Panimula
“Nakikiramay po ako sa inyo.” sabi ko kay Tita Carla na tulalang nakatingin sa kabaong ni DJ na nakasarado.
Masyado raw kasing brutal ang naging itsura niya na halos hindi na makilala. Peste siya! Tama lang sa kanya ‘yan. Karma niya, nila ‘yan sa mga ginawa nila sa akin. Tinignan ko si Tita Carla na pugtong-pugto ang mata sa kakaiyak.
“Salamat at nakarating ka Kath. Sa lahat ng mga naging girlfriend ni DJ ay ikaw lang ang pumunta.” ani Tita Carla.
Ngumiti na lang ako sa kanya. Paanong hindi ako pupunta? Boyfriend ng ate ko ang kuya ni DJ na si Kuya Enrique?
“Ganoon po ba?” sabi ko na lang at tinignan ang paligid.
Napansin kong wala ang girlfriend ng walang hiya.
“Tita, Ano po ba ang nangyari sa kanila at wala dito yung girlfriend niya?” takang-taka kong tanong sa mama ng hinayupak kong Ex, na ngayon ay hindi na makilala ang itsura sa loob ng kabaong niya.
Kung gaano ka nga naman ka-gwapo, pagnadisgrasya ka at natodas ay wala rin namang kwenta.
“Alam mo kasi, Nagkayayaan sina DJ at Jasmine sa umakyat sa Bundok Makitid. Alam mo naman na masyadong makitid ang bundok na iyon, nalaglag sila. Mabuti si Jasmine nakaligtas pero si DJ.. si DJ..” at muli na namang umiyak si Tita Carla.
Gusto ko man magbunyi na namatay na ang Hinayupak kong Ex na panget na ngayon sa loob ng kabaong niya ay hindi ko magawa. Naaawa kasi ako kay Tita Carla, Alam kong close na close silang mag-ina. Sa magkakapatid na Fernandez kasi ay si DJ ang pinaka-malapit sa mama niya.
“Kath, Tara na kailangan na nating umuwi.” biglang sulpot ng Ate Julia ko. “Sige po Tita Carla, Mauuna na po kami ni Kath.”
Matapos magpa-alam kay Tita Carla, Nakipag-beso pa muna si ate sa boyfriend niya na kanina pa naman niya kasama, bago kami umalis sa lamay.
TINATAMAD akong bumangon sa kama ko. Kahit na gustong-gusto ko pang matulog ay hindi puwede, Hindi ako makakakain, Kailangan kong magtrabaho.
Tamad na tamad akong pumasok sa loob ng banyo sa kwarto ko. Humarap ako sa may salamin malapit sa lababo at kumuha ng sabon kong Olay papaya, binasa ko muna ang sabon at ang mukha ko bago ako naghilamos.
Nakapikit ako habang nagsasabon ng mukha. Babanlawan ko na sana ang mukha ko nang matapos ako kaya lang hindi ko makapa ang faucet. Dumilat ako pero sana pala hindi na lang ako dumilat at nagpatuloy na lang sa pagkapa kanina.
“Wah!!” malakas na tili ko nang makita ko ang bulto ng isang lalaking nakatingin sa akin.
Duguan ang mukha niya at hindi ko na masyadong ma-detalye ang itsura niya dahil nalagyan ng sabon ang mata ko!
“Shit!” ang hapdi!
Gusto ko man banlawan ang mata ko kaya lang hindi ko magawa. Takot na takot ako! Kinuha ko na lang ang towel sa gilid at lumabas ako ng banyo. Dagli akong tumalon sa kama at tinalukbungan ko ang sarili ko ng comforter.
Nang maramdaman kong hindi lang ako nag-iisa sa loob ng Comforter ay dahan-dahan akong lumingon!
Namilog ang mata ko at ilang sandal ay parang nanuyot ang lalamunan ko sa sobrang takot!
“Put-Wah!!” muntik na kong mapamura sa sigaw ko na iyon nang mahagilap ko ang sariling boses.
Mabilis akong tumalon sa kama at pumunta sa kasulok-sulukan ng kwarto ko. Takip-takip ang tenga at mariing nakapikit!
Dear Lord, Bakit ganoon po? Bakit niya ko minumulto? Wala naman akong kinalaman sa pagkamatay niya at isa pa, Matagal na po kaming tapos! Pinutol ko na ang ugnayan ko sa kanya simula nung naghiwalay kami!
Sandali! Hindi ata ako nag-pagpag pagkagaling sa lamay niya.. Ay talagang hindi ako magpa-pagpag, hindi naman ako naniniwala sa mga pamahiin na ganoon eh.
“Kath..” malamig ang boses niya! Nagsitayuan agad ang lahat ng buhok ko sa katawan. “.. Ryn!”
Nakaramdam ako ng pangangatog dahil sa takot dahil sa peste at hinayupak na multo na nasa harapan ko!
“D-DJ Fernandez!” sigaw ko sa multo niya. “Ti-Tigilan mo na ko! Matagal na tayong tapos at doon ka sa syota mong babaeng katropa ni Malandifecent magparamdam!”
Aba ginoong marya napupuno ka ng.. ng.. Ah basta! Tinatawagan ko na lahat ng Santo at Santa! Paalisin niyo po itong hindi matahimik na kaluluwa sa harapan ko! Hindi carry ng pantog ko ang pagpaparamdam ng peste, walang hiya at hinayupak na ‘to.
“Kath.. Ryn!” patuloy na pananakot niya!
Peste naiihi na ko sa takot dito! Konti na lang bibigay na talaga ang pantog ko sa sobrang takot!
“Pasalamat kang hinayupak ka at wala akong Holy water dito para sabuyan ka!” pagbabanta ko sa kanya.
Isang pagbabanta na epic fail!
“Please lang! Umalis ka na! Wag mo na kong guluhin dahil wala naman akong kasalanan sa iyo!” sigaw ko.
Matapos kong sumigaw ay napatili ako ng isang makabasag pinggan na tili, May humawak kasi sa balikat ko.
“Punyeta ka naman Kathryn!” rinig kong boses ni ate Julia at binatukan ako.
Napadilat ako kasabay ng pagsapo ko sa batok ko. Napatingin ako sa kanya.
“Ke-aga-aga tumutili ka diyaan.” galit nag alit niyang sabi.
Napaawang ang labi ko. Na saan na yung peste, walang hiya at hinayupak kong Ex na panget na ngayon sa kabaong niya?
~~xx~~
Anpisol, Sila lang naman ang hindi matahimik na kaluluwa.. Okay ang corny ko lang. Sobrang hirap na nga ng kondisyon ko ay nagawa ko pang magpatawa. Paano ko nasabi na sobrang hirap?Eh walang hiya naman! Ikaw kaya ang multuhin ng ex-boyfriend mong (peste, walang hiya at hinayupak na panget na ngayon sa kabaog niya) ipinagpalit ka sa babaeng katropa ni Malandifecent, Anong gagawin mo?
Hindi pa nga ako totally nakaka-move on sa nangyaring break up sa amin seven months ago.. Okay sandali, Hindi ako nago-over reacting dito. Hindi naman kasi talaga madali ang mag-move on. Sobrang tagal na proseso at 50-50 lang ang chance. Sampung porsyento palang ang nakapag-patunay na nakapag-move on na sila at sa kasamaang palad, nandoon ako sa latter part.
So back to the moment, Iyon nga! Hindi pa ko nakakapag-move on pero kung magparamdam siya daig niya pa ang nanlalandi ng Ex-girlfriend. Patay na siya kaya wag siyang masyadong mag-feeling buhay!
BINABASA MO ANG
My Ex is a Ghost
HorrorAnong gagawin mo kung sinusundan ka ng multo? Hindi lang siya basta multo na napulot mo sa kung saan, Kung hindi Ex mo siya! Ang tanong, Bakit sa dinami-dami ng puwede niyang pagparamdaman ay sa iyo pa siya nagparamdam? Tunghayan ang nakakatuwang re...