Jena's POV
"Nililigawan kasi ni Karson ngayon si Kris eh😖"
Natahimik nalang ako Nung narinig ko ang balita at para bang nawalan ako ng ganang pumasok. Dahil feeling ko di nya talaga ako maalala.😢💔
"Sabi na nga ba eh wrong idea na sabihin ko sayo yun eh, yan tuloy mukhang iiyak at sisisihin mo nanaman yang sarili no sa mga nangyari sayo dati😢" Zel
"Ano kaba di naman ako iiyak eh."😐 sabi ko Kay Zel pero deep inside gustong- gusto ko na talagang umiyak.
"Anong drama na naman to aga-aga eh" Sam
"Anong aga-aga? Aga lang😉" Yuji
"Yan nanaman yang kalokohan mo ha" Sam
Buti at dumating sila kaya napangiti ako ng kahit na saglit at nakalimutan ko ang aking nabalitaan tungkol sa kanya.
"Ano ba meron? Bat parang ang lungkot mo?" Yuji
"Wala"
"Anong wala eh yang mukha mo nagpapakita na napagsakluban na ng langit at lupa" Sam
"Mga te Tara na malelate na tayo." Yuji
Yun nga pumasok na kami dahil napansin namin na malelate na kami.
***
At natapos na naman ang ilang mga subject at recess na naman ang favorite subject ng lahat ng istudyante.Pagpasok na pagpasok palang sa canteen ay nasilaw na agad ako sa aking nakita.
"Best punta kana lang garden dun nalang tayo kain ako nalang bibili ng pagkain natin sabihan ko nalang din sila Sam at Yuji." Sabi sakin ni Zeline.
Dahil sa nakita ko lang naman ang lalaking dahilan kung bakit ako nasasaktan ngayon at sa araw-araw pagkataos ng mga nangyari.
Wala akong nagawa kundi ang sundin ang mga sinabi ni Zel dahil alam nya naman na nasasaktan ako sa tuwing makikita ko sya at sinisisi ko ang aking sarili sa mga nangyayari ngayon.
*Flashback*
(Grade 9 Days)
"Jen tara alis tayo gusto mo?"😊 Karson
"San naman tayo pupunta?" Ako
"Kung saan tayo lang dun sa tambayan natin nung mga bata patayo."
"Ano naman gagawin natin dun sa tambayan?"
"Wala gusto ko lang magpahangin."
"Pahangin pala bat dun pa layo kaya ng tambayan natin."
"Mas gusto ko nga yung malayo para di nila tayo makita at pauwiin agad tayo sa bahay nakakainis kasi sila eh."
"Bat ka naman maiinis?"
"Ginagawa pa kasi nila tayong baby, ikaw ba di ka maiinis?"
"Naiinis din pero syempre pinoprotektahan lang naman nila tayo eh."
"Ano sama ka ba?"
"Sige basta saglit lang tayo dun ha."
"Siege, tara na sakay kana sa bike ko oh."
Pumunta nga kami sa tambayan namin gamit ang bike nya inangkas nya ako sa likod nya gaya ng ginagawa nya ng kamiy mga bata pa.
***
Nandun lang kami sa ilalim ng puno at nakasandal, at pinag-uusapan namin san kami mag-aaral ng collage at kung anong course ang kukunin namin.***
Papauwi na kami galling sa tambayan namin sakay-sakay ang bike ng merong di inaasahang pangyayari.
Sa isang iglap napansin ko at Nakita ko sya sa tabi ng bike na sinakyan namin na duguan syang nakahiga. Balaka ko sana syang lapitan ngunit di ko kaya dahil sa sugat na meron ako sa aking binti at nawalan na ako ng malay kaya di ko na alam ang mga susunod na pangyayari.
*END OF FLASHBACK*
Nagising nalang ako sa isang kwartong kulay puti na alam ko naman na ospital yun. At Nakita ko si mama na alalang- alala, sabi nya sakin ng gumising ako ay buti nalang at gumising na daw ako dahil magdadalawang buan na pala akong di gumigising.
Nang maalala ko ang mga nangyari bigla kong na isip na meron ng apala akong kasama sa aksidente at kamusta na ba sya.
Sabi ni mama kadadala lang last week si Karson sa state dahil daw di na daw kaya ng mga doctor dito sa Pilipinas kaya dinala sya sa state.
5 months na ang lumipas at nabalitaan ko nalang na gumising na sya kaso ngalang nawalan ito ng alaala kaya di na niya ako naaalala.
Dahil sa pangyayaring di ko, namin inaasahan nawalan ako ng taong mahalaga sakin ang kaibigan ko.☹
Di ko na napansin ang sarili kong lumuluha dahil sa aking mga nakaraang pangyayaring aking inaalala.
"Ano bayan iiyakan mo nalang ba sya lagi/ sabihin mo na kasi ng malaman na ni Karson yung mga nangyari ng hindi ka na nabibigatan dyan sa mga dinadala mo." Zel
"haba ng sinabi mo ngayon ah" Yuji
"Ano ba bakla seryoso ako ngayon" Zel
"peace" sabi ni yuji sabay peace sign.
"Ayaw mo ba talaga sabihin sa kanya? Kung ayaw mo ako nalang magsasabi sa kay Karson ng di ka na nahihirapan at di narin kami nasasaktan sa tuwing makikita ka namin na umiiyak." Sabi ni Sam sabay tayo na palakad na sana ng pigilan ko sya.
"Sam please wag, kahit anong sabihin mo gagawin ko wag mo lang sabihin sa kanya" pakikiusap ko sa kanya.
"sige di ko sasabihin sa isang condition" Sam
"sige ano ba yun gagawin ko lahat wag mo lang sabihin please." Ako
"Wag ka nang umiyak sa harapan namin at........." sabi ni Sam pero di na nya natuloy ng may biglang sumabat sa aming usapan.
"ANONG DAPAT HINDI KO MALAMAN?"
Karson's POV
Dahil sa ilang araw ng gumugulo sa isipan ko ang tungkol sa pangalan na Jena ay lagi na akong napupuyat dahil sa parang may gusto akong alamin na di ko alam kung ano ang aking aalamin.
At dahil sa na curios ako kung ano ba talaga ang bagay na gusto kong alamin ay pinuntahan ko sya sa room nya na malapit lang sa room ko.
"Miss pwede mag tanong?" sabi ko dun sa babae na malapit sa pinto.
"Ahhhh si KARSON "sigaw ng babae na pinag tanungan ko nagulat ata ng kinausap ko.
"Miss wag ka naman sumigaw, asan ng aba si Jena?"
"Sorry nagulat lang ako napapunta ka kasi dito, ah Angel nga pala." Angel
"Ah ok, Karson ng apala."
"Si Jena ba Hinahanap mo?" Angel
"Oo eh asaan ba sya?"
"Vacant time namin ngayon kaya for sure nasa garden yun." Angel
"Ah ganun ba sige salamat ha"
"Wala yun sige." Angel
Pagkasabi ni Angel kung nasaan si Jena ay pinuntahan ko na agad sya sa garden.
"Kung ayaw mo ako nalang magsasabi sa kay Karson ng di ka na nahihirapan at di narin kami nasasaktan sa tuwing makikita ka namin na umiiyak." Sabi ng kaibigan nya sa kanya sabay tayo na at palakad na sana papunta sakin ng pigilan sya ni Jena.
"Sam please wag, kahit anong sabihin mo gagawin ko wag mo lang sabihin sa kanya" pakikiusap nya sa kanyang kaibigan.
"sige di ko sasabihin sa isang condition" Sam pagkasabi niya non parang gusto ko ng magpakita at tanungin sya kung ano ba dapat ang kailangan ko malaman.
"sige ano ba yun gagawin ko lahat wag mo lang sabihin please." Ako
"Wag ka nang umiyak sa harapan namin at........." sabi ni Sam pero di na nya natuloy ng may biglang sumabat sa aming usapan.
"ANONG DAPAT HINDI KO MALAMAN?"Ako
BINABASA MO ANG
Reset: Turn Back Time
RandomKaya mo pa ba maibalik ang mga bagay na nangyari na lalo na yung mga bagay na nagkamali ka? Parang gusto mo nalang ito na I RESET. Oh sabihin nalang natin na gusto mo itong balikan gamit ang time machine.