Sinundan ito ng letrang L, Lagi na lang, Lagi na lang gumugulo sa isipan ko ang pangalan mo, Lagi na lang akong nasasaktan tuwing binibisita ko ang profile mo na para bang wala lang sayo noong iniwan mo ko, lagi na lang akong umiiyak tuwing binabalikan ko ang matatamis na mensaheng nanggaling sayo, Lagi na lang sumasagabal sa aking isipan ang mga ito at pilit sinasabi ng puso ko, na sana di ka na lang nagsabi ng "wala na tayo".