Hindi ko alam kung maganda ba yung kakalabasan nung chapter nato. Comment guys after you read. haha para alam ko kung ano kinalabasan parang magulo ata? hehehe
---------
"San ka galing? Bakit di ka umattend sa seminar naten?" - lelie
"Tsaka ano yung gm mo kagabi? Ano yun? Paki explain?" - Luna
"Ano teh? break na ba? haha" - Bea
iling lang -.-
"Sabi ko naman kasi sayo ibreak mo na. Ang daming nag hahabol sayo pinipilit mo sarili mo skanya. Hindi ka naman ganyan dati ha? Ano na nang yari sa playgirl na si R.A?" - Rain
Ano ba naman yan kakadating ko lang. Di muna ko pinagpahinga pinaliguan agad ako ng tanong. Hello! Nakaka pagod kaya umakyat hanggang 3rd floor no. Mga college friends ko yang mga yan 2nd year college na kami ngayon. Pero parang matagal na kami mag kakakilala no? Hindi kasi namen tinatago sa isa't isa kung anong ugaling merun talaga kami. Kaya ganyan na kami agad kapomportable sa isa't isa. alang plastikan. Kung anong mali makikita nila sayo prangkahang sinasabi agad sayo.
"Teka nga pwede? kakadating ko lang apura na agad yung tanong niyo eh" Inhale exale. nakakahingal kayang umakyat sa hagdan. "Ilang beses ko bang sasabihin sainyo na di pa ako tapos skanya no. Hindi ko pinipilit yung sarili ko skanya hindi nga ako seryoso skanya eh. I'm just enjoying his company kasi. Nagpunta ako skanila kanina kaya di ako nakaatend sa seminar naten ok?"
"Ano nga yung ibig sabihin ng text mo kagabi? Iyak tawa ka pang nalalaman. Kaya ka siguro nag punta kanina skanila kasi ikaw ang nakipag bati? Ikaw na ba naghahabol ngayon?" - Rain
"Hindi ha. Siya nakipagbati saken. Kaya lang ako nag punta dun it just because he wants to clarify things about our relationship daw. Akala ko bibigyan namen ng closure. Di ko naman inaasahan na manghihingi siya ng second chance" Hindi ko man aminin skanila at sa sarili ko I think I'm falling for him so deeply every time I was with him. Oo ako nag pumilit skanya na mag bati kami pinilit ko siya. Unang beses kong umiyak sa harapan ng lalake. I enjoyed every minute with him, skanya lang talaga ko nakaramdam ng ganito. Siguro indenial pa ko. Ayoko lang sabihin skanila kasi alam kong gagawa sila ng paraan para masira ako skanya. Napapabayaan ko na din kasi pag aaral ko ng dahil skanya.
"Osige ipush mo yan teh. Pero sinasabi ko ibreak mo na yan. Halos hindi ka na nga pumapasok kasi mas pinipili mo pang kasama siya" - Luna
"Oo nga. Madalas ka ding umaalis nalang bigla sa classroom. Hindi niya ba alam na may klase ka at pinapayagan ka ng sumama skanya" - bea
"Hindi niya alam kasi sinasabi ko alang prof di dumating alang klase"
Nag tinginan silang apat sabay sabay pang tumago. Problema nung mga yun? Pag babatukan ko kaya? Tss!
"Oo nalang. Basta kami di kami nag kulang kakaparangal sayo ha." - lelie
"Tss! Wala kayong dapat ipag alala no. Alam ko ginagawa ko ok? May hands on pa tayo db? Mag 1 na san ba tayo dun?" Si alelie kasi matured yan mag isip parang di namen kaedad eh. Iniba ko nalang yung usapan para hindi na masiadong humaba. Alam ko naman kasi talaga yung ginagawa ko kaya di naman nila na ko kailangan pang pag sabihin. Kung sabagay skanila ko lang din kasi nasasabi lahat. Yung mga magulang ko busy sa kakatrabaho. Once in a blue moon lang sila umuwi dito sa pilipinas.
Nagsimula na yung hands on seminar namen sa html. Di ko pa din siya macontact simula nung umalis ako skanila ala din siyang text. Halos di ko na nga maintindihan yung sinasabi ng speaker kasi lumilipad yung isip ko na baka hindi totoo yung mga sinabi niya. Sinabi niya lang yun para umalis na ko dun hayy. HIndi naman ako talaga ganito. Siya din naman may dahilan kung bakit nag away kami kagabi. Siya nanga nahuli ko siya pa yung nagalit saken pero bakit di ko naman siya mabitawan? Dati makita ko lang na may kausap ng iba yung mga ex'es ko hindi ko na nga sila pinagpapaliwanag break na agad kahit ganyan ako kalupit dati kahit umiyak sila sa harapan ko ala akong pake. oo exes kasi marami sila sabay sabay pa haha.Hindi ko din alam kung bakit ako tinamaan skanya ng ganun eh. Parang di ko na kilala yung sarili ko simula nung nakilala ko siya.
"Hayy! Ano ba naman yan hindi ko naman maintindihan kung pano gumawa ng website. Take note basic palang yun ha. Matutuyuan ata ako ng dugo nito sa utak eh O.O" - Bea
"Dami mo namang reklamo. Eh kahit isa nga sa mga activity naten ala ka pang nagagawa. Kopya ka lang ng kopya kaya palage kang nahuhuli ni maam eh haha." - Luna
"Nag salita ang magaling eh isa ka pa ding nangongopya eh. Parehas lang kayong dalawa eh." - Rain
"Magsitahimik nga kayo! Para kayong mga bata eh." - alelie
"Palibhasa kasi gurang na" bulong ni rain
"May sinasabi ka ba ha Rain? -.- " - alelie
Si rain nag peace sign lang kay alelie
"Tignan niyo yung isa yung alang imik. Hindi na naman siguro nag paparamdam skanya yung MATINO NIYANG BOYFRIEND. HOY! R.A! Bat ganyan muka mo? " - Luna
"Ha? Ala. May iniisip lang kasi ko."
"Sino yung BF mo na naman!" - Luna
"Hindi no! Bakit ko naman iisipin yun? Kelan pa ko nag isip sa isang lalake? Eh ala nga akong pake kung ano ba ginagawa niya ngayon" Ala pa din kasi siyang text saken. Pinatayan pa ata akong ng cp. Bigla kasing nag cannot be reach. Hmm baka naman lowbat lang? Oo nga lowbat lang siya. Kakabati lang namen nag iisip na ako agad ng masama.
"Ah oo nalang. Narinig niyo yung sinabi niya ha. San na tayo ngayon? bar tayo?" - Luna
"Yan jan ka magaling. Kaya yung utak mo puro alak nalang laman. Alak yung dumadaloy na dugo sa utak mo. Ayy ala ka nga palang brain kaya ala ding pag lalagyan yung alak! haha" - Rain
"HAHAHAHAHAHA!" lelie bea rain. Ako ngumiti lang ala kasi ko talaga sa mood para makipagharutan skanila eh. Palageng kawawa yang si luna palage nilang pinagtutulungan.
"Hmp!" - Luna
"Ah guys! Uuwi na ko. Bigla kasing sumama pakiramdam ko eh."
"Sure ka? Ayos ka lang ba? Sige bukas nalang. Pumasok ka ha! See you tomorrow!" - alelie
"Oo. Bye. Ingat kayo ha. Enjoy!"
"Ingat ka. Wag kang maglaslas teh! Lalake lang yan! haha" - Rain
Batukan ko kaya tong isang to. Kanina pa to eh.
Tumango nalang ako skanila. Nanlalata talaga ako. Parang gusto ko lang mag kulong sa kwarto ko. Mag emo lang! Eww kumocorny na ata ako -.-
Natapos yung hands on namen hindi pa din siya nagpaparamdam saken. Lumipas na din ang ilang oras ganun pa din. Nakapatay pa din yung cp niya. 11 na pala ng gabi hindi ko man lang namalayan yung oras. Hayy napaparanoid na naman ako nito eh.
Isa lang yung alam ko sa ngayon. Mahal na mahal ko na siya at ayokong mawala pa siya saken.
