Chapter One

2.2K 84 43
                                    

Hello mga kamaldita

Enjoy reading Nathan and Reena story

Vote and comment

C=

Flashback

Nanginginig na isinuksok niya ang key card sa pintuan ng condo unit ni Nathan. Ng marinig ang mahinang click doon hudyat na natanggal na ang pagkakalock non ay agad siyang pumasok sa loob ng unit nito.

Yes he gave her his spare key card in his unit two months ago. Its been five months since magkasundo sila ni Nathan at pumasok sa sikretong relasyon na meron sila ngayon. Madakit man na maituring na tago ang meron sila ay tinanggap na niya. She love him so much na kahit ang ganitong relasyon lang ang kaya nitong ibigay ay sinunggaban na niya, sino pa nga ba siya para tumangi. Masuwerte pa nga siya dahil kahit palihim lang at sikreto lang ay maituturin niyang kanya ang binata.

Wala kahit sino ang nakakaalam ng meron sila. Kahit ang kapatid nitong si Tiffany na best friend niya ay hindi niya sinabihan o kahit pa sina Cathy at Tyra ay walang kaalam alam kung ano ang meron sila ni Nathan.

Yes she felt a little guilty dahil sa pgatatago niya ng ganitong sikreto sa mga kaibigan niya but she wanted to keep her promise to the man she love. Ayaw nito na may makaalam sa relasyon nila, kung relasyon ngang matatawag ang meron sila, kaya naman tinutupad niya ang pangako niya dito.

Sa loob ng limang buwan na sikretong relasyon nila ay naging sobrang saya niya. Sobrang naging saya ng pusu niya na sa wakas ay nakakasama na niya ang lalaking mahal niya. At sa limang buwan na iyon ay naramdaman niya na kahit paano ay importante din siya dito. Hindi man kasing importante ng gusto niya at kahit hindi siya nito mahal katulad ng pagmamahal niya para dito ay sapat na na pinapahalagaan siya nito kahit papano. Sa loob ng ilang buwan ay naramdaman niya ang saya na mahalin at alagaan ang lalaking mahal niya.

Maipakita lang niya ang pagmamahal na meron siya para dito ay sapat na para sa kanya. Hindi man siya mahal nito katulad gusto niya ay handa siyang maghintay.

Hihintayin niya ang oras na mamahalin siya nito. Pero sa ngayon makukuntento nalang muna siya bilang isang sikretong lover nito.

Nagtungo siya sa kusina ng condo unit nito at inilapag ang mga pinamili niya kanina sa supermarket. Ipagluluto niya ito ng dinner, she wanted to surprise him.

Agad siyang naghalungkat ng mga sangkap sa refridgerator nito at sa cup board nito. Pamilyar na siya kung saan nakalagay ang mga gamit nito sa condo nito dahil once a week ay dito sila tumatambay na dalawa, Sunday are their day for each other. Palagi niya itong ipinagluluto ng mga paborito nitong pagkain.

Graduation niya kahapon pero hindi niya ito nakasama maghapon dahil abala ito sa trabaho nito, pero hindi din naman niya sinabi dito na kahapon ang graduation niya kaya wala din itong ideya doon. Kahit hindi nito sabihin ay alam niya na ayaw nitong nakikita na magkasama sila publictly kaya hindi na niya binangit dito ang petsa ng kanyang graduation, she found it unnecessary. Kaya nga ito bumili ng condo ay para sa kanilang dalawa. Ang condo na ito ang naging saksi sa sikreto na meron sila.

Kapag weekdays sa mansion ng mga Briones ito tumutuloy at kapag weekend naman ay dito ito sa condo nito.

She wanted to surprise him because next week is his birthday. So its a double celebration for the both of them. She will make sure that they will never forget this night.

She started cooking the stake and his favorite fettuchini pasta. Alam niya na gustong gusto nito kapag ipinagluluto niya ito. Ilang beses na nitong sinabi sa kanya na masarap siyang magluto.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 15, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

His Secret Affair (On hold)Where stories live. Discover now