LOVE 003

35 18 4
                                    

Isang linggo na ang nagdaan simula ng magsimula ang klase. Pagdating ko sa Riverdell High nakapagtatakang walang katao-tao sa mga hallways na nadadaanan ko. Teka anong araw ba ngayon? Chineck ko ang phone ko. Monday naman. Bakit parang wala atang pasok. Ano ba yan di ako nainform! Tumalikod na ko at naglakad na ko palabas ng gate ng school.

"Gab, wait lang!" Nakakunot-noo kong hinarap si Louise. Naghahabol siya ng hininga ng tumigil siya sa harap ko.

"O, bakit?" Maikli kong tanong habang nakakunot parin ang aking noo.

"San ka ba pupunta?" Uuwi malamang kaya nga palabas na ng gate. Duh, don't state the obvious Louise.

"Papasok ako ng school, dali tara samahan mo kong lumabas." Sarkastiko kong sabi at umaktong hihilahin siya. "Nasan ba ang mga tao?"

"Nandun sa gym, nanunuod ng basketball game." Basketball game? Wala naman akong natatandaang intrams pala ngayon.

"Huh, basketball game?" Nagtataka kong tanong. Grabe namang game yun nawala lahat ng tao sa paligid para makapanuod non. That's new. Samantalang pag may intrams halos 1/4 lang ata ng klase ang pumapasok. Tanging mga players lang.

"Mamaya ko na ipapaliwanag, tara na dali." Mabilis niya kong hinila papunta sa gym. Nadatnan namin ang lahat ng estudyante na nandoon at nanunuod.

Napatingin ako sa pamilyar na lalakeng kalaro ni Jason. He's that guy who beat the Verlane university's players. Trainees, actually.

"That's my cousin! Go! Go! Go!" Sigaw ni Louise na nasa tabi ko.

"Cousin?" Grabe ang dami kong hindi alam sa mga nangyayari ngayon.

"Diba sabi ko sayo may pinsan ako galing states na sinundo ko nung isang linggo sa airport. Siya yun." Sabay turo dun sa lalakeng kalaban ni Jonas.

"Go hottie!"

"Ang hot naman nun. Anong pangalan niya?"

"Nielle daw."

"Ang hot din nung name. It fits him perfectly."

Bulungan nung mga malalanding babaeng nasa unahan namin. Nandito kasi kami ni Louise sa may pangatlong palapag ng bleacher. Bored lang akong nakaupo habang nanunuod sa game.

Si Louise naman ayon nagtatalon-talon sa pagchicheer dun sa pinsan niya. Kasalukuyan kasing lamang si Nielle kay Jonas.

"Go cousin!"

"Go Nielle!"

"May bago na kong crush si Nielle na hindi na si jonas."

"Tss, asa namang may pag-asa ka diyan."

"Malay mo naman di naman masamang umasa."

Ano bang meron tong Nielle na toh? Bagong bago andami na agad fans. Well, gwapo naman wait ikocorrect ko sobrang gwapo. May charisma, masex-appeal. At sobrang charming. Wait, Are you checking him out Gab? No, erase, erase, erase!

"Aray!" Bwiset! Isang bola lang naman ang tumama sa ulo ko na naging dahilan ng pagkagising ko sa reyalidad.

Tumayo ako at matalim na tinignan ang dalawang lalakeng naglalaro sa court. Or should I say, naglalaban. Dahil 25 minutes na silang nandun.

"Sinong bumato ng bola?" Napunta lahat ng atensiyon sakin. Walang umiimik dahil lahat sila ay nakayuko. Maliban dun sa dalawang lalake sa court. " kayo ba?" Cold kong tanong.

"Gab yung ilong mo dumudugo." Hinawakan ko ang ibaba ng ilong ko at may umaagos na dugo rito. Kinuha ko ang panyo na iniaabot ni Louise sakin at marahang ipinunas yun sa dumudugo kong ilong.

"Rielle, are you okay?" Nakita ko ang pag-aalala sa mukha ni Jonas ng bitawan niya ang mga salitang ito pero hindi ko siya pinansin.

"Hey, it's just a ball." Cool na sabi ni Nielle na ikinakulo ng dugo ko. It's just a ball? Halos matanggal nga yung ulo ko sa lakas ng pagtama nito sakin.

"Yeah, it's just a fucking ball." I keep my cool at cold itong sinabi.

"You should be careful next time," he wave his hand at humakbang. Ugh, ang yabang bwiset.

Hindi ko na nakontrol ang aking sarili at lumapat na ang aking kamao sa panga niya. Sa sobrang lakas non, sana mabasag yung bungo niya. Lahat napanganga at nagulat sa ginawa ko.

"Shit, what was that for?" Halata ang pagkainis sa boses niya.

"It was just my welcome punch for you. Hope you appreciate it."

He just smirk at marahas na pinahid ang dugo sa gilid ng labi niya. Nag iwan kasi ng cut sa lips niya yung suntok ko. Buti naman!

"Thanks, I'm very honored." Cold niyang sabi. Halatang seryoso at puno ng pagpipigil ang boses nito.

Nakakatakot ang mga mata niya, nakakalunod. Sobrang talim ng tingin niya sakin kaya naman nakipagtitigan din ako sa kaniya.

Akala niya ba magpapatalo ako. Titigan pala ha. Edi titigan.

"U--uhmm, pinsan sige uuna na kami ni Gab ha." Pagbasag ni Louise sa katahimikan. Hinila niya na ko palayo dahilan para matigil na yung palalim na titigan namin. Buti naman. Dahil kung nagtagal pa yun baka hindi ko na rin kinaya.

Damn those blue eyes na parang nilulunod ka pag tinitigan ka nito. He's really different.

Nang magbell ay dumeretso na agad kami ni Louise sa cafeteria. Si Maica absent daw dahil may importante daw siyang kailangang asikasuhin. Nag-order na kami at umupo sa reserve spot namin sa may dulo sa may tabi ng bintana.

Nabasag ang katahimikan ng magsigawan ang mga babae.

"Kyyyaaahhhh!"

"Ohmygadd, siya nga."

"Si Papa Nielle!"

Kumaway si Louise sa mga bagong dating at sumenyas na lumapit sila sa table namin.

Nang makalapit sila ay kaagad na nagtama ang mga mata namin ni Nielle. Those blue eyes again. Nakakalunod. Pero in a different way, ngayon hindi na gaanong kaseryoso.

"Bakit andaming bakanteng upuan? Dalawa lang naman kayo?" Ngayon ko lang napansin na may kasama palang tatlo pang lalake si Nielle. Mukang dito rin sila nag-aaral dahil same uniform lang ang suot nila.

"K-kasi ano alam kong dito narin kayo mag-aaral nila Jameson kaya nagpadagdag ako ng upuan." Liar Louise, yung mga bakanteng upuan kasing yun ay upuan ni Jonas at ng mga kaibigan niya nung kami pa hindi na namin pinatanggal para mas maluwag ang espasyo ng kakainan namin.

Nakuha ng atensiyon ko ang pag-upo ni Nielle sa tapat ko. Bakit dun pa? Si Jonas lang pwedeng umupo diyan.

I glared at him.

"Kung galit ka parin dahil sa nangyari kanina. I'm sorry," ewan ko ba pero gumaan yung pakiramdam ko sa sinabi niya. Para akong nabunutan ng isang tinik. Nawala yung inis na nararamdaman ko kanina.

Agad ko namang kinompose ang sarili ko. "it's okay" tanging salitang nasabi ko.

Tahimik lang ang naging pagkain namin nang matapos iyon ay agad din naman kaming bumalik sa kanya-kaniya naming klase.


Diagnosis:LOVESICK / #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon