June 2006Kyle's PoV
"Late na tayo Kyle bilisan mo na!!" kung makahila naman tong si Luke parang ang sipag mag aral eh.
"Sandali, ano ba wag mo kong hilahin yung uniform ko nagugusot" reklamo ko. Nakakainis ayaw pa makisama nitong sintas ng sapatos ko! Ano bang nangyari dito bakit nabuhol!?
"Bahala ka nga ang bagal mo!" pag mamaktol nya sabay labas sa kwarto ko.
"Okay!" sabi ko matapos maisuot ang sapatos ko "Ma alis na po kami!!" paalam ko kay mama. Napatingin ako sa wall clock, late na nga kami pero okey lang yan first day palang naman ng pasukan eh.
"Luke anong section ka?" Tanong ko kay Luke habang nag lalakad kami papuntang paaralan. Buong bakasyon hindi kami nagkita dahil nag bakasyon sya sa kanilang probinsya.
"Section 1, ikaw?" ani Luke. Section 2 ako hindi pala kami magkaklase.
"Section 2 ako eh. Sayang di pala tayo magkaklase pero sana magka lapit room natin." sagot ko. Hindi na kami nag usap dahil malapit narin kami sa paaralan. Mga lima hanggang walong minuto lang lakaran at nasa paaralan ka na.
Alam na namin kung saang part ng school ang mga room ng grade 5 students kaya hindi na kami nahirapan. Room na lang hahanapin mo na hindi din ganon kahirap hanapin bukod sa sama sama ang room ng bawat grade ay tatlong section lang meron ang school namin bawat grade. Yun nga lang marami kami sa bawat section hehe.
"Kyle tabi lang pala room natin eh. Hahahaha sige pasok na tayo late na tayo oh nasa loob na mga classmates natin" Paalam ni Luke sakin at pareho na kaming pumasok ng room.
"Late ka, bukas ayoko ng late, Okay?" sabi ng teacher ko.
"Opo ma'am" sagot ko at nag lakad na sa bandang likod ng classroom kung saan may mga bakanteng upuan pa.
May iba na kilala ko na dahil naging classmates ko nung mga nakaraang taon pero hindi ko close dahil medyo mahiyain ako, medyo lang hehe. Tumayo na sa harap ang teacher namin mukhang mabait naman.
"Okay class mukhang wala nang iba pang dadating dahil anong oras na.. Okay I am Mrs. Gonzales" pakilala ni ma'am "Hindi nyo na kailangang mag pakilala sa harap dahil mauubos ang oras natin. May sitting arrangement tayo at ngayon na gagawin kaya. Get one fourth and write your name, surname first. Quite please!!" At syempre kami naman ginawa lang sinabi ni ma'am maliban sa pag tahimik. Grabe ingay hingi dito hingi doon.
First day walang papel?
"Classmate hati tayo!" sabi ng katabing kong lalaki. Hinati ko sa apat ang papel ko at ibinigay sa kanya. "Salamat"
Samonte, Kyle Justine
"Paabot naman sa harap" pakiusap ko sa babaeng nasa harap ko. Lumingon sya at kinuha ang papel ko na masama ang tingin sakin.
Habang busy ang iba inilibot ko muna ang paningin ko sa buong room. Mukha namang mababait ang mga classmate ko maliban lang siguro dito sa babaeng nasa harap ko.
Ang sungit!!!
"Okay class tayo kayo para maiayos ko na kayo" Utos ni ma'am at nagsi tayuan naman kami. Naipon kami sa harap kaya naisipan kong lumabas tutal malayo pa ako. Kadikit lang ng room ko ang room ni Luke kaya sumilip ako para makita sya. Naka busangot ang mukha halatang tinatamad pero kung mag madali kanina parang gustong gusto nya ang pumasok.
"Next, Samonte" tawag ni ma'am sakin at umupo sa kasunod na upuan. Katabi ko itong babaeng masama kung makatingin. Pero hindi nya ako pinansin. Nilingon nya ang babae sa likod nya kaya tinignan ko rin. Nag usap lang sila hindi ko naman maintindihan at di ko na din pinakinggan. Tumahimik na lang ako hanggang matapos tong sitting arrangement na ito.
BINABASA MO ANG
My First And Last
RomanceLahat tayo dumaan sa pagka bata na puro laro lang ang alam. Sa school, sa bahay hindi natin maiiwasan na hindi mag laro. At hindi rin natin maiiwasang magka-"crush" sa kapwa natin estudyante. Maaring sya'y ating schoolmate, classmate, kapitbahay. B...