Den
Change really is inevitable.
Training namin ngayon. And everyone is having their respective drills. Currently, Jia is setting for Aly while Bea, our libero, is on the receiving end.
"Den, busy ka?" Tanong ni Ella sa akin.
I simply nodded. Of course busy ako, we are in the practice. Minsan, I really don't understand Jorella. Why ask for something when you already know the answer diba?
"Eh, mamaya after training may lakad ka?"
Ohh. That's why. Siguro magpapalibre to sa akin. Sorry nalang siya, wala ako sa mood manlibre ngayon.
"Wala akong panlibre sayo Ells."
"At grabe sya oh! Judger masyado besh. Wag ganun. Sama ka mamaya. Promise, di ka gagastos."
Napataas naman kilay ko dun. That's new, coming from Ella. She's kuripot kasi at mahilig magpalibre so malamang...
"What's the catch?" Tinanong ko na rin. Kung manlilibre si Ella. Malamang may something...
"Ay!! Judgmental ka talaga Den. May nakikipaghangout kasi satin."
Tumaas naman ang kilay ko dun. So, hindi pala siya ang manlilibre kaya ang lakas mag-aya. Iba din tong si Ella eh. The best. Note the sarcasm.
"Oo nalang Ells." Sagot ko sabay lakad papuntang court. Ako na kasi yung magd-drill.
------------------------------------------------------
"Who are we waiting for ba?" Inis ko nang tanong Kay Ella. Aba naman kasi, we've been here for almost half an hour na yet wala pa yung 'manlilibre' daw samin. This person is so paimportante. Okay, I get it na siya yung manlilibre but sana naman he knows that our time is precious. I need to rest, dapat I'm already home right now doing my stuff but no, nandito pa ako naghihintay sa kung sino mang poncio pilato yan.
"Basta Den. On the way na daw siya." Sagot sa akin ni Ella habang nakatingin siya sa pinto.
Tumahimik nalang ako. I'll give whoever this person is 15 minutes. If di siya dumating, bahala si Ella maghintay mag-isa.
Okaaayyyyy. That's it. I'm outta here.
Tumayo na ako..
"Yes!!! Nandito na sya. Joveee!!! Dito!!! Hereeee!!!" Sigaw ni Ella habang nakataas pa yung dalawang kamay.
Oh gosh. Di ko po siya kilala. Nakakahiya si Ella sa ginawa niya. Agaw eksena? Walang manners? Kala mo siya owner ng resto. Di na nahiya sa ibang kumakain. Napaupo nalang talaga ako pabalik sa ginawa niya. At napatakip ng mukha ko. Wala na akong mukhang ihaharap sa ibang tao dito.
"Hi Ells. Hello Dennise. Sorry late ako, medyo traffic kasi."
Wow naman. Nahiya naman ako sa medyo traffic ni kuya. Medyo traffic eh halos isang oras kaming naghintay.
"Okay lang fun Jov. Wala naman kaming gagawin." Nakangiti naman na sagot ni Ella.
BINABASA MO ANG
Dreams
RandomIt's so funny how our dreams are so simple yet it's the hardest thing to attain. The simplest things are the most difficult to have. What a paradox life is. You just want to be happy and not hurt the one you love. And I just wanna be with you...