Eto yung mga panahong unang kikirot ng sobra yung sariwang sugat na iniwan niya sayo. Para kang sapilitang pinadaan sa eskinitang puno ng nakakalat ng lego habang nakayapak, sobrang sakit. Hindi mo alam kung saan ka mag sisimula.
Umpisa pa lang ng araw mo, parang ayaw mo nang bumangon sa kinahihigaan mo. Sobrang tahimik ng paligid. Titignan mo ang cellphone mo at wala na yung mga text na kadalasang nagpapangiti sayo tuwing gigising ka sa umaga. Ang tanging nararamdaman mo ay lubos na pang hihinayang, pagsisisi. Maiisipan mong basahin yung mga huling pag uusap niyo at sa hindi sinasadyang pagkakataon makikita mo ang mga larawan kung saan kayong dalawa ang magkasama at babalik sayo lahat pati unang araw ng pagkikita niyo..
(Flashback)
Ezekiel's POV
Hays ang ganda ng panahon, makapag drawing nga muna.
Pauline: Uy! Ang ganda niyan kuya ah!
Ezekiel: Ah. Salamat. (Ang ganda naman neto, mukhang naimpress ata sa ginagawa ko)
Pauline: Lapis lang talaga gamit mo diyan?
Ezekiel: Oo, lapis lang. Lapis. (Di ba halata? Tch!)
Pauline: Talaga? Galing naman! Matagal ka ng gumagawa niyan?
Ezekiel: HAHA. Bakit?
Pauline: Wala lang :D Pwede umupo?
Ezekiel: ta-tatabi ka? Osige. (Nako natotorpe na ako. HAHAHA)
Pauline: Pero alam mo mas maganda kung gagamitan mo ng ballpen yan
Ezekiel: HAHA. Seryoso?
Pauline: Oo, kasi tignana mo kapag lapis parang ang labo. Kitang kta pa yung mga bura oh.
Ezekiel: Okay na ako dito sa lapis, kesa naman dun sa ballpen na kapag nagkamali ka pwedeng masira lahat. Kasi dito sa lapis makita hung mga bura-bura diyan pwede mo siyang i-tama eh. Pwede mong baguhin kung ano yung pagkakamali mo. Dun sa ballpen kasi yung resulta naka-depende sa kung anong iguguhit mo ngayon.
Pauline: Seriously!? May hugot talaga?
Ezekiel: Wala lang! HAHAHA. I'm Ezekiel!
Pauline: I'm Pauline!
BINABASA MO ANG
AFK (Akala ko Forever Kami)
Teen FictionAng storyang ito ay tungkol sa lalaking iniwan, nasaktan, nahirapan at bumangon.