Ghost 1

2.4K 69 10
                                        

One week ago..

Napanguso ako sa taas ng presyo na ibinigay sa akin ng tindera ng Cocoa.

“Ate, Ang mahal naman ng presyo mo. Hindi ba pwedeng babaan mo naman?” tanong ko, Napangiwi siya dahil ‘dun. “Yung sa kabila nga ang mura.” sabi ko pa.

Kitang-kita ko naman ang pagsimangot niya sa harapan ko.

“Eh bakit hindi ka doon sa kabila bumili kung mura naman pala.” pambabara niya.

“Kath tara na, Nakabili na ko ng Cocoa doon sa may dulo.” singit ni Ate Julia na nauna nang naglakad.

Wala na kong nagawa kungdi tigilan ang pangungulit na babaan ang presyo sa tinder at sundan na lang ang ate ko.

Nahinto ako sa paglalakad nang may matandang babae na puro itim ang suot na bestida at lambong sa ulo ang nadapa sa harapan ko. Palanggak si Lola sa lupa kaya naman agad ko siyang tinulungan.

“Lola, Ayos lang po ba kayo?” tanong ko sa kanya.

“Ay apo, Ikaw kaya ang nadapa sa lupa, sayad ang nguso ay sa palagay ko’y ayos ka lang.” aniya.

Nalaglag ang panga ko. Ilang beses na ba kong nabara sa loob lang ng ilang segundo ngayong araw?

“Pero Lola, Ayos lang ho ba kayo? Concern lang naman po kasi ako.”

Totoong concern ako kay Lola dahil baka masama ang pakiramdam niya kaya siya nadapa. Kaya lang sa tingin ko ay ayos lang si Lola, Nagawa niya pa kasi akong barahin eh.

“Ayos na ayos ako, Wag kang mag-alala para sa akin.” aniya at binitawan ko ang braso ni Lola.

Paalis na sana ako nang hawakan ni Lola ang braso ko, Napatingin ako sa kanya.

“Iha mag-ingat ka.” aniya at napansin kong naging seryoso ang kanyang ekspresyon.

“H-Ha? Bakit po?

Sa titig at kakaibang ekspresyon ni Lola ay nakaramdam ako ng kilabot sa katawan.

“Nararamdaman kong may susunod sa iyong kaluluwa, Isang hindi matahimik na kaluluwa!” ani Lola at gumapang na nga sa katawan ko ang matinding takot!

“May sumusunod po sa aking kaluluwa?” takot na takot kong tanong na may tono pang hindi makapaniwala.

“Bingi ka ba? Aba masama ‘yan ke-bata mo pa nabibingi ka na.” aniya, natigilan ako. “Kasasabi ko lang na may susunod sa iyo. Pasunod palang iha, Masyado kang excited sa pagdating niya ah.”

Natahimik ako sa muling pambabara ni Lola.

“Seryoso ako apo, May susunod talaga sa iyong kaluluwa kaya mag-ingat ka. Ang kaluluwang ito ay hindi matatahimik hangga’t hindi niya nakukuha ang kasagutan sa kanyang mga katanungan.” tip ni Lola patungkol sa kaluluwang susunod daw sa akin.

“Kathryn ano ba?!” rinig kong sigaw ni Ate Julia.

Napatingin ako sa gawi ni ate na maraming dala-dalang plastic bags at inis na inis siya. Nilingon ko si Lola kaya lang ay nawala siya.. Na saan na siya? Na saan na si Lola?

Tumindig ang mga balahibo ko sa nangyari!

-------

Nang batukan ako ni Ate Julia ay napatigil ako sa pagda-drama ko. Katulad ng mga nasa Horror Movie na napapanod ko, Yung tipong may magpapakita sa iyo tapos kapag may dumating na tao biglang mawawala? Ganoon na Ganoon lang!

“Aray naman ate! Ang sakit ‘nun ah.” reklamo ko habang haplos-haplos ang batok ko.

My Ex is a GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon