TWENTY-TWO

22.2K 616 47
                                    


Soundtrack for this chapter, "I'll be by Edwin McCain." (music video provided above)

Typo errors are a lot.

TWENTY-TWO

"Hija, nandiyan na sila

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Hija, nandiyan na sila." Sabi naman ni Agnes kay Julia habang naghahanda ng almusal nilang lahat sa mesa. Alasais pa lang kasi ng umaga sa mga oras na iyon.

Nakangiting huminto naman si Julia sa pag-aayos niya sa mesa at dali-daling lumabas mula sa munting bahay nina Aling Agnes at Mang Lucio. She was really excited. Dumating na kasi sina Zach at Mang Lucio galing sa pangingisda nito. Maaga kasing pumalaot ang dalawa para makapagpangisda at ibenta ang mga nakuhang isda sa palengke ng bario.

Mahigit dalawang linggo na rin kasi silang dalawang nandoon sa munting isla. Gaya ng sinabi sa kanila ni Aling Agnes ay doon pa rin silang dalawa ni Zach na nakikitira sa bahay ng mga ito. Bilang utang na loob ay tumutulong naman si Zachary sa pangingisda ni Mang Lucio habang siya naman ay tinutulungan si Aling Agnes sa mga gawaing bahay. Pagkatapos din ay sinasamahan nila ang mag-asawa sa pagbebenta ng mga preskong isda sa palengke. Nag-iipon din naman silang dalawa ni Zach para balang araw ay bubukod na silang dalawa mula sa mga ito. They really owed the kind couple a lot. Ang sobrang laki ng utang ng loob nila sa mga ito dahil sa pagtulong nito sa kanila.

Everything that happened to them was really a bliss. Kahit simple lang ang paraan ng pamumuhay ng mga taong nandodoon sa isla ay unting-unti na rin silang nasasanay. And Julia really liked their way of living. It was just simple with no complications. Masayang-masaya rin siya dahil malaya silang dalawa ni Zach na mahalin ang bawat isa. Zach is also caring and loving towards her. Zach is like a perfect husband for her.

She felt genuinely happy for the first time in her life.

Despite everything that happened to them before, she was glad she made the right choice.

She was glad she followed what her heart wants.

"Zach!" She inmediately called his name. Kaagad naman niyang nilapitan ito nang makababa na ito mula sa maliit na bangka na sinakyan nilang dalawa ni Mang Lucio. Si Aling Agnes naman ay nilapitan din ang asawa. Dalawang balde ng preskong isda ang nahuli ng dalawa.

"Huwag kang lumapit sa 'kin, Ma," Natatawang sabi naman ni Zach sa kanya habang bitbit ang isang balde ng isda, "Amoy lansa pa ako." Julia just giggled at what he just said.

"Naku, Pa," She started as she wrapped her arm around his waist, "Wala pa naman akong ligo kaya okay lang." She jokingly replied. Natawa naman ulit si Zach sa sinabi niya. Inakbayan naman siya nito. And yes, it was somehow true when she smelled him. But she doesn't care anyway.

His Crazy Mistake (Finished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon