Makalipas ang isang linggo ay binalikan kong muli ang address kung saan nakatira si tatay. Nagawa kong makapasok sa loob ng subdivision ng mag sunod sunod ang pasok ng mga sasakyan. Nakisabay din ako sa grupo ng mga papasok sa loob na mga babaeng mukhang mga magkakaibigang katulong. Pag dating sa loob ay hindi naging mahirap ang paghahanap sa bahay dahil nasa entrada lang iyon. Gusto kong malunod sa pagkamangha sa namataang bahay. Tatlong palapag iyon na may malaking gate at malawak na harap. Mula sa siwang ay nakikita ko din ang apat na naka paradang sasakyan na iba't iba ang kulay. Tila ako nahihilo sa nakikita at parang gusto ko na lang masuka."Ganito sila kayaman? Habang kami, nasa pusali pinipilit mabuhay sa isang kahig isang tuka. Mas lamang pa na nagugutom kaysa nakakakain. Nagtitiis sa mabaho at magulong lugar na iyon." Walang kasing sama si Gregorio kung ganuon, kung nagawa niya kaming iwan at talikuran ay malamang na masama ang ugali nito. Ni hindi man lang niya kami nagawang hanapin.
Isang plano na ang nabuo sa utak ko. At sisiguraduhin kong makakaganti ako sa ginawa nito sa aming mag-ina. Napa ngisi ako ng makita na lumabas ng bahay si tatay kasabay ng isa pang lalaki na naka puti. Pareho silang sumakay ng sasakyan na kulay pula naman ngayon. Ipinusisyon ko ang sarili ko at inihanda ang sarili. Palihim akong nagdadasal na huwag naman sana akong mapuruhan sa gagawin kong ito. Paglabas ng kotse ay dali dali akong naglakad pasulong, patungo sa dadaanan ng kotse. Mabilis akong tumawid at tila isang kawawang nilalang na humarang sa kotse. Agad iyong napapreno at bumusina ng malakas. Para namang tatalon ang puso ko sa kaba ng makitang isang haba ng ruler na lang ang layo ng sasakyan sa katawan ko. Napaupo ako sa semento at naka ngiti sa loob loob habang ibinubulong sa sarili kung gaano ka perpekto ng plano ko. Tila umaayon sa akin ang tadhana.
Mabilis na bumaba ang dalawang lalaki sa loob ng kotse at nilapitan ako. Mabilis na tumulo ang luha ko ng makita sa malapitan ang tatay ko.
"Hija, are you okay?" Napaka lalim pala ng boses nito. Boses na hahanap hanapin ng sinumang bata bago matulog sa gabi.
Hindi ko nagawang sumagot. Patuloy lang ako sa pag-iyak. Ang sakit-sakit ng puso ko. Hindi lamang para sa akin kundi para kay nanay na may mga gabing umiiyak habang binubulong ang pangalan ni tatay.
"Boss, na trauma po ata. Kahit naman sa akin mangyari iyan baka nawalan na ako ng malay tao sa takot."
"Take her inside of the car, Benjo. Let's go straight to the nearest hospital." Sabi ni tatay sa matigas na ingles.
Pagdating hospital ay ineksamin agad ako ng doctor at nurse. Narinig ko pang nag usap si dok at si tatay tungkol sa resulta.
"How is she?" Ani ni tatay. Kakaiba ang pananalita nito, halatang mayaman at hindi basta basta na lamang.
"Don't worry too much mister Sebastian. She's just having a mild trauma due to the accident. But are you sure that your car didn't hit her? May namataan kaming iilang pasa sa katawan ng bata."
Napapikit ako ng mariin dahil sa narinig.
"I'm sure of that, doc. Sigurado akong hindi dahil sa accident nagmula ang mga pasa."
"You can take her home now, she seems fine anyway. May mga pasa at sugat sa braso pero nilagyan na ng ointment. I have to go, I still need to check some of my patients. The nurses will come to assist you."
"Thank you doc."
Tumagilid ako ng higa paharap sa dingding ng bumukas ang kurtina na nagsisilbing harang sa bawat kama sa loob ng emergency room. Narinig ko ang papalapit na hakbang sa kama ko at alam kong si tatay iyon.
"Hi, kamusta ka na? Sabi ng doctor ay maayos ka naman bukid sa iilang pasa. Hija, gusto mo bang ihatid ka na namin ni Benjo sa kung saan ka man nakatira?"
BINABASA MO ANG
The Secret Daughter (Aliyah)
General FictionUnbeknownst to her estranged father, Aliyah discovers a trove of hidden letters, unveiling a secret daughter long kept in shadows. As she navigates the delicate path of revealing her existence, emotions unravel, and the fragile web of family ties is...