subject ko kasama ko kaibigan ko. Pero yung basketball player na chinicheer nila nung 1st day, halos kaklase ko pala siya sa lahat ng subject ko. Akala ko naman sa isang subject lang. Makulit siya, maharot. Pero mukhang mabait naman. Madaming may crush sa kaniya. Base sa mga naririnig ko, bukod kasi sa athlete siya bali-balita matalino din daw siya. All in one package ba. Kaya siguro madaming na aattract sa kaniya? Medyo napahaba na pala yung sulat ko. Hehe. Tulog na ko. Goodnight, diary. :)
Love,
Alexa ❤️