CHAPTER 4

11 2 0
                                    

*buzz* *snooze* *buzz* *snooze*

Saturday ngayon ah! Bat nakaon alarm clock ko? Tinignan ko phone ko 8 A.M

10 missed calls
2 Messages

Fr: 09771234321
Audrey! Nakailang missed calls na ko!
tulog mantika! Mall kami today ni Jade
sama ka? 9A.M kita sa RobMag!
- Bea loves

Pano naman nalaman ni Bea number ko? Yan unang pumasok sa utak ko. Wait isa pang text? Sino kaya to? Wala naman akong kaibigan sa Dom ah

Fr: 09775556667
Ms. Castrid! Stop ignoring my calls
meet me @ Dom Univ main hall
today! Exact 9A.M paghindi ka
pumunta lagot ka sakin!

Okay.. Halatang si Asungot to. Hindi ako sisipot kay asungot. Naligo na ko at nagbihis nagpaalam kay Mama na aalis kami nila Bea kaya baka gabihin na ko syempre pumayag naman si Mama kasi si Mama yung tipong maluwag, hindi siya strict kasi gusto niya maenjoy ko yung teenage life ko.

"Wag sobrang gabihin nak ah! Mga 11 pinakalate nak"

"Opo ma! Baka hanggang 9:30 lang po ko" Sabi sabay kiss si mama sa cheeks

"Naglolove life na siguro yan ma, ginawang excuse lang sila Bea!" Sabi ng kuya kong mahilig mangasar. 5 years older than me si Kuya. Crush ng bayan si Kuya sa school nila eh samantalang ako naman sobrang lowkey..

Nate Castrid. Nate pangalan ni Kuya.

"Hoy! As if naman may manliligaw sakin?"
Sagot ko at naging malungkot. 17 na ko pero NBSB ang sakit bes
"Bahala ka kuya! Alis na ko ma! Bye"

*Pagkadating ko sa mall*
Hala! 10:20 na?! 9a.m daw dba?! Bat kasi ang traffic ng Pilipinas eh!
Saan ko naman hahanapin sina Be- fudge! Bat andito yung asungot na to? Okay. Nakita ko si Justin palapit sakin.

"Bat hindi ka sumipot?" Galit na galit si Justin kala mo naman may utang ako sakanya

"Pupuntahan naman kita e--" hindi pa tapos yung sasabihin ko nang putulin ng galit na Justin ang sasabihin ko

"Pupuntahan?! 10:30A.M na oh! Dba sabi ko 9A.M?! Tapos malalaman ko andito ka lang pala sa mall" galit na galit siya

"Hoy late kasi ako nagising! Tsaka traffic kasi!! Bat ka ganyan ka demanding ha? Bat may utang ba ko sayo?" Galit na din ako sabay dumating si Kev

"Hi Kev! Init ng ulo ko kain tayo ice cream" at hinila ko si Kev palayo kay Justin. Wew init ng dugo ko sa lalaking yon ah!

"Ano nanaman nangyayare?" Walang malay na tanong ni Kev

"Nakakainis kasi eh kakakita lang namin sa mall kung umasta kala mo may utang akong 1 million." Inis kong sinabi

"Eh bat kasi hindi ka sumipot kanina sa Main hall eh ayaw pa naman nun maghintay." Sabi ni Kev, ah so alam pala ni Kev

"Eh bat naman kasi ako pupunta? Eh nauna sila Bea na yayain ako sa mall eh!" Sagot ko

Fall in love with me.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon