NaFA:Prologue

27 1 0
                                    

I was driving home late at night.Galing ako sa isang bar and of course,had a party with my friends. Well, who cares? My parents are busy with their bussiness as always.And I'm sure puro maids nanaman ang madadatnan ko sa bahay.Bakit ba kasi ki-nonfiscate pa ni Dad ang susi ng condo ko!?Nakakainis naman.Kung pwede lang ay hindi na ako uuwi sa bahay ee.Puro katulong lang naman kasama ko at minsan lang naman sila umuwi ni Mommy dahil lagi silang may bussiness trips.

Napahawak ako sa sentido ko nang maramdaman ko ang pagka-hilo.Hay, naparami ata ang inom ko.Itinuon ko na lang ang paningin ko sa daan at nag-concentrate sa pagmamaneho.Ghad! inaantok na ako.

Malapit na akong maka-uwi. Mga ilang minuto pa siguro. Patuloy na nakatuon ang aking paningin sa daan
nang mapansin ko ang isang pigura ng isang babae na naglalakad sa di kalayuan.Nagtatakang napatitig ako sa kaniya.Kung kaya't bakit sa kalagitnaan ng gabi ay may naglalakad pang tao? at dito pa sa madilim na parte na aking tinatahak dahil nga sa walang mga streetlights.

Napalunok ako nang mapatanto ko ang isang bagay.Ay naku,k*ngina takot ako sa multo bes.Huwag naman sana.Ba't ba kasi late pa akong umuwi?I used to see this scene sa mga pelikula, and I'm starting to hate it.Para naman akong nasa isang horror movie.

Ayan na, malapit na ako sa kaniya.Nilakasan ko ang loob ko.'Kaya mo to Wendy!Kailangan mo lang siyang malagpasan.Tao lang yan! O kung multo man,kayang-kayang mong sapakin yan.'Pag-aalo ko sa aking sarili.

Nang matapat na ang sasakyan ko sa kanya ay di ko naiwasang mapatingin sa kanyang gawi.Gulat na napatitig ako sa kanya.Isa siyang matandang babae.Naka-tingin siya sa akin at higit sa lahat,naka-ngiti siya.Sh*t.Hindi man iyon ngisi o kung ano man ay ang creepy ng dating para sa akin.

Ugh.Sino ba 'yon?Bakit siya naka-tingin sa akin at naka-ngiti na para bang kilala niya ako?Hay,mas lalong sumasakit ang ulo ko nang dahil sa kanya.

Hindi ko namalayang nandito na pala ako sa tapat ng bahay namin na muntikan ko pang nalampasan dahil sa pag-iisip.Mabilis na ipinarada ko ang sasakyan at dali-daling bumaba rito. Ugh.Gosh.I really need to sleep now.My head's aching so much.

"Where have you been ASH WENDY LEWIS!?" my father's voice boomed as I enter our house.I sighed.Nandito na pala sila.

"Not now Dad,please" I said to him cause I really really wanted to rest now.I'm exhausted.

"FOLLOW ME IN MY OFFICE" he said with an authorative voice.

Ano pa nga bang magagawa ko? Sumunod ako sa kanya at umupo sa isa sa mga upuan sa harap ng kanyang desk.

"Bakit ka umuwing late?Palagi ka bang ganitong oras umuuwi?"sinabi niya sa sobrang mahinahong tono. Pero alam ko galit siya.

"Ee Dad,vacation naman ee.Gusto ko lang naman magsaya. Ano namang gagawin ko dito sa bahay kung dito na lang palagi?tutunganga?Ibalik mo na kasi yung susi ng condo ko Dad"

"Don't talk to me like Wendy.Kinuha ko na nga ang susi ng condo mo para dito ka umuwi sa bahay, hindi mo pa rin ginagawa.
And I'll never give you your key unless magtitino ka"sinabi niya ng naka-ngiti.

"Ano nanaman Dad? "sabi ko ng naka-simangot.

"Guess what" parang hindi ko gusto 'yong ngiti niya.

"Dad naman ee sabihin mo na.Inaantok na ako"

"Okay.Napag-usapan namin ng Mommy mo na papuntahin ka sa Probinsya.Makakasama mo naman ang grandparents mo doon kaya huwag kang mag-alala.I'll confiscate all you have.Susi ng sasakyan mo,credit cards, your money,and cellphone."

W-WHAT!?

Nanlaki ang mga mata ko.Nawala ata ang sakit ng ulo ko.

"Don't worry honey,I'll still give you a limited budget just for yourself kaya huwag kang magastos.And papalitan ko 'yang phone mo, limited access to internet and some other" Naka-ngiti pa rin siya.

Nanigas na yata ako dito sa kina-uupuan ko.Wala na akong magagawa.Kung hindi ako susunod, katatakot-takot na pilitan ang mangyayari.Kahit ayaw ko talaga argh! Kaasar naman eh!.

"Honey, you'll just stay there for about a month or two.Depende.Pag-uusapan pa namin ng Mom mo"

"Kailan naman po ako pupuntang Probinsya? " sana naman next week pa,o next month o kaya next year na lang.

"It'll be TOMORROW"

*****

End of Prologue.

Not a Fiction AnymoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon