PROLOGUE

155 2 0
                                    


Ang hirap sa pakiradam na makita yung taong mahal mo na nasa kwartong puro puti may nakasaksak na dextrose at nakahiga sa hospital bed hindi ko mapigilang lumuha para bang may buhay yung mga luha ko kasi kusang tumutulo ito kahit pigilan ko, tinitigan ko ang mala anghel na mukha ni Terrence habang hinahaplos ang malambot niyang buhok his nose na sobrang tangos his lips na sobrang lambot and his eyelashes na daig pa ang babae kaya no doubt kung bakit maraming babae ang nahuhumaling sa kaniya kaya ang swerte ko dahil ako ang nagustuhan niya.

"Mahal, wake up please! sabi mo ayaw mong umiiyak ako kaya gumising ka na please kasi miss na miss na kita eh" sabi ko habang lumuluha hindi ko talaga mapigilan kasi parang pinipiga yung dibdib ko sa sobrang sakit! bakit kailangan pa niyang magkaroon ng sakit! may brain cancer siya at maari siyang mamatay kung hindi siya maooperahan at hindi ko kakayanin yon makita ko pa nga lang siyang ganto ang kalagayan sumsikip na ang dibdib ko natigil ako sa aking ginagawa ng may kumatok sa pintuan dali-dali kong pinunasan ang luha ko at nagtungo sa pintuan para buksan ito nagtuloy-tuloy lamang sa pagpapasok ang ina ni Terrence.

"Makaka-alis ka na at wag mong kakalimutan yung sinabi ko sayo" sabi nito ng makalapit siya sa anak niya

"Pero baka po pwe-" pinutol agad nito ang sasabihin ko

"Wala nang pero-pero makakaalis ka na!" ani nito na matalim ang titig sakin, kinamumuhian ko itong babae nato kahit ina siya ng taong mahal bakit niya ba to ginagawa samin ni Terrence diba dapat masaya siya kasi ito ang gusto ng anak niya, naluluha ako ang sakit di ko kayang iwan si Terrence.

"Oh what are you waiting for? leave. I thought you love my son? You've shoud know kung ano ang mas makakabuti sa kaniya at yun ang umalis ka at wag nang magpakita!" sigaw nito sakin pag-alis ko nga ba ang makakabuti sa kaniya? pero hindi ko kaya ngunit hindi siya tutulungan ng ina niya kung mananatili ako sa tabi niya at wala akong sapat na pera para ipa-opera siya at baka ikamatay niya pa ito hindi ko kaya, ayoko siyang mawala ugh what shoud I do? Terrence mahal patawarin mo sana ako sa desisyon ko sabi ko sa isip ko

"Aalis na po ako" sabi ko at dali-daling lumabas ng pinto tiyaka nagsituluaan ang mga luha ko ang sakit sakit! hindi ko talaga kaya siyang iwan pero kailangan bakit ba ganito ang buhay sobrang unfair kung kailan masaya na kami tiyaka pa nagkaroon ng brain cancer si Terrence, Mahal patawarin mo sana ako sabi ko sa isip ko

---

Nandito ako ngayon sa bahay nag iimpake na ng gamit nagbabadya nanamang tumulo yung luha pag naaalala kong kailangan kong lumayo at yan ang masakit na katotohan kailangan kong lumayo para sa ikabubuti niya handa akong masaktan mawala lang yung sakit niya. Tinawagan ko si Mark mag papasundo ako sa kaniya doon na muna siguro ako sa auntie ko sa Greenville Valley.

*Beep beep*

Andiyan na si Mark kaya lumabas na ako ng bahay, sinalubong agad ako nito na may malaking ngiti sa labi ang gwapo talaga nito pero syempre mas gwapo pa rin ang Terrence ko.

"Ehem! Let's go?"tanong nito pero pinauna ko na muna siya gustong ko kasi sa huling pagkakataon matitigan ko ang bahay nato mamimiss ko to bawat sulok ng bahay nato kung saan kami ni Terrence ay masaya masayang-masaya naramdaman ko na lang na may mainit na bisig na nakayakap sakin

"Shhh!Hush now. Magiging okay din ang lahat kaya mo yan" sabi ni Mark habang Hinahaplos niya ang buhok hindi ko alam na umiiyak na pala ako hindi ko kasi kayang iwanan si Terrence naninikip ang dibdib ko gusto ko nasa tabi niya lang ako

"Hindi ko kayang iwan si Terrence mahal na mahal ko siya ayokong lumayo hindi ko kaya" sabi ko habang patuloy na umaagos ang luha ko basang basa na nga ang polo ni Mark ang sakit sobrang sakit hindi ako makahinga sa sobrang sikip ng dibdib ko

"Pero kailangan diba? Hayaan mo sa tamang panahon magiging maayos din ang lahat kaya tumigil ka na okay?" ani nito habang pinupunasan ang luha ko at may nakapaskil na ngiti sa mga mukha nito

"Thankyou Mark, ang swerte ko dahil may kaibigan akong katulad mo" Sabi ko dito namay ngiti sa labi pero hindi ko maintindihan kung bakit biglang nagkaroon ng lungkot ang mga mata nito pero nawala din agad at napalitan ng malaking ngiti

"You're always welcome sweetie so let' go?" tumango ako at naglakad na kami papuntang sasakyan pero papasok na sana ako ng may narinig akong tumawag sa pangalan ko

"Arkidia! Mahal!"

It's him.Terrence dali dali ako nitong niyakap ng mahigpit hindi ako makapaniwala gising na siya ang mahal ko gising na

"Hindi naman totoo yung sinabi ni mommy diba? hindi mo naman ako iiwan diba mahal?"tanong ito habang patuloy na hinihigpitan ang yakap niya sakin tila ba ayaw akong pakawalan ang init na matagal ko nang hinahanap-hanap gusto kong maiyak pero pinipigilan ko dahil hindi pwede

"Totoo yon, aalis ako, tara na Mark baka mahuli pa tayo sa flight" sabi ko at tinulak si Terrence pero hindi pa ako nakakahakbang hinila na agad ni Terrence ang kamay ko

"Mahal ano ka ba!? wag ka naman magbiro ng ganiyan  masakit kasi eh, alam mo bang ooperahan  na sana ako pero tumakas ako kasi gusto kitang makita eh" ani nito sa mababang boses at parang pa-iyak na hindi ko siya kayang makita ng ganiyan pero kailangan kong magtiis. Gustong-gusto rin kitang makita araw-araw Terrence pero hindi pwede

"Hindi ako nagbibiro kaya pwede ba bumalik na sa Hospital" Sabi ko dito nang hindi nakatingin hindi ko kayang makita ang emosyon na ilalabas niya baka biglang magbago ang isip ko at manatili na lang ako tabi niya hindi pwede ayoko baka ikamatay niya iyon hindi ko kaya

"So totoo nga yung sinabi ni mommy! bakit mo ko iiwan Arkidia? hindi mo na ba ako mahal? sabi mo walang bibitaw kaya bakit mo  to ginagawa ha!?" sigaw nito sakin habang umiiyak kitang kita ko ang sakit sa mata niya, ayokong iwan ka pero kailangan

"Kala ko ba matalino ka? Hindi na kita mahal sabihin mo nga paano ko pa mamahalin ang taong malapit ng mamatay ha!?" sabi ko dito nang walang emosyon ayokong ilabas ang emosyon na tinatago ko, Terrence naman please bumalik ka na sa Hospital para sa ikabubuti mo rin ito hindi ko kayang mawala ka mahal na mahal din kita sabi ko sa isip ko

"Kaya nga magpapa-opera ako!" sigawa nito na patuloy pa rin ang pagtulo ang luha gusto  ko siyang yakapin gaya ng ginagawa ko pag-nahihirapan siya pero kailangan kong pigilan ang sarili ko

"Wala akong pake! Hindi na kita mahal, Mark tara na!" sabi ko at dali-daling sumakay ng sasakyan doon na nagsi-bagsakan ang luha para silang may sariling buhay kasi kahit anong pigil ko tulo parin sila ng tulo, pinaandar na ni Mark ang kotse pero patuloy parin si Terrence sa paghabol

"Arkidia! Arkidia! Bumalik ka!" sigaw nito habang humahabol pinikit ko ang mata ko hindi ko kaya siyang tignan ayoko naninikip ang dibdib ko

"Sigurado ka na ba talaga dito?" tanong ni Mark pero hindi ko siya sinagot dahil miski ako hindi sigurado kung ito ba talaga ang gusto ko pero isa lang ang sigurado ako kailangan ko tong gawin napahawak ako sa tiyan ko medyo malaki narin ito

"Baby patawarin mo sana si mommy kung iiwan niya si daddy at lalaki kang walang ama pero someday maiintindihan mo rin" sabi ko sa sarili ko habang hinahaplos ko yung tiyan ko

Terrence mahal sana maintindihan mo ang ginawa kong ito  at sana magkita tayo sa tamang panahon at sana sa panahong iyon napatawad mo na ako.

____________________________________________________________________________

PS: Please forgive me if there a typo or wrong grammar coz you know it is my first time to make story for short I'm a begginer.Thankyou

AMARANTHINE LOVEWhere stories live. Discover now