Akala ko..
ONE SHOT
All Rights Reserved 2014
Written by: Hannychu
PLAGIARISM IS A CRIME.
**
"Look who's here!" narinig kong sigaw ni Sabrina nung dumaan ako sa kanya. Hindi ko nalang ito pinansin at pinatuloy nalang ang paglakad ko habang nakayuko at nakayakap sa libro ko, nagkatinginan kami ng sahig ng biglang may nakita akong mga paa, inangat ko ang ulo ko at nakita ko ang mga alipores ni Sabrina, nilibot ko ang paligid ko.
Pinalilibutan ako ng mga alipores niya at mismo si Sabrina. Tinignan nila ako na parang nandidiri sila sa akin, may tumataas ng kilay, nag-eevil smirk at kung ano ano pang kamalditahan nila. Pilit kong lumabas sa bilog na iyon pero pinigilan nila ako at tinulak ng malakas na pagkasanhi ng pagkahulog ko sa sahig at nagsiliparan ang mga gamit na yakap yakap ko kanina.
Narinig kong silang humagalpak sa tawa. Tinignan ko si Sabrina saglit at itinuon ang pansin sa mga gamit kong nasa sahig. Agad kong pinulot ito pero may biglang sumipa sa likod ko, mga dalawa. Kaya nakadapa na ako sa sahig. Bakit ba binubully nila ako?! Hindi naman ako nerd! Wala namang maganda sa akin! Lalong lalo, WALA AKONG GINAGAWA SA KANILA!
Pinilit kong tumayo pero mas lalong sumasakit yung likod ko kaya napadapa na naman ako sa sahig. Sinubukan ko ulit pero sa ngayon may umalalay na sa akin at nakita ko si Josh. Isang sikat na hearthrob, gentleman daw, varsity player. Hindi ko inaasahan na ang isang katulad niya ay tutulong sa akin.
Inalalayan niya akong tumayo tapos siya ang kumuha sa mga gamit ko na nasa sahig. Napasinghap naman sina Sabrina tila na hindi makapaniwala sa nakikita nila. Habang ako dito, nakatayo lang at nakayuko. Nakatabon ang buhok ko sa mukha ko at pinipilit na huwag palabasin ang mga traydor kong luha.
May kamay na nakapatong sa balikat ko. Inangat ko ang ulo ko at nakita si Josh na nakangiti sa akin tapos siya pa ang nagdadala ng mga gamit ko. Mahina niyang itinaas ang isang kilay niya na parang nagsasabi na, 'Tahan na.. hali ka iuuwi na kita'.
Niyakap niya ako at pilit niyang ilagay ang ulo ko sa dibdib niya na sanhi ng pagkasinghot ko ng mabangong perfume niya. Totoo ngang ang bango at ang gwapo ng lalaking ito. Kaya hindi ko mapagilang magustuhan siya. At ito yung unang pagkakataon na nagkasama kami. Kahit hindi maganda ang simula, maganda naman ang katapusan.
Hinatid niya ako sa bahay namin at nagtataka ako kung bakit niya alam ang address niya. Napag-alaman ko nalang na magkapitbahay kami. Nasa isang banda lang sila dun malapit sa amin, at nakikita niya daw ako kadalasan kaya alam niya. Kaya hindi na ako nagtaka, nagpapasalamat ako sa kanya. Akalain mo? Hinatid ako ng isang gwapong sikat na si Josh. Tinulungan pa ako! Gosh! Mahal na yata kita!
**
Lumipas ang isang linggo, palagi kong nakikita si Josh. Tuwing napapasangkot ako sa mga gulo nila Sabrina, palagi siyang nandiyan para tulungan ako. Hindi kaya alam niya na binubully na talaga ako palagi ni Sabrina kaya palagi siyang nandiyan para sa akin? Pero no need to conclude, sadyang mabait lang talaga daw si Josh kaya ayun.
Naging ka close na rin kami. Magkasabay na kaming umuwi, minsan nga sabay kami mag lunch at mag snack. Parang kami lang? Chos! Joke lang! Madami palang humahanga sa kanya, kaya lalong dumami ang mga haters ko kasi daw ang sipsip ko kay Josh. Hindi ko naman pinilit na maging kaibigan si Josh. Sadyang nandiyan lang talaga siya palagi kung nangangailangan ko ng tulong.
Nakapunta na rin siya sa bahay. Akala nga ni Mama na boyfriend ko daw. Todo tanggi naman ako dun pero ngumiti lang si Josh. Baliw ba yun? Nagtetext na rin kami tuwing gabi. Minsan nagsky-skype at nagchachat sa facebook. Feel ko talaga na isang milyon na ang haters ko dahil nito. Pero bahala sila! Inggit lang sila! Chos!
BINABASA MO ANG
Akala ko..[ONE-SHOT]
Teen Fiction"Akala ko.. ayun pala!" -Erin. Written by: Hannychu All Rights Reserved 2014