Chapte 5: Goodbye 5 Years Ago

1.1K 49 10
                                    

Flashback 5 years ago Part II

MayMay P. O. V

Kagigising ko lang  ng umagang iyon. Mugto ang aking mga mata dahil sa pag-iyak. Bumangon na ako sa kama at ginawa ang aking ritwal.

Bumalik na ako sa bahay namin dahil ayaw kong masaktan muli sa mga salitang bibitawan ni Edward. Masakit kasing tanggapin na di kanya maalala. Masakit mapagsalitaan ng mga salitang hindi naman karapat-dapat para sa akin.

Bumuntong hininga ako. Katatapos ko lang magsuklay nang may kumatok sa aking pintuan.

"Ate May, nasa baba po si tito Kevin at Ate Laura."--ang sabi ng kapatid kong si Vivoree. Ampon si Vivoree pero tinuring na namin siyang bunsong kapatid ni Kuya Nikko.

"Susunod na ako. Sige na bumaba ka na."--sagot ko naman sa kanya.

Bumaba na ako at nakita ko sila sa salas kausap ang kuya Nikko ko at si Mama Ludy ang aking lola. Nakangiti akong bumaba sa hagdan at dumiretso sa kanila. Humalik ako sa pisngi ni Daddy Kevin at ni Ate Laura. Ngunit niyakap ako ni Ate ng mahigpit alam kong nasaktan din sya sa ginawa ng kapatid niya sa akin pero wala kaming magagawa, nangyari na ang dapat hindi mangyari.

"How are you daughter?"--tanong ni Daddy Kevin sa akin.

"Dad, okay lang ako wag na kayong mag-alala sa akin. Kaya kong sarili ko."-- ang sabi ko na pinipigilan ang aking luha ng lumabas.

"Sis, bumalik ka na sa bahay. Please we need you. We can't handle him anymore."-- pagmamakaawang sabi ni Ate Laura.

"What should I do? He don't want to see me. He told me to stay away. Ang hirap na sitwasyon ko. Ang sakit sakit na ako na kabiyak niya, asawa niya hindi nya maalala."-- ang sabi ko at tuluyan ng tumulo ang aking luha.

Niyakap ulit ako ni Ate Laura. Humagulhol na ako sa pag-iyak.

"You're too young to feel the pain like this. The two of you are just 20. But you are taking this pain already. I know this is hard for you, but please May kahit ngayon lang."--ang sabi ni Daddy Kevin.

Alam kong masakit din sa kanila itong nangyari pero wala kaming magagawa. This God will.

Huminga ako ng malalim. Nag-isip ng ilang minuto. Walang mawawala kung susubukan kong kausapin siya kahit bilang kaibigan lang.

"Okay"-- sabi ko at tumingin sa kanila.
"I will try to talk to him, kahit bilang kaibigan lang ang tingin niya sa akin. Pero Dad, Ate Laura once that he makes me stay away again, I can't do anything to him anymore. We'll just let it be, until his memory come back again."--dagdag na sabi ko sa kanila.

"Thank you sis, I know how much you love my brother. I will support you, our family will support whatever happen, and whatever your decisions are."--galak na sabi ni Ate Laura.

Si Daddy Kevin ay nakangiti at tumango na lang. Umakyat muna ako at nagpalit ng damit. Hindi na ako nagdala nga damit dahil hindi naman ako sigurado sa mangyayari.

"Let's go."--masayang sabi ni Daddy Kevin.

"Anak, kaya mo yan okay. Pakatatag ka. Lagi kaming nandito para sayo."--ang bilin ni Mama Ludy.

Tumango ako at niyakap siya. Si Kuya Nikko ay lumapit din sa akin.

"Tawagan mo ako kapag susunduin na kita, ha May?"--ang paalala niya sa akin.

SECRET LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon