Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. Kumurap-kurap ako at inilibot ang aking paningin sa paligid. Nakita ko agad si Louise at Maica na nakatayo sa tabi ng kama na hinihigaan ko.
"Ayos na ba ang pakiramdam mo? May masakit ba sayo? Yung mata mo mahapdi pa ba? Yung kanang kamay mo kaya mo bang igalaw?" Tinignan ko ang kamay ko na may benda na nakasabit sa balikat ko.
"Ano ka ba naman Louise? Hayaan muna nating magpahinga si Gab. Kakagising lang niya niratrat mo agad ng tanong."
"Nasan ako? Ano bang nangyari?"
"Nasa clinic ka dinala ka dito ng pinsan ko nung nawalan ka ng malay kanina." Unti-unti ng bumabalik ang ala-ala ko. "May sprain ka sa kanang kamay mo, sabi ng nurse wag mo muna daw masyadong igalaw. In 3 to 4 days gagaling na din daw yang kamay mo."
"Si Nielle ang nagdala sa kin dito akala ko si Jonas." Huling boses kasi na napakinig ko kanina bago ako umangat sa lupa ay kay Jonas. So I thought siya yung bumuhat sakin.
"Oo, si Nielle. Bago pa man makalapit sayo si Jonas ay nabuhat kana ni Nielle." Sagot ni Maica.
"Tss. Nag assume ka na si Jonas 'yon. Pero Gab kitang-kita ng dalawa kong mata ang pag-aalala sayo ni Jonas."
"Louise, ano ba? Binibigyan mo na naman ng dahilan si Gab para umasa ulit kay Jonas."
Bago pa man magka world war 3 dito ay iniba ko na ang topic.
"Teka, nasan ba si Nielle. Gusto ko sanang magpasalamat sa kanya."
"Kanina pang nakaalis kasama barkada niya." Maikling sagot ni Maica.
Sayang naman hindi ako nakapagpasalamat sa kanya.
"Ano bang oras na?"
"7:30 pm, limang oras ka ng nakahiga diyan."
Bumangon na ko sa kama. Aalalayan pa dapat nila ko pero sabi ko ayos na ko. Gabi na. Marami ng tambay sa daan. Kaya ginamit na namin ang black Mercedes-Benz SLC ni Louise. Regalo yan sa kanya ng Daddy niya ng magsixteen siya. Student license lang ang meron siya kasi wala pa siya sa tamang edad para magmaneho.
Gabi na, nakakahiya namang dumaan sa bahay nila Nielle para magpasalamat dahil baka tulugan na din sila. Bukas nalang tutal sabado naman, walang pasok.
Pagkarating ko sa bahay. Hindi na ko kumain. Dumeretso na ko sa kwarto ko. Hindi na din ako nagpalit ng pantulog dahil hindi ko kaya. Maigalaw ko lang ng kunti tong kamay ko, kumikirot agad.
Yung bwiset na Kristine na yun ang dahilan ng lahat ng sakit na nararamdaman ko sa katawan ko ngayon. Intayin niya lang talaga na gumaling tong kamay ko. Babalian ko din siya. Naku!
¤
Kinabukasan maagang nagpunta sa bahay ko si Maica at Louise. Sasamahan daw kasi nila ko sa bahay nila Nielle. Palusot pa. Alam ko namang gusto lang ni Louise na makita si Jameson. Simula pa nung una, may napapansin na kong kakaiba kay Louise pag malapit si Jameson sa kanya. I think she got a little crush on him. Ayaw niya lang aminin.
"Huy Gab, anong inuupo-upo mo diyan. Maligo kana dali."
"Sa tingin mo Louise makakaligo ako sa lagay kong toh." Itinaas ko ng kunti yung braso kong may benda.
"Ay oo nga noh." Sabi niya sabay kamot sa kaniyang ulo.
"Diba kaya mo namang igalaw ang kaliwa mong kamay. Mag toothbrush ka nalang. Tapos tutulungan ka naming magpalit ng damit mo."
Sinunod ko nalang si Maica. Nagtoothbrush lang ako tapos lumabas na ng banyo at naghanap ng susuotin ko sa closet ko. Kinuha ko yung black loose shirt ko, white shorts at yung sneaker shoes ko para mas madaling maisuot at komportable sa katawan.
Tinulungan nila akong isuot 'yon. Wala na din naman akong magagawa dahil hindi ko maigagalaw ang kanang kamay ko. Pinalitan muna namin yung benda ng braso ko bago kami umalis.
Nakasakay kami sa kotse ni Louise dahil malayo layo din ang bahay nila Nielle. Tumigil kami sa tambayan 81. Bumili kami ng baconsilog para may madala kaming pagkain kila Nielle. At balak din ata ni Louise na dun na kami mag-almusal.
Malaki ang bahay nila Nielle at halatang mayaman ang pamilya nila. Dito rin daw nakatira sina Jameson, Zack at Tyler. Nasa ibang bansa ang mga magulang ni Nielle kaya silang apat lang ang nakatira don. Wala silang katulong at bodyguards. Nagpapaservice nalang sila kung sakaling magpapalinis at magpapalaba.
Pinindot ni Louise ang doorbell at bumungad sa harapan namin si Nielle. Gulo ang buhok nito pero in a sexy way, wala itong suot na pantaas kaya makikita mo yung six pack abs niya. Six packs. Heaven!
Erase, erase, erase. Yung mga hormones ko nacucurious na naman. Malaki ang katawan ni Nielle pero hindi yung sobrang laki na nakakadiring tignan.
Napakagat ako sa aking ibabang labi. Biglang nang init ang katawan ko. Pinagpapawisan ata ako. Siguro dahil mainit lang talaga ang panahon o kaya ang hot lang talaga ng nasa harapan ko.
H-hindi. Hindi. Hindi. Epekto lang talaga toh ng mainit na panahon. Tama. Mainit ang klima ngayon.
Tumingin ako kay Nielle at nakitang nakatingin din ito sa akin. Yung seryoso pero parang may pagtataka sa mukha niya.
"Hindi mo manlang ba kami papapasukin." Naka-pout na sambit ni Louise.
Napabuntong hininga nalang si Nielle at iginaya kami papasok.
Pagkapasok mo sa bahay nila sasalubong agad sayo ang malalaking dalawang magkabilang hagdan papunta sa second floor. Sa kaliwa naman nandun ang malaking salas at ang entertainment area. Sa kanang bahagi naman nandun ang dining room at ang kitchen.
Dumeretso na kami sa kitchen para ilapag ang mga pagkaing dala namin.
"Nasan nga pala sila Jameson." Nahihiyang tanong ni Louise kay Nielle.
"Nasa ta-" naputol ang sasabihin ni Nielle ng makarinig kami ng yabag ng mga paa pababa ng hagdan.
"What the-"
BINABASA MO ANG
Diagnosis:LOVESICK / #Wattys2017
Ficțiune adolescențiMeet Summer Gabrielle Alonso ang babaeng minsan ng sumuko sa pag-ibig. Nagmahal. Nasaktan. At sinusubukang makalimot. Since then she's so scared to get attached again. She have a fear that every person is going to break her heart. But then this guy...