Prologue

8 2 0
                                    

Black Snakes

Hingal na hingal na ako.. Takbo ako ng takbo kanina pa ngunit wala akong makita na labasan. Isang diretsong daanan lang ang tinatahak ko at parang nagpapabalik balik ako sa pinagmulan ko.

Nasaan ba ko? Bakit nandito ako? Ano 'tong lugar na 'to?

Wala akong makita na kahit na sino. Isang kisame at dingding na puti at ilaw lang ang makikita mo rito. Paano ba ako napunta rito?

Gusto kong sumigaw ngunit walang nalabas na boses sa bibig ko. Huminto ako at sinandal ang ulo ko sa pader. Bahagya kong pinikit ang mata ko at nakaramdam ng likido sa aking paa.

Marahan kong binuksan ang mga mata ko at isang kulay pulang likido ang tumambad sa akin. Dugo?

Nagising ako sa isang malakas na sigaw na nagmula sa kabilang room. Agad na nagtakbuhan ang mga kaklase ko at naiwan akong nakatulala rito sa kinauupuan ko.

Anong meron sa panaginip na 'yon? Bakit may dugo? Bakit ako lang ang tao na naroon?

"Hoy! Pinagpapawisan ka ata?" Bumalik ako sa realidad. Kumuha siya ng panyo sa kanyang bulsa at pinunasan ang noo ko.

"A-ano meron? Salamat Ize." Kinuha ko ang panyo niya at ako na ang nagpunas sa sarili kong pawis.

Hindi ko alam ang nangyari.

"May namatay." Bulong niya at agad na hinawakan ng mahigpit ang kamay ko.

"Nasaan sila? Ano nangyari? Bakit ikaw lang ang nandito?" Tanong ko at agad siyang ngumiti na nag pagaan ng pakiramdam ko. Kahit na gusto kong matakot ay nandiyan pa rin siya para pagaanin ang loob ko.

"Saddy!" Sigaw ni Czar na tumatakbo papunta sa akin kasama si Monica at Loisa na nag aalalang nakatingin sa akin. Agad ko namang inalis ang kamay niyang nakalagay sa kamay ko.

"Ano nangyari sa'yo?" Tanong ni Loisa. Hindi ko siya sinagot at sa halip ay tumayo ako para silipin ang mga taong nakadungaw sa isang room.

Nakisiksik ako at kitang kita ko ang isang babaeng nakahiga sa sahig.. Duguan ang buo niyang katawan at may nakabalot na lubid sa leeg nito.

Napatakip ako sa bibig ko at gusto kong masuka dahil sa malansang amoy nito.

"Nakita raw siya ng guard na nakabitin sa bintana kaninang madaling araw." Rinig kong bulong ng katabi ko.

"Paano napunta diyaan 'yan kung nakita sa bintana?" Rinig ko namang tanong ng nasa likod ko.

Pero bago ako umalis ay napansin ko ang isang peklat na nasa kaliwang dibdib niya. Hugis tinidor ito. At isang gang lang ang alam kong may gawa nito.

Umalis na ako sa kinatatayuan ko dahil natural na naman na laging may namamatay dito, hindi na bago sa amin itong mga nangyayari. Bumalik na lang ako sa classroom namin at nakita ko namang nag uusap-usap sila Loisa.

"Ano namang kasalanan nung babae at pinatay nila?" Tanong ni Czar habang nakalagay ang kanyang hintuturo sa baba niya.

"Baka naman nag bigti talaga siya at may nag alis lang sa kanya para mas matakot lalo ang mga students." Singit ni Monica na nakakunot ang noo.

Wala akong panahon makisali sa gulo na ito. I don't care and I will never give a damn. Umupo na lang ako sa tabi ni Ize na nakahawak sa salamin.

"Kung 'wag niyo na lang isipin 'yan. Parang hindi na kayo nasanay. Pagmasdan niyo na lang ang kapogian ko." Singit niya sa usapan habang nakatingin sa salamin at tumataas-taas pa ang kilay nito. Kitang kita ko sa mukha niya kung gaano siya kabilib sa sarili niya ng sabihin niya iyon.

One Hell of a CityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon