Siguro talagang masyado pa akong isip bata noong oras nayun. Wala pa akong alam pagdating sa pagibig.
Ang tangi ko lang naiisip noon ay maglaro, magaral at makipagdaldalan.
Syempre ganun naman talaga yung mga nagbibinata
At isa pa masyado akong naka-focus sa pagaaral sa mga panahong yun dahil yun ang makakabuti para sa akin.
Ang tanga tanga ko noon pinabayaan ko ang isang napakagandang babae na ngayon ay di ko na ulit makikita.
Nagsimula yon noong 1st year highschool ako tuwing lumalabas siya sa classroom nila inaasar ko lang siya.
Palagi niyang sinasabi samin na "Pag ako pumayat who you ka sa akin."
Pinapabayaan lang namin at patuloy na pinagtatawanan. Siya naman ay maglalakad palayo na nakasimangot.
Noong oras nayun di ko alam na ang binubully ko pala ay unti unting nagiging mas disidido na magpapayat.
Siguro nakailang beses ko na siyang napapaiyak sa loob lamang ng isang linggo pero para sa akin wala lang yun.
Diba napakabully ko noon, pero pinagsisisihan ko ng sobra ang mga nagawa ko.
Nakatapos kami ng 1st year sa wakas. Tuwang tuwa yung iba kasi pasado sila syempre pati ako.
Dumating na ang oras para magenroll para sa 2nd year highschool. May nakilala akong bagong kaibigan ang pangalan niya ay Gabriel, Gab for short.
Naging malapit kami at naging ka-tropa ko siya at di nagtagal naging mag bestfriend kami.
Pasukan nanaman maraming may bagong gamit at marami na ang nagbago.
Tumunog na ang bell para magrecess
"Gab tara na recess na ituturo ko sayo yung canteen."Parang tumigil ang oras nang may biglang lumabas na babae sa pintuan ng kabilang classroom.
"Shit!" Napasigaw ako kay Gab. Ang laking gulat ko nang makita ko si Erisha.
Pumayat na si Erisha parang kahapon lang ay ang taba niya.
Di ko siya malapitan. Hiyang hiya ako sa kanya matapos ko siyang asar asarin.
Alangan namang sabihin kong ang ganda niya. Para naman akong gago nun.
Syempre sigurado namang di lang ako ang nakakita kay Erisha syempre kasama ko si Gab nun.
Pinagpapawisan na ako nun kasi alam ko sasabihin sa kin ni Gab na ang ganda ni Erisha.
Di pinansin ni Gab at pumila na lang siya para bumili ng pagkain.
Nakahinga na ako ng maayos sa bandang yun dahil para kay Gab wala lang si Erisha.
Sa wakas uwian na. Dire deretso akong naglakad papuntang bahay.
Bago matulog, teka di ata ako nakatulog nung gabing yun, tama hindi nga. Grabe kasing babae yun.
Bigla na lang nagbago. Ang bilis ng panahon.
Ako nga di pa tumatangkad siya pumayat agad.
Dumating yung araw na nag retreat kami. FYI sa mga di nakakaalam ng retreat yun yung pagpunta sa retreat house para mag sleepover at makinig sa pangaral ng pari.
Kaya nga lang di ako pinasama ng parents ko. Nakakabadtrip .
Si Gab nakasama kaya masaya ako para sa kaniya.Pero di na maganda ang sunod na pangyayari.
Habang nasa bahay lang ako at naglalaro ng COC or clash of clans. Si Gab naman ay nagpapakasaya din sa retreat house.
Wala akong idea sa nangyayari sa retreat house. Syempre paupo upo lang ako sa bahay na parang prinsipe.
3 days din yun ahhh, walang ginagawa at walang kaibigang makausap.
Pagkalipas ng apat na araw, pasukan nanaman.
Ang saya saya ng mga classmate ko, nagkuwekuwentuhan tungkol sa nangyari.
"MU na si Gab at Erisha". Tama ba ang pagkakarinig ko. Pano nangyari yun.
Kinuwento sakin ni Lizardo lahat ng nangyari.
Habang nasa retreat house, syempre as I said may bible reflection about sa parents .
Lahat daw sila umiyak dahil di nila nakayanan yung reflection .
Habang umiiyak si Erisha nilapitan ni Gab si Erisha at pinatahan.
The fuck pati ako kinikilig na ehh. Pero masakit syempre.
Parang yung nasa mga pelikula yung bigla nalang magkakatinginan at ngingiti.
Pano kung nandun ako edi sana ako yung nagpatahan. Nakakabadtrip yung pangyayaring yun.
Ang tagal kong niligawan si Erisha, halos bumagsak ang grades ko at pati oras ko sinayang ko.
Pero sa paulit ulit kong panliligaw, lagi na pang busted.
Minsan napapaluha na lang ako sa rooftop ng school namin at pagbababa ako, tatanungin ako ng teacher ko.
" Bakit ang pula ng mata mo". At ang sinasabi ko na lang "Wala po napuwing lang ako"
Habang si Erisha parinig lang ng parinig ng kung anu ano.
Dumating na ang araw para magpaalam dahil lilipat na ako ng school.
Ang saklap no. Di na nga kami nagkasundo, na busted pa ako.At, pinalipat pa ako ng school. Umalis ako ng school na may galit siya sa akin.
Ngayon sa facebook ko na lang siya nakikita palike-like lang sa mga photos niya.
At madalas di pa kami nakakapag chat.
Almost 3 years na pero hangang ngayon tuwing nakikita ko yung mga post niya.
Napapangiti na lang ako at parang bumabagal ang tibok ng puso ko.
Sad ending no, di sila nagkatuluyan. Sa susunod happy ending naman.
YOU ARE READING
Mr. Bully meets his weakness
RomanceSi boy which is such a bully, always bully si Girl hangang sa nagbago si Girl at napaibig si Girl sa Bestfriend ni boy. This is Based on a true story