1

21.2K 264 13
                                    


Walang kasing sakit ang hapdi ng bawat latay na dumadampi sa balat ko mula sa sinturon ni tiyo Ernesto. Kagat labi kong tinatanggap ang bawat hampas sapagkat wala naman akong laban. Bawat hagupit ay nag iiwan ng pula at pantal sa bawat parte ng katawan ko. Ngunit kahit gaano pa kasakit iyon ay hindi ko hinayaang tumulo ni pumatak ang luha sa mga mata ko.

"Ingrata kang sutil na bata ka! Wala kang ipinag kaiba sa nanay mo. Pareho lang kayong pabigat sa buhay ko!" Muli nitong hinampas ang sinturon na mabilis na dumampi sa braso ko na pinangsasalag ko sa mukha at ulo ko.

"T-tama na po..." Halos manginig ang bawat salita na lumalabas sa bibig ko. Sa galit at pagmamakaawa.

"Tama na? Bakit, ikaw ba ang nawalan ng pera? Ang lakas ng loob mong magnakaw, bakit kaya hindi ka magtrabaho ng may maipang tustos ka diyan sa kapatid mong anak din naman ng nanay mo sa iba! " Muli na naman nitong ipinanghampas ang sinturon na ngayon ay sa hita ko naman tumama.

"H-hindi na po mauulit."

"Aba! Bakit, akala mo makakaulit ka pang animal ka?!"

"Tama na po! " Ngunit tila bingi si tiyo sa bawat hinaing ko. Isa pang malakas na hampas muli ang natamo ko bago ako nito iniwan at nilubayan. Galit na galit pa rin ito at talak ng talak habang papalabas ng barong barong naming bahay.

Umiiyak naman akong nilapitan ni Lena at saka umupo sa harapan ko. Kinapa ko ang leeg nito at saka lang napangiti ng maramdamang wala na itong lagnat. Inaapoy ito ng lagnat kaninang umaga at dahil hindi pa umuuwi si nanay ay napilitan akong kumupit ng bente sa pantalon ni tiyo para mabilhan ng sopas at tabletang gamot ang sampung taong gulang na kapatid.

"Ate... I-isumbong natin kay nanay si tiyo."

Kahit masakit ay pinilit ko pa ding tumayo at maupo sa kawayang upuan sa sala. "Ano namang silbi nun? Mahal masyado ni nanay si tiyo Ernesto kaya hindi niya iiwan iyon. Ewan ko ba kay nanay akala ata niya hindi natin kakayaning mabuhay ng wala iyon. Huwag kang mag-alala ayos lang si ate. "

"Lagi na lang niya tayo pinapalo. Lagi din naman niya sinasaktan si nanay. Umalis na lang tayo, iwan na natin si tiyo. " Bakas ang matinding takot sa mga mata ng batang kapatid at halos madurog ang puso ko sa sobrang awa dito.

"B-baka marinig ka ni tiyo, wag kang mag salita ng ganiyan, Lena."

"Tara na kasi!"

Tumayo na lang ako at dumiretso sa kusina. Hinugasan ko na lang ang nakatambak na pinggan at mga baso na hugasin duon. Kagaya ni Lena ay gusto ko na ding tumakbo at lumayo sa bahay na ito. Pero hindi ko maiwan si nanay. Ano na lang ang mangyayari dito. Paano na lang ito kung wala kami?

"Ate, sasaktan na naman niya tayo. Kahit wala tayong ginagawa sasaktan niya tayo. "

"Tumigil ka na, Lena. Pauwi na si nanay mula sa palengke kaya mag saing ka na, tatapusin ko lang itong hugasin. "

"Bahala ka nga ate. " Nagdadabog itong pumunta sa lagayan ng kaldero at saka sinunod ang utos ko.

Habang naghuhugas ay hindi ko maiwasang matulala. Sa edad kong disisais ay maaga akong namulat sa buhay na puno ng pahirap at pasakit. Trese anyos lang ako ng mag asawang muli ang nanay at iyon na nga si tiyo Ernesto. Ang mahirap naming buhay ay lalo pang naging mahirap dahil dito. Tindera sa palengke ang nanay at totoong pareho kami ni Lena na anak nito sa magkaibang lalaki. Ang problema kasi kay nanay, ng dali mabilog.

Ilang buwan na lang at gagradweyt na ako ng high school at hindi ko naman na inaasahan pang mapag kokolehiyo ako ni nanay kung sa pagkain pa lang namin araw araw ay hindi na sapat ang kinikita nito. Dumagdag pang walang kasing kuripot si tiyo. Lalo akong pinanghinaan ng loob na magkakaroon pa ng magandang buhay at kinabukasan. Mukhang kagaya ni nanay ay mamamatay na lang din ako sa ganitong kalagayan.

The Secret Daughter (Aliyah)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon