Falling Star: Dream Come True (BTOB Fan Fiction)

524 10 13
                                    

"Ma, can I watch my babies on February 2? Magcoconcert sila dito sa Pinas eh. Pretty please?" Naka-cross fingers ako habang nagpapaalam ako sa Mama ko. Alam ko naman na di ako papayagan pero syempre sinubukan ko pa din baka kasi magbago ang ihip ng hangin.

"NO!" Maikli pero masakit niyang sagot. Minsan, masakit marinig ang dalawang letrang salita na 'yan lalo na't kapag yan ang sagot sayo ng nanay mo na ang inaasahang sagot mo ay tatlong letrang salita. Oo, alam kong yan ang isasagot niya, pero bakit ang hirap pa ding tanggapin?

"Please Ma? May ipon naman po ako para makapanood ng concert ih." Sinubukan kong mangatwiran ngunit sadyang ayaw nilang payagan. Legal naman kami ni Peniel. I mean, alam naman nila na mahilig ako sa KPOP lalo na sa BTOB. Nakikinig ng kpop music, nanonood ng Korean drama, nag-aaral ng Korean language, okay sa kanila ang mga iyan. ANg ayaw lang nila ay ang gumastos ako sa mga Merch at Concerts. I know, I'm useles. *sobs*

Nagpunta ako sa living room at nakita ko si Papa na nanonood ng tennis. Cool! Si Sharapova at Williams ang magkalaban. Punung puno ng tao ang pinagdadausan ng palaro. 

"Pa, kita pa kaya nila yung bola? Ang layo layo nung mga nanonood sa court diba? Ag taas taas na ng pwesto nila eh." Syempre, na-curious ako. Ang liit lang kasi ng tennis ball tapos wala pang bubong yung court.

"Oo naman. Akala mo lang malayo sa TV yan. Kita pa din nila 'yan." Ooh. Ang galing talaga ng tatay ko, palibhasa sports related ang natapos niyang kurso sa UP.

"Eh Papa, diba malaki ang Araneta? Kapag kaya nasa dulong dulo ako manonood, may makikita pa kaya ako?" Sinubukan kong isingit ang concert ng babies ko, baka sakaling makalusot ako kay Papa. 

"Oo naman." Nabuhayan ako ng dugo ng sinabi niya na may makikita pa ako kahit magGeneral Admission akong ticket. Nakapako pa din ang mata niya sa TV.

"Edi okay lang na manood ako ng concert?" Sinabi ko yan ng may malapad na ngiti at napatingin naman si Papa at biglang sinabing...

"Makikita lang pala eh. Oo naman, makikita mo yung nasa unahan mo." Akala ko pa naman kita talaga, kasi ang alam ko di na talaga kita sa personal eh. Tanging screen na lang ang pag-asa. "Wag ka ng umasang papayagan kita. Uubusin mo ang ipon mo sa isang gabi lang?" Oo naisip ko din yan. Nanghihinayang sila sa pera. Pero kasi, ang isang fangirl ay di dapat nanghihinayang kapag ito ang magiging sagot para makita ang bias niya. Ito na ang chance para makita ko si Peniel at ang BTOB ngunit bigo pa din ako.

Mahirap talagang isabay ang pagfafangirl sa pag aaral lalo na kapag college ka. Yung tipong, hindi ka makapag-spazz kasi kailangan mo pang mag-aral, yung hindi ka maka-attend ng mga meet-ups kasi may pasok ka hanggang Sabado. Why can't the world be fair? Ang gusto ko lang naman ay makita si Peniel pero pinagkait pa nila sakin. Pero I can't do anything. Ipabura ang February 2 sa kalendaryo!!!

BTOB ang laging bukambibig ko. Nawi-weird-ohan sa akin ang mga kaklase ko kapag nagkokorean ako. Sasabihin nila, nag-alien talk na naman daw ako. Eotteokhae? Ganun talaga ako eh. Minsan feel ko lang talaga mag-korean kahit alam kong walang nakakaintindi sa akin. Kahit nanay ko nga nasasabihan ko ng korean na salita eh. Minsan na din akong napagkamalang Korean sa isang fast food. That's the impact of KPOP for me. Especially BTOB.

Gustong gusto ko talaga makita si Peniel. Mahal na mahal ko siya. I know he doesn't rap or sing that much in BTOB but he has a unique talent that's still hidden. He's a weirdo but I still love him. That's why I badly want to meet him someday. Yeah, I believe in fate and I believe in God that He'll help me meet Peniel. Even my Grandparents know how I love him.

"Ano Ma, kapag sa America tayo titira saan niyo gusto? Nagpaplano na sila Papa na kapag nag-abroad kami ay kung saan gustong tumira.

"Sa Chicago!" May kamag-anak kami sa Chicago. Kapatid siya ng Lola ko at may-ari siya ng isang Filipino store-slash-restau. At syempre, ang number 1 reason ay dahil doon nakatira ang parents ni Peniel. Alam ko kasing di sila papayag kapag sa Korea ko sinabi. Kaya okay na okay na ako na sa Chicago.

Falling Star: Dream Come True (BTOB Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon