Fantasies in Real Life: Part Two

500 11 0
                                    

*Sa Sky Flyer

        Habang umaandar kami sa ere, nakatingin ako sa kanya. Natatawa nga ako eh, kasi mukha siyang ewan habang humangin yung buhok niya while smiling. Pero every time na lilingon siya saken, umiiwas ako. Syempre! Ayokong mahalata. Mamaya maya before bumilis yung pag andar tinanong niya ako "Kung takot ka sa matataas na lugar, nandito lang ako ha? Wag kang matatakot pate." Noong narinig ko yun, naluha ako habang tumatawa, Buti nalang yung pag kakilig ko, naisabay ko sa pag hiyaw kaya hindi masyadong halata. Siya din naman hiyaw ng hiyaw. Habang umaanadar kwentuhan kami ng kwentuhan kahit hindi masyadong nagkakaintindihan. Noong pababa na, nauna siya, inalalayaan niya ako. Hinawakan niya ako sa kamay and then he asks "San ba mga kaibigan mo? Samahan na kita sa kanila?" Sumagot naman ako. "Sige punta na po ako sa kanila, salamat po ulit Kuya!" Kumaripas ako ng takbo sa Bestfriend ko, si Kazel. Siya lahat nakakaalam ng mga sikreto ko. Natuwa naman siya sa kinuwento ko, kasi noon lang daw niya nakita na kinilig ako. We got a codename for Kuya Essan. Tinawag naman siya na Kuya Hair. Kasi nung nakasakay kami sa Star Flyer, yung buhok niya lagi kong napapansin e. For me that was really the best tour ever!

        Marami pa talagang events na nagkatagpo kami, nagkausap na kami, pero hindi niya pa rin alam ang pangalan ko. Katulad nalang noong Teacher's Day. Officer kasi ako ng isang Org. sa school namin. Isa kami na nagorganize ng party para sa mga teachers namin. Ako yung naasign sa intermission number. Kumuha raw ako ng 5 lalaking sophomore. Sakto naman na nakita ko sila naglalaro ng bola, kaya tinawag ko nalang. Masaya naman silang sumama saken. Pero sa hinabahaba ng pag uusap naming anim, yet still hindi nila nalaman ang name ko. For me, okay lang yun. Anonymous diba? Haha. Ginawa ko silang mga clown, madami namang natuwa at nagenjoy din daw sila. Nag thank you pa nga sila saken eh. kasi daw, mas ginawa ko pang memorable ang teacher's day nila. Masayang masaya talaga ako, if there's someone, kahit isang tao lang na makakaappreciate ng ginwa ko. Sana siya yun.

Fantasies in Real Life: Part OneWhere stories live. Discover now