Every good things must come to an end. Unfortunately, this has to end.
Shit. All I could ever say is shit. Shit Shit. Shit!
Wanna know more about me?? Here it goes.
I am a suicidal type of girl (maybe). I've hurt myself a couple of times before, physically. Baliw na nga siguro ako or let's just say na sana naging baliw nalang talaga ako para hindi ko na kailangan mag isip at mag worry. Para hindi ko na isipin ang ibang tao. Para wala na din akong maalala or wala na akong alalahanin pa.
At dahil nga pakiramdam ko tinalikuran na ako ng lahat, kakausapin ko nalang kayo.. Kayo na nagbabasa nito.. Kahit na alam kong wala din naman kayong pakialam, kakausapin ko parin kayo. Desperada na ko, kailangan ko nang mailabas to.
Bakit ganun? Wala ka namang ginagawang mali pero biglang iinit ang ulo sayo ng ibang tao? Di ka kakausapin kahit mukha ka nang tangang imik ng imik. Kahit nagmumukha ka nang kawawa sa harap ng ibang tao, wala paring pakialam sayo. Ganun ba talaga kamanhid ang ibang tao? Ganun ba talaga sila or na sakin ang mali?
Bakit kahit anong gawin mo di ka parin nila maappreciate? Bakit kahit na anong sipag ang ipakita mo, yung katamaran mo parin ang mapapansin nila? Ganun ba sila ka-close minded?
Bakit kung kailan mo kailangan ng makakausap saka ka naman tatalikuran ng lahat? Busy? May iba nang mga kaibigan? May mga jowa na? May ibang pinagkakaabalahan? Wala nang pakialam sayo or sadyang wala naman talaga silang pakialam sayo right from the start? Ganun ba talaga ang buhay magkaibigan? Nag iiwanan? Hinahayaan sa ere? Pano kung mahulog ka? Nganga nalang sila? Babye lang, ganun? May pa-kaway kaway pa?
Bakit sa dinami rami ng mga kaibigan mo wala ni isa ang dumaramay sayo? Walang nagtatanong kung anong nangyari sayo? Sila ba ang mali o na sayo ang mali? Sila ba ang tama o feeling mo lang ikaw ang tama?
Bakit kahit anong pigil mo, kahit anong pagpigil ng hinga mo, tutulo at tutulo parin ang mga luha mo oras na masaktan ka? Bakit kailangan pa ng luha? Bakit kailangan pang umiyak? Bakit kailangan pang masaktan?
Oo. Inaamin ko hindi ako perfect na anak, kapatid, kaibigan at tao. I have a lot of flaws just like other people. Pero alam ko that I don't deserve to be treated like a trash. Yung tipong itatapon ka kapag wala ka nang halaga, kapag wala ka nang kwenta.
Oo, inaamin kong tamad ako pero may dahilan din ako. Nakakatamad maging masipag kung wala naman silang ibang nakikita kundi lahat ng mali sayo, lahat ng weakness mo, lahat ng flaws mo. Pano ako gaganahang maging masipag kung kahit na sagarin ko ang sarili ko sa pag gawa ng lahat, at the end of the day tatawagin ka parin naman nilang tamad?
Hindi man ako perpekto pero ako yung taong pwede mong asahan pag kailangan mo ng karamay. Ako yung taong sobrang magmahal sa mga importanteng tao sa buhay ako. Ako yung kind ng tao na gagawin lahat wag lang mawala ang pinaka iingatan kong tao sa buhay ko. Ako yung kind ng taong tanga sa pag ibig, martyr sa friendship.
Ito yung ikinatatakot ko.. Ang dumating ang araw na wala kang ibang matatakbuhan kundi ang sarili mo. Wala kang ibang makakausap kundi si God. Wala kang ibang maiiyakan kundi ang unan mo. Walang ibang yayakap sayo kundi ang kumot mo. Kaya minsan, natatakot akong makipag kaibigan, natatakot akong magmahal. Dahil alam ko sa bandang huli na ako din ang iiwan, na ako din ang masasaktan.
Madrama na kung madrama pero ito ako. Ganito ako. Malungkot ako at hindi ko na alam ang gagawin ko.
Nagagalit sakin ng walang dahilan, walang pakialam kung may masakit sakin, kakain sila, maghahain, tapos makikita mo yung nakahaing plato sapat lang sakanila. Sariling sikap ka, di ka kasali.. Ampon ka kasi..
Minsan mas gusto ko nalang isipin na sana ampon na nga lang ako. Tapos malalaman kong mayaman ang tunay kong pamilya, babawiin nila ako, sasama ako sakanila at mabubuhay ako ng sunod sa layaw, mabubuhay ako ng masaya.
Pero masyadong pang telenovela naman ang ganung klase ng kwento. Masyadong cliche. Masyado nang gasgas.
At kahit ginaganito nila ako, hindi ko parin kayang talikuran ang pamilya ko, ang mga kaibigan ko, ang mga taong minahal ko at kahit papaano ay minahal din naman ako. Hindi ako nang iiwan, ako ang madalas na iniiwanan.
Napaka shit lang talaga ng araw na to. Di ko alam kung anong kahihinatnan ng mga susunod na araw. Di ko alam kung kakayanin ko pa. Pero at least, andito si wattpad na pwede kong matakbuhan. Sya lang ata ang hindi ako tatalikuran maliban nalang kung may maintenance. Shit lang.
Ito ako, ganito ako.. Take it, or leave it. Kung ayaw mo sakin, go! Kung gusto mo parin akong maging kaibigan, then stay.. Tatanggapin ko.. Pero sana wag mo kong talikuran. Another kabaliwan ko na naman yan, another kadramahan. Mauulit na naman..
Sa lahat ng nagbabasa nito, sa lahat ng nagmamahal at sumusuporta sakin, Maraming salamat! Hinding hindi ko kayo makakalimutan. Salamat sa pagmamahal.
Sa lahat ng nang iwan at mang iiwan sakin, salamat parin.Thank you for making me realize that you don't deserve me. Thank you for letting me meet better people, better friends, better than you.
Thank You!
Maraming Salamat!