BS 041

190K 2.1K 83
                                    

GAB'S POV:



Kinabukasan nagising ako na nakatitig si Vince sa akin. Yung titig na parang kakainin ako? Hindi pa ba sya nagsasawang kumain?hahaha

"makatitig ka naman?"



Dali dali kong hinila yung kumot para matakpan ang mukha ko. Eh bakit kasi kung makatitig wagas. O siguro hindi ko makakasanayan ang titig nya na ganyan, lalo nat pareho kaming walang damit ngayong oras na to. Pero ano nga bang aasahan ko kay Vince? Hindi pa man nakakalapat yung kumot sa mukha ko naibaba na nya ito. Ang totoo makukulit na talaga ang lahi ng mga VILLALUZ??

"Mahal kita Venice Gabrielle"



"alam ko"



Hindi ako sanay na nagsasabi sya ng ganyan, kung gaano nya ako kamahal. Kasi kahit hindi naman nya sabihin, alam ko naman yun. Napaparamdam naman nya yun. Kaya ayaw ko din na nagsasabi sya ng ganyan kasi nahihiya ako kung ano ba dapat kong isagot. Parang hirap na hirap akong ivoice out kung anong nararamdaman ko, kasi sa sobrang pagmamahal ko sa kanya parang hindi ko alam kung paano ko sasabihin. 

"hay.."




Nagulat ako nung bigla na lang syang humiga tas tumalikod sa akin. Nagtatampo? Siguro GAB. kasi sinabihan ka ng  MAHAL KITA, ang sagot mo ALAM KO. Parang hindi kayo ikakasal? Nung nagsabog ba ng kasweetan si LORD nasan kaya ako? Siguro busy ako kakatingin kay Vince. 

"Vince.."



"Tulog ako"


Kahit medyo kinakabahan ako kasi nagtatampo sya medyo natawa naman ako sa sinabi nya. Tulog daw sya? Nagsasalita tulog? Alin kaya ang tulog sa kanya?haha

 

"Vince Michael.."



"hmmmmmm"

Bridal Shower (Published Under POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon