ang hirap pumili ng character para kay VINCE MICHAEL. Medyo babaan nyo naman ang expectation nyo sa kanya..hahaha
VINCE'S POV:
Kagagaling ko lang sa office. Ang hirap lang pag lahat ng pressure ng pamilya na sayo. Ikaw ba naman ang unang apo tapos nag iisang lalaki pa. Bakit kasi sina mommy at daddy hindi na ako sinundan ng lalaking kapatid? Bakit kasi puro babae yung kapatid ko?
Bakit nga ba ako naiinis? Eh kasi paghawak sa family business ako na ang inaasahan nila. At wala daw akong choice. Saka ingatan ko daw ang apelyido namin kasi ako lang daw ang makakapagpadami ng lahi namin. Parang yung hindi natupad ni daddy ako ang gagawa. Parang walang pinagkaiba na gustong gusto nila na magpari si daddy eh hindi natupad kaya wala akong choice. Sinong hindi maiinis dun?
Nung nag aaral pa ako, ganito dapat. Dapat mataas lagi grades mo. Kaya ang nerd kong tingnan nung college. Wala naman pressure kayna mommy at daddy sa mg agrandparents ko lang talaga. Kaya yung iba kong kalokohan pinagtatakpan na lang ako nina mommy.
Ang dami ko ng sinabi hindi pa pala ako nagpapakilala. VINCE MICHAEL VILLALUZ. Ang lalaking sobrang daming pressure sa buhay. Kaya kahit MAHAL na MAHAL ko sya. Naghiwalay kami. Ayaw ko lang na madamay pa sya sa gulo ng utak ko. Namana ko pa ata kay mommy ang pagigig topakin nya. Buti na lang namana ko kay daddy na kung MAGMAHAL eh wagas.
"isang taon na din pala... VINCE.. ikaw pa din.."
After namin maghiwalay ni VINCE o VENICE GABRIELLE hindi ko na sya nakita ulit. Naging busy din ako sa pagtatake over ng business namin kasi si daddy gusto na lang kasama si mommy. Tutulong tulong na lang daw sya.
BINABASA MO ANG
Bridal Shower (Published Under POP FICTION)
General FictionIs Love really sweeter the second time around?