Yohan's P.O.V
"Ano ba?! Ano ba kasing gagawin mo sakin higad ka?!" singhal ko kay Maecy habang sya ay parang may tinetext. Hindi nya ako pinansin at patuloy pa din na sa pagte-text.
"Tanggapin mo nalang kasi na wala na kayo ni Kreian!" sigaw ko kaya napatayo sya sa kanyang kina-uupuan.
"How dare you?! Bakit ko tatanggapin ang hindi totoo?"
"Totoo kaya yun! Sinabi na nya yun samin bleh!!"
Naramdaman ko ang kanyang palad sa makapa--manipis kong mukha. Sya lang makapal ang mukha dito no?
"Gusto mo isa pa ha? Hintayin natin si Kreian at sasabihin nya na mahal pa nya ako at hindi pa kami break!" sinampal na naman nya ako sa kabila kong pisngi, feeling ko manhid na manhid na yung mukha ko sa kakasampal nya.
"Weak ka! Hindi mo kayang lumaban ng patas! Tignan mo nga?! Tinali mo pa ko dito para hindi kita mapatulan kasi alam mong nagta-taekwondo ako at hanggang kalingkinan lang kita kapag hindi ako nakata--" nanlaki ang mata ko ng kinuha nya ang kanyang baril sa bag nya at tinutok sa mukha ko.
"Isa pang salita mo hindi ako magdadalawang isip na kalabitin 'to." sa sinabi nya ay automatic na umurong ang dila ko at napayuko nalang. Ayoko pang mamatay!! Gusto ko pa maging kami ni Kreian!
Hay nako! Ikaw talaga Yohan! Nasa panganib na nga buhay mo pinagpapantasyahan mo pa si Kreian.
"Ano na? Naputol na ba dila mo? Hahahaha." at para syang nabaliw na kakatawa at bigla hihinto tapos titignan ako ng masama.
"Alam mo....simula ng dumating ka sa buhay namin ni Kreian.." inikutan pa nya ako tinutok ang baril sa tuktok ng ulo ko kaya napapikit ako ng mariin.
"Nasira na ang relasyon namin dahil sa kaka-chat mo sa kanya ng mga walang kwenta--" naputol ang pagsasalita nya na mag-ring ang cellphone nya. Naglakad sya papunta sa bag nya kung saan nandun ang aking cellphone.
"Hello? Yes, It's me..Maecy what do you want?!....H-huh?" nalaglag ni Maecy ang cellphone ko at tinignan nya ko ng masama.
Nagmadali syang nagpunta sa kinau-upuan ko at sinampal ako ng mas malakas pa kanina kaya nagdugo yung labi ko.
"P*t*n*i*a..." mura ko, kasi sobrang sakit tapos hinila pa nya yung buhok ko.
"Happy now?! NAAKSIDENTE SI KREIAN NG DAHIL SAYO!!" at napatulala ako. Mas masakit pa yata yung narinig ko kesa sa sampal nya. Hindi ko alam napaluha nalang ako, at si Maecy naman ay nagwawala na.
Bakit sya na-aksidente?! At bakit ako ang sinisisi ng babaeng to?! Hindi ba dapat sya kasi baka nalaman na ni Kreian na kinidnap nya ako kaya nagmadali na syang pumunta dito?
At...bakit nga pala malalaman ni Kreian na kinidnap ako ng babaeng to?!
"KAPAG NALAMAN KONG NATULUYAN SI KREIAN NG DAHIL SAYO..SISIGURADUHIN KONG ITO NA ANG HULING ARAW MO!" at sinampal na naman nya ako. Bakit ba ang hilig manampal nito?! Kapag talaga ako naka-alis dito ipapatikim ko sayo kung pano ma-flying kick ang mukha.
~
Hanz P.O.V
"Hyung!!" tumakbo ako papunta kung saan nakahiga si hyung at may dekstros sya sa kanyang bibig at nakabenda ang kanang braso at naka-brace neck. Naabutan ko doon yung iba naming tropa na nakatingin kay hyung.
"A-ano nangyari?"
"Na-aksidente sya..sabi pa ng doctor posibleng mawala sya ng alala dahil na-coma sya." sabi ni Yuan hyung at napaiyak na din.
Hindi...
HINDI PWEDE!!
******
BINABASA MO ANG
hi bes | k.sj HIATUS
Short StoryWAG MUNA BASAHIN WAG MUNA BASAHIN WAG MUNA BASAHIN WAG MUNA BASAHIN WAG MUNA BASAHIN WAG MUNA BASAHIN WAG MUNA BASAHIN Start: 01-14-17 Finish: ---------