Fantasies in Real Life

1.3K 13 0
                                    

        Lahat naman nagsisimula sa "Strangers" then once you met each other, doon na naguumpisa ang another zone. It may be friends zone, best friends zone of if by chance, Lovers Zone.

         Ako nga pala si Mitchie. labintatlong gulang na nagaaral sa Saint Paul College. 1st year high school ako noong pumasok ako sa paaralang ito. Kung saan ko nakilala si... Essan

        Nag simula ang lahat sa crush, since noong nakita ko siya na naglalaro ng soccer nung intrams. For me he was handsome, simula noon lagi ko na siyang inaabangan. Every recess every vacant time namin nasa labas ako just to see him playing with his classmates. wala akong magagawa. dun ako nagiging masaya. then, after every day passes by napapaisip ako. "Crush lang dapat hindi ako pedeng mainlove! Bata pa ako!" Pero pag naiisip ko yun, mas lalo kong narerealize na we can't control our feelings. With the help of my friends, nakuha ko number niya, napaaccept ko siya sa fb. Every time he's online, I always ask my Self " Should I chat him? Nakakahiya naman baka sabihin niya feeling close ako, pero there' nothing wrong naman if i'll give it a try diba?" Gusto ko syang maging friend as in super close friends. I don't care kung may mahal siyang iba, there's nothing wrong about it naman diba? Kasi crush ko lang siya. Ni hindi niya nga ako kilala eh.

        Nag tour ang buong St Paul college. Mag kasama ang Freshman at Sophomore. Pumunta kami ng Star City. Nag aya ang classmate ko si Jade na pumila raw kami sa may Sky Flyer, so pumila ako. Pero maya maya may tumawag sa phone niya kayo lumayo muna siya sa ingay. Then suddenly, nakita ko si Essan papalapit sakin. Syempre pipila siya. Habang papalapit si Essan, pabilis ng balis tibok ng puso ko. Ewan ko ba, parang sasabog na nga eh. Medio matagal din kaming pumila, kaya nalaman ko na napaka patient pala niya. Nang malapit na kaming sumakay. two seats nalang ang kailangang ioccupy. Kaya kaming dalawa ang magkatabi sa dulo. Gulong gulo ako. Iba't iba nararamdaman ko. Since, first time kong sumakay ng Sky Flyer, kinakabahan ako at the same time kinikilig na naeexcite. Kaya lang natatakot ako, kasi I'm afraid of heights. Gusto ko lang talaga maenjoy ang fisrt tour ko ngayong high school

Fantasies in Real Life: Part OneWhere stories live. Discover now