Anong ginagawa ko ngayon?
Malamang na nagtatype diba? Obvious naman eh noh? Pero maliban dun.. Dahil di naman ako dirediretcho kung magtype dahil may iba parin naman akong pinagkakaabalahan..
Just so you know, marami akong on-going stories ngayon, yung iba nga hiatus na eh.. Dahil bukod sa nauubusan ako ng ideas at tinatamad ako, nauubusan din naman po ako ng English.. Di ko na carry.. Mag iipon nalang muna ako ng English bago magsulat ulit. Pero in all fairness naman, inuunti unti ko naman ang pagsusulat nun.
Yung "Making a Lover" ang dami kong ideas dun, ayos na plot nun, English lang talaga problema.. Hahaha! Yung sa "Unaddicted to KPOP" naman, oh well, ilang buwan na kong nagtatype, nasa next chapter pa din ako na di ko matapos tapos. Hahaha! Eh kasi naman po nawala yung kilig ko kay Kim Hyun Joong, sya yung partner ko dun eh.. Ay, love triangle pala.. Hahahaha! Yun namang sa non-KPOP fanfiction ko na pinagbibidahan ni Devon Seron, yung "The Guy Changer", gandang ganda ako sa plot nun kaya lang for the nth time, I'M SOOOOO TINATAMAD.. Sorry Devonairs! :D
At eto nga ako ngayon, palipat-lipat ng story na tinatype. As of, 1 hour ago, natapos ko na ang pagtatype ko ng update ng "The Super Wives of the Super Stars". May mga nabagong eksena, may mga scenes na dapat kasali sa chapter pero tinanggal ko. Nauumay na po kasi ako sa JjunRhi eh. Bwahahaha! Tapos sinasabayan pa ng JjunRhi ulit sa ginagawa kong sort of a series kuno, yung "OBSESSED". Eh sila kasi una, anong magagawa ko? Tinatamad na nga ako. It's soooo nakakaumay, you know? Hahaha! Mabubwisit na naman si @ArishaRecuerdo nito. labKYU! :)
At dahil activated ang kilig cells ko ngayon, tinatype ko ang update ko sa "HE'S NOT MY BIAS. SHE'S NOT MY FAN.". Kahit na, di naman masyadong nakakakilig ang update ko? Hahahaha! Sumasakit na ulo ko eh.. Ang dami kong ideas, tinatamad lang talaga ako mag type.. Pero ano nga ulit ang ginagawa ko ngayon?
NAGTATYPE.
Eto pa, eto paaaa! At dahil nga nasa "OBSESSED" mode ako ngayon. Kanina pa paulit-ulit ulit ulit ang kanta ni Cher Lloyd sa youtube. Ang kantang 'Swagger Jagger'. Yun kasi ang theme song ng mga babaitang bida dun. Ganito yun eh..
'Hi hater.. Kiss, kiss.. I'll see you later..'
Oh diba? Ganda ng linyang yan? Kaya mo bang halikan ang hater mo? Ako kasi, kaya ko.. Teka.. Ang alam ko, hate ako ni Young Saeng eh.. Halikan ko kaya sya? Hahahaha! Nabaliw na naman po..
At dahil sabi ko naman sainyo na random to.. Sobrang random talaga ng mga tinatype ko dahil mula sa pagkekwento ko ng kung anong ginagawa ko ngayon, magkekwento naman ako sa buhay fangirl ko.. Pero dahil nagbago ang isip ko.. Sa susunod na update ko nalang pala ikekwento. Hahahaha! Sabi sainyo eh, bipolar ako.. :D
Nga pala, off topic.. Tinigil ko pansamantala ang pakikinig ng Swagger Jagger dahil pinanuod ko yung lechugas na CCTV footage ng pagpunta ni kras kong si Vhong Navarro dun sa condo unit nung babaitang sinungaling!!! Isn't it annoying? Wala mang footage nung mismog pambubugbog (buti nalang dahil baka maiyak lang ako) kitang kita naman ang paglabas ng condo nung babaita nung makapasok na si Vhong. Few seconds ago lang yun.. So paano, tell me, paanong nangyaring napagtangkaan syang gahasain ni Vhong sa ilang segundo lang na yun? Ni wala nga sa reaction nya na pinagtangkaan sya! Sinundo nya pa sa labas ang mga lechugas na lalaking sinaktan si Vhong! Aish! Naasar talaga akoooo!!! Kung kay Rodjun Cruz yan gagawin, naku!!!!!!!! Ewan ko nalang!! Hay talaga.. Buti nalang talaga okay lang si Vhong.. Thank God at di sya pinatay ng mga yun.. Psh!
Anyway.. Moving on..
Eto na naman ang pagka random ko.. hahaha!
As of today, 6:52 a.m.. Ka-commentan ko si @GirlFromYourDreams at naaaliw ako sakanya dahil mukhang nagseselos na agad sya samin ni Jareth (character mode on sa #MOH at #ADCT). Hahaha! Mianhae, eh kasi naman si Hyun Joong pinapakilig na naman ako! But, isang malaking BUTT!! Si Young Saeng lang talaga ang mahal ko so kalma lang bish, okay? Kalma brad, kalma. Hahahaha!
Eto pa isang random thought.
Sinong magandang tanga ang makakalimot sa password or sa email?
Walang iba kundi si..
Tededen!
@tepmustbeinlove
Hahahaha! Maka tanga eh noh? Wagas! Kasi naman! Hahaha! Akala tuloy namin nag eemote ang loka loka at nag deactivate ng account sa peysbuk. Yun pala na-block. Hahahahaha! Isn't it amazing!!? :))))
At dahil feeling ko masyado na kong madaldal, ayoko na! Tama na ang kalokohang ito! Tapusin na to! Bukas or mamaya na ulit! Haha! Dinalaw na naman po kasi ako ng katamaran eh. Oh diba? Tinatamad pa ko sa lagay na to. Haha.
Magreresearch nalang ako ng mga kalokohang pwedeng gawin ni Henry para kay Rian. Maghahanap ako ng mga pambatong pick up lines ni Jet para kay Shysie. Iisip ako ng paraan kung pano mapapasabak sa gulo si Kevin dahil kay Bettina. Gagawa pa ko ng paraan kung pano magpapa pansin in an unobvious way si Hans kay George.
At syempre pagpaplanuhan ko pa kung pano gagahasain ni Xandie si Ysmael.
CHARAAAAAT! hahahaha boys nga pala obsessed dito. Sorry naman.. Nadala lang po ng bugso ng damdamin.. Hahahaha! Okay let me rephrase the last line..
Pagpaplanuhan ko pa kung pano magpapa cute si Ysmael kay Xandie.
Oh ayan, okay na? "Obsessed" yan ha.. Yung new story na ginagawa ko pero di ko pa napapublish.. Abangan nalang.. Pag dinalaw ako ni kasipagan.. :)
Oh sya, sya.. Sige na tama na talaga to.. Tamad na ko.. Babye na..
Babye.
Babye.
Babye.
Kaway kaway! *U*