GAMIT

6 0 0
                                    

98% narranation po ito, nasa bandang dulo lang yung convo since parang nagsusulat lang siya ng isang diary. Sana basahin niyo pa rin.

Enjoy!

....

Gamit♨

Naranasan niyo nabang magmahal?

Hindi yung tipo ng pagmamahal tulad ng sa isang kaibigan.

Hindi rin yung tulad sa pamilya o kapwa mo.

Kundi yung pagmamahal sa isang taong nagpaparamdam sa 'yo na parang sasabog ang puso mo dahil sa pagpintig nito.

Na gustong-gusto mong gumising araw-araw dahil alam mong makikita mo siya.

Yung siya lang ang nagpaparamdam sa iyo ng abnormal na pakiramdam.

Gusto ko siya.....teka may mali...teka...

Nagpoprotesta ang puso ko. Hindi ko daw siya gusto. Hindi daw.

Mali ang ginamit kong salita. Dapat daw 'Mahal'.

Pero tama naman si puso eh. Mahal ko siya, sobra. At sobrang hulog na ko sa kanya.

Kaya niya kaya akong saluhin? Sana,sana saluhin niya ko.

Ako si Ian.

Senior highschool na ko noon. Actually hanggang ngayon.

Last year yun nangyari. Grade 12 na kasi ako ngayon.

Kakasimula ng buhay ko sa grade 11 at wala akong kilala sa mga kaklase ko maliban sa mga kaibigan ko. Wala kasing senior high sa dati kong paaralan kaya kailangan lumipat ng ibang school.

Pero buti nalang at kasama ko ang mga kaibigan ko sa paglipat sa school na pinapasukan ko. Ganyan talaga katibay ang bond namin, para na rin daw magkakasama pa rin kami sa mga kagaguhan ng bawat isa. One for all, all for one nga yata motto namin.

Magkakaiba lang kami ng tracks na kinuha.

Pero kasama ko sina Ela at Kia sa academic track na HUMSS, same section kami. Samantalang nasa ABM naman si Karyl at TECH-VOC naman si Roe.

Masayang nakakaloko ang barkadahan namin. At nagbiruan pa kami na ang mainlababo ay pupukpukin namin ng sapatos at hahampasin ng medyas na kakasuot lang. Tungaw nga kasi mga utak nila este namin pala.

Simula na noon ng klase sa senior high. Kami ang first batch at siguro naman exciting ito.

Tama exciting nga(insert sarcasm here). First day na first day, may seatplan agad! Hayup lang di ba?!

At hindi ko kilala ang katabi ko, lalaki siya. Ganun kasi ang arrangements.Alternate ang babae at lalaki. Lagi naman!

Hay. Sige na nga ayos lang. Natural lang naman ito. Siyempre maninibago kasi bagong eskwelahan.

Naging maayos naman ang unang 2 buwan sa eskwela. Nakakapanibago,oo.

At napag-alaman kong Gavin ang pangalan ng katabi ko. Weird ng pangalan niya. Hindi siya boring katabi. May sense of humor. Magaling pa sa math. Napansin ko rin na ang tangkad niya, 5'1 lang kasi ako tapos 'di pa nga ko abot hanggang balikat niya eh. Well, siguro dahil mas nasanay ako sa mga kamag-aral ko sa dati kong school na hindi masyadong katangkaran.

Sa ganoong paraan naibabaling ko ang atensiyon ko sa iba.

May gusto kasi ako noon, si Mike. Matalik ko siyang kaibigan mula junior high. Same school at same track kaso nasa ibang seksiyon siya.Gustong-gusto ko siya, pero isang araw sa hindi ko malaman na dahilan,bigla nalang niya akong iniiwasan. Hindi ko alam kung bakit.

GAMITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon