Meet Ms. Promdi

73 0 2
                                    

Hello po sa inyo! 

Madrama po masyado ang prologue kaya't di ako nakapag-pakilala ng ayos. 

Ako nga pala si Ayla Eunice Dela Fuente. Grabe bumanat yung name ko eh, ano? Ibang klase na! Kasi naman, ang ganda, pang mayaman! Pero syempre, alam niyo na naman pong lahat na ako'y isang promdi girl. Para saan pa nga ga ang dakilang 'title' at ang madramang 'prologue'?

Well, siguro nahalata niyo na gumamit ako ng 'ga'. Sa totoo lang po eh nakatira po ako sa Batangas. San Isidro, Batangas City. (a/n: nag-eexist po talaga ang lugar na ito) . Medyo urbanized nga po siya pero may pagka-rural parin. Hindi ko nga alam kung bakit ako binansagan ng author na isang 'promdi', pero siguro dahil nga sa Batangas province ako nakatira. 

Nga pala, I'm 13 years old and currently po ay second year ako. In less than a month, eh recognition na naman. Sana naman top 1 ulit ako. Kasi, ito na lang ang pinagtutuunan ko ng pansin. Kasi alam kong proud sakin si Mama, kung nasaan man siya. 

Gusto niyo bang malaman ang high school life ko? Sige na nga.

1. Nag-aaral ako sa isang public school, ang Sto. Nino National High School. Isa syang school na nasa slope ng isang mountain. Astig nga eh! Konti lang ang students dito, mga 800+ lang po. Ang downside po eh, well mayron siyang hagdan na mayroong atleast 25 steps Grabe, nakakapagod, kasi kapag ang classroom mo ay nasa 'taas' (which means sa may mas mataas na part ng mountain slope at mararating kapag inakyat ang hagdan), kailangan mo pa ding bumaba para sa flag ceremony at dahil andun rin ang canteen at iba't ibang mga tindahan. Asa 'baba' rin ang Office, computer room, guidance, etc. Samakatwid, classrooms lang ng 2nd year at 3rd year ang nasa 'taas'. Kaya nga mas masaya sa 'baba' eh. Pero, well, 2nd year ako. No choice.

2. Honor Student po ako. Nabanggit ko na po siya ng ilang beses. Hindi po sa pagmamayabang pero simula grade 1 po eh ako na palagi ang Top 1 sa klase. Pero nung 1st year high school ko po naranasan ang maging isang 2nd placer lang. Nung 1st quarter. Pero bumawi ako, and guess what? Narecognize ako last year as the First Honor. Then ngayong taon naranasan ko ang maging isang 3rd placer. Pero as usual, nakabawi ako sa 3rd quarter! Ngayong patapos na ang school year with only a few weeks left, hindi ko pa rin alam kung ako pa rin ang 1st honor o hindi. 

3. Warfreak daw po ako. Hehe, hindi naman po yan totoo! Jinojoke lang po ako ng Papa ko kasi palagi daw ako "lumalaban" sa contests . Hehe, again, hindi po talaga ako warfreak. ako lang po madalas ang representative ng school sa mga competition. Tulad ng essay writing mapa -English or Filipino category man yan. Sa Biology Quiz bee, at sa journalism. And hindi po sa pagmamayabang eh nanalo naman po ako.

4. I'm a writer. Yes. isa po akong writer. Sa schoolpaper po namin eh ako ay isang Section Editor ( Feature Editor). This year nga po eh nakarating ako ng Lucena para sa Regional Schools Press Conference. Sinabi narin ng adviser namin na ako na daw ang i-aapoint niya bilang "editor-in-chief' next year kahit na 3rd palang ako. Grabe naman, maka-appoint eh! 

5. I love reading. That's why madalas tahimik lang ako, beacuse i really love reading. Pero, i always find time to socialize with my friends. Katulad ng bestfriend ko na itinuturing ko na sister na si Kristine Joy Carbonell. (tawagan namin eh siszy). Maraming nagsasabi sakin na ang galing ko daw mag-review kasi focused talaga ako sa binabasa ko. hehe, e syempre, I love reading. Addiction ko na!

Siguro nagtataka kayo kung bakit ang arte ko at may pa-english english chuvaness pa. *ehem*... kasi po isa sa favorite subject ko ang english! Ang pinaka-favorite ko po ay Science at sunod pa ang Math. Dati halos isumpa ko na ang math, pero ngayon, pursigido ako na mas pagbutihin ang math ko. Gusto ko kasi mag- engineering!

Nga pala, i wear eyeglasses. Mukha akong nerdy sa palagay niyo ano?

Pero hindi po ako pinag-titripan, sabi ko nga sa prologue di ga? 

Well, sapalagay ko nasabi ko na lahat. 

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

A/N: Helllloooooo!!! ano po sa palagay niyo? Adik lang, halos lahat ng inilagay ko dito eh parang tungkol na ata sa buhay ko eh! Maliban lang dun sa address!. Hehe, sana nagustuhan po ng kung sinumang nag-babasa jan sa tabi-tabi. Thank you!!!!

Christine <3

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 11, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Promdi turned PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon