November 30, Malapit na yung contest namin.
Nagover night sila Sir Oliver sa amin. Mga 10:30pm na kami nakarating dito sa bahay, galing sa bayan. Nakakapagod 'tong araw-araw na puyat, pero sana naman makapasok ako sa ranking ngayong contest. Simula noong mga naka lipas na apat na araw inaabot kami ng hating gabi sa academy. Kulang na lang talaga na natulog kami mismo sa campus para lang makapag review.Pagkarating na pagkarating namin ay dumeretso kami sa kwarto ko para ituloy yung rinereview namin.
"Anong oras na?" sinabi ko, sabay tingin sa orasan. 11:45pm na pala, Lol. Gutom na ako, tinatamad na ako, nangungulit pa ako at hindi ko na rin alam ang gagawin ko. Matirang matibay na naman 'tong mga kasama ko, siguradong sigurado ako dito.
"Tol kain na muna tayo oh!" tamang yaya lang at pangungulit kay Alfred kasi nakatutok si sir sa mga ginagawa niyang test papers para sa ibang grade level. Ang saya sigurong pakialaman yung mga questions, yun nga lang baka madali lang mailagay ko sa test. Weh? Cjay, madali? Kelan ka pa gumawa ng madaling test? Kahit reviewer nga lang dinaig mo pa yung exam, yan pa kaya?
"Mamaya na lang tol, busong pa kami." Sagot ni Alfred habang nakahilata sa ihagaan ko na tinatamad na naman na magreview dahil nakakain na kanina.
"Ata gamin, nakarawrawet ka." ("Yan kasi, ang takaw-takaw mo.") Akala mo kung breakfast lang yung dinner niya ngay kung kumain. So hindi ka matakaw Chris, hindi kaa matakaw sa lagay na yan? Napabuntong hininga na lang ako.
(Opo, may mababasa kayong "ngay" , "ngarod" at iba pang expression ng mga ilocano. Pagpasensyahan niyo na at hindi ganun na exact ang pagkasalin ng salita sa ibang lengguwahe, kahit sa wikang Filipino.)
Ano ba naman yan! Ganun na ba talaga ako katakaw? Nakakagutom kaya kapag ang tagal mong gising pagkalipas ng apat na oras na wala man lang finger foods. Hahaha
Tumingin ako sa phone ko tapos tiningnan ko kung anong oras na. aba 12:14 na pala hindi ko na namalayan.
Nagmessage ako kay Erica. December 1 na pala. Binati ko siya, kasi nga kaarawan niya nga pala ngayon. Hahaha diba maeffort? Bandang 12 bumati agad, ito lang naman dahilan kung bakit masyadong pala tingin ako sa orasan. Sadyang sa araw na 'to lang talaga nagka-ganito.
"CJay, ano yung pagkain dyan?" Napatanong si Sir Oliver habang nakatutuko parin sa ginagawa niya.
"Sir may cassava cake, may..." at ganun na ngang napasige agad si Sir Oliver, wow ha? Yun lang pala panghihila ko sa inyo para kumain. Pinutol niya yung sinasabi ko nang narinig niya yung cassava cake. Grabe naman. Yun lang pala kailangan eh. Iniwanan na namin si Alfred, busy sa phone niya eh.
Habang kumakain tinignan ko ulit yung phone ko. Eh malamang nahihiya nga ako magpost sa timeline niya kaya sa pm ko na lang binati si Erica. Nagscroll ako sa news feed tapos nakita ko yung mga bumati kay Jane na kay aga-aga.
Akalain mo naman, nagbati rin pala si Ralph. Tapos "posted 32mins ago" pa. So saktong 12:01 niya talaga binati si Erica. Edi wow. ikaw na! Ikaw na! Hahaha inggit ka naman? Hindi yan paligsahan oyt. Kaya nga "love" life diba? Chris naman, hindi mo kailangang ipakita sa mga tao para patunayan mong gusto mo siya.
Heto namang si Alfred tumingin sa phone ko habang nagiscroll ako. "Luuuhh! Paano ba yan? Naunahan ka pa pala ni Ralph eh!" Natatawang sinabi ni Alfred sa akin habang hawak ko yung phone.
"Lol, hahaha. So ano naman kung nauna siya? Hindi ko naman kailangang ipangalandakan na ako yung una para lang mabati siya." Wow naman Chris. Patay emotions tapos banat na parang wala kang pake na bumati si Ralph nang mas maaga.
Actually real talk lang, may pake talaga ako behind my back. Grabe talaga. Nakaka hina ng loob kasi nga ikaw yung nagchat lang sa messager tapos siya proud na proud na bumati. Ang liit na bagay Chris. Grabe, ang awkward mo naman. Pati ba yan kailangan mong ipag-overthink?
Pinatay ko 'yong phone ko, nagluto ng fried noodles. Syempre magmamarunong tayo, yung pancit canton tapos ifrafry mo with itlog. Walang halong biro, masarap siya kung medyo trip niyo rin naman mag explore. Teka, saan na ba ako? Ah, ayun pala. Kumain kasama nga madlang people sa bahay, tsaka nagreview na ulit pagkatapos. Grabe talaga nakakapang hina ng loob yun. Wow ha, paulit-ulit? Hindi ko na alam, kung ano-ano 'tong mga pumapasok sa utak ko. I keep on overthinking, like damn, it won't stop.
Ahy, oo nga pala. Since hindi niyo pa alam, kaklase ko si Alfred at tsaka pinsan ko rin siya. Ang tagal ko nang kakilala since preschool pa, tapos noong grade 7 ko lang nalaman na pinsan ko pala. Syempre share ko lang na naman yun. Napaka daming side-comments eh.
So ayun, kahit antok na, go parin. Pangpagising ko lang yung mga mahihirap na questions sa reviewer namin. Bale 5 years na akong sumasali sa mga quiz bee at pabibo parin. Joke! Hahaha wala lang, gusto ko lang talaga kasi sumali para may dagdag alam. Share ko lang ulit. Nagmamarunong na nga, ang pabibo mo pang sobra. Sino ba namang magkakagusto sa isang tulad ko?
Around 2:47am na kami nakatulog ni Sir Oliver. Habang si Alfred naman nauna nang nakatulog habang nagrereview. Hahaha tulog pa! Sige, ayan tuloy may picture siya saamin. Taas kilikili pa pre, sinend kaagad namin 'to sa group chat. Sayang walang naihandang uling at nang maguhitan pa sana yung mukha ni Alfred. Kaso ayun, hays, nakakastress nga naman talaga oh. Sige na, so much for an intro.
Author:
Hello, just to inform you readers. This is not the first time I published WAWA, "I'm just me, I'm not you" yung title niya dati. Oh, diba? Match na match, kawawa na nga, WAWA pa yung abbreviation ng title. Medyo inayos ko lang 'yong ibang parts. Just so you know, I need your comments down below kung gusto niyong ituloy ko pa up until the present kasi nawalan ako noon ng gana este passion na ituloy ito.
That's all, matsala ng mimara guys. Hahaha🙂Characters:
Christopher James
Sir Carl Oliver
Leo Alfred
Erica Jane
Ralph Miguel
BINABASA MO ANG
Where Are We Again
RandomChristian James Zamora's Story ft. Doubtful Series Divine Integrated Academy Started: 30th April, 2021 Ended: ___ ______ ____ "Narito lang naman ako."