CHAPTER 8: REUNION

1.2K 60 15
                                    

MayMay P. O. V

Alas kwatro na ng makarating kami sa Batangas. Bumaba na ako sa kotse at nilasap ang simoy ng hangin. Ang sarap ng ganito fresh na fresh ang hangin at kapaligiran. Sarap magreminisce ng mga nakaraan.

"Ate May". Isang tinig ng batang babae ang narinig kong tumatawag sa akin. Lumingon ako sa aking likod at ngumiti ako sa kaniya.

"Thalia"agad ko siyang sinalubong ng mahigpit na yakap. "Kumusta ka na? Ang laki laki mo na. Parang kailan lang kinakarga pa kita."

"Namiss kita ate May, 8yrs.old na ako." Sabi nito sa akin. Niyakap ko ulit sya at tumulo na ang aking luha. Hindi ko pa rin makalimutan ang nakaraan. Nakaraan na minsan na rin akong nagkaroon ng pagkakataon na magkababy ngunit nawala ito.

Tumingin ako sa langit. "Anak sana okay ka diyan. Patawarin mo si Mama, ni hindi man lang kita nakarga at naalagaan. Be my angel always. I love you my angel". Sabi ko sa aking isip.

Oo nagkaroon ako ng isang anghel ngunit hindi ito nakaligtas sa stress at depression na naranasan ko. Kasalanan ko ang nangyari, napabayaan ko ang aking sarili. Kung hindi nangyari lahat ng iyon. Sana kasama pa namin siya. Sana nandito siya.

"Ate May, naalala mo na naman si little angel."sabi nito sa akin at niyakap ako.

"Tara na ate hinihintay ka na nila." Sabi nito ulit. 3yrs. Old lamang si Thalia noon. Ngayon ang laki na ng pinagbago niya.

Bumuntong hininga ako sa isiping kailangan ko ng kalimutan ang nakaraan.

"Oh saan ba kayo galing? Tara na at ng makakain na tayo aalis pa ng maaga ang Daddy Kevin niyo."sabi ni Mama Ludy sa amin.

"Ma, huwag kang maingay si Edward nandiyan."suway ko kay Mama Ludy dahil baka magtaka ito.

"Naku eto naman eh lahat naman kayo iyon ang tawag kay Kevin."sabi ulit nito.

Nagpatiuna na siyang maglakad sa amin.

"Thalia halika na sabay ka na sa amin kumain."sabi ko kay Thalia na nakahawak sa kamay ngunit bakas sa itsura niya na nahihiya siya.

"Ate sa kusina na lang po, sasamahan ko na lang po sila mama doon."sagot nito sa akin na nahihiya.

Lumuhod ako sa harapan niya. At hinawakan ang mga braso nito.

"Bakit ka nahihiya? Diba ang sabi ko sayo na hindi ka dapat nahihiya dahil walang patutunguhan ang pagiging mahiyain mo."sabi ko dito ng may ngiti sa mga labi.

"Ehem...."isang himig mula sa likuran ko ang narinig namin at nandoon pala si Edward.

Lumapit ito sa amin. Nakatingin ito kay Thalia.

"Who is this cute little girl?" tanong niya sa akin habang nakahawak sa mga kamay ni Thalia.

Tila natakot si Thalia at bumitaw ito nagtago sa likod ko.

"Ah eh. Thalia eto.si kuya Edward diba kilala mo na sya. Kinakarga ka pa nga nya dati diba?"sabi ko at tila nagulat naman si Edward.

Bes, seriously?gulat na tanong sa akin ni Edward.

Tumango lang ako bilang pagtugon sa kaniyang tanong. Tila nalungkot naman si Edward. Lumapit ito kay Thalia.

"Im sorry ha si kuya Edward kasi nagkaroon ng amnesia. Gusto ko ng makaalala ngunit kahit anong pilit ko hindi ko magawa mas lalong sumasakit ang ulo ko."sabi nito na may lungkot sa mga mata niya.

Nilingon ko si Thalia at nakangiti ito. Mukhang okay na sa bata.

"Okay lang po iyon kuya. Tutulungan ka namin makaalala. Diba ate May?"sabi nito.

SECRET LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon