Promdi turned Princess

415 0 2
                                    

PROLOGUE

I'm a Promdi girl. 

Pero sabi nga nila, napakatalino ko daw. 

Haha, nakakaflatter naman sila.

Pero kahit may pagka- nerdy ako, di nila ako binu-bully o pinagti-tripan kasi dito sa province, di uso ang ganon. Actually, nirerespeto nila ako.

Hindi ako loner. Marami din naman akong kaibigan. Mahilig akong magsmile, kasi nga sabi ni Mama sakin noon, if i smile, mababawasan ang kalungkutan ko.

Aside from these facts about my personality, may isang bagay na dapat niyong malaman tungkol sa akin.

 I'm motherless.Oo, wala na akong ina.  Kasi namatay siya 3 years ago, dahil sa eye cancer. Sabi nga ng mga doktor noon, it's a very rare disease daw. Palagi akong nagdadasal na sana may isang milagro pero walang nangyari. Namatay parin siya. Labing-isang taong gulang palang ako noon. Nag-iisa akong anak at dahil sa pagkamatay ni Mama, ang Papa ko na lang ang tangi kong kasama. Siya na lang ang kapamilya ko. 

Bakit nga ba sila lang ang nakilala kong kapamilya? 

Eh kasi nung bata palang ako, sinabi na sakin na patay na ang lolo at lola ko. 

at dito na ako lumaki sa Barangay San Isidro. Hindi naman siya parang sobrang bundok o gubat. para ngang Semi- urban eh. May karsada, may mga sasakyang dumadaan, may computer shops at mga bakery. pero syempre may mga parteng mga parang, bukid at mga lugar na may makikita kang mga baka at mga kambing. 

pero ang masasabi ko lang po, hindi lahat ng mga Promdi ay ignorante sa technology!

Ang tahimik kong buhay ay biglang mawawasak dahil sa isa na namang di ko inaasahang pangyayari. At hindi ko alam kung kakayanin ko pang mabuhay.

Hindi pa ba sapat na wala na akong ina?

At paano kung ang pangyayaring ito ay masundan pa?

kakayanin ko ba?

_____________________________________________________________________________

A/N: Hello! Second story ko po. Kasabay ng "you belong with me" . hehe, ako na po mag-isa ang gumagawa nito!  anyways, pasensya na po, hindi ako masyadong magaling pero i'll try my best! What do you think? comment po!

Christine <3

Promdi turned PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon